Julie Ann POVMahigpit kong hinawakan ang dalawang katana sa magkabilaang kamay ko sabay putol ng ulo ng makakasalubong kong black aasassin. Pinupuno na nila ang pasensya ko.
"Hahaha.. Hindi ko inaasahan na magtutuos tayo tita Julie"- taka kong tinignan ang taong yun at doon nakita ko si crisha na naka ngisi sa akin
"You traitor "- bigkas ko habang nanggagalaiting tinignan siya.
"HahHah. Ang dali niyo naman kasing bulahin.. Ultimo napasok ko ang academy niyo na hindi niyo na namalalayan hahaha"- sabi niya pa.
"Crisha hindi ako makapaniwala na magagawa mo to.. Matagal ka naming nakasama ng dahil kay zero at naging kaibigan ka na din ng anak ko kaya paano ka nahantong sa ganito? "-di makapaniwala kong tanong sa kanya.
Kita kong nagbago ang timpla ng mukha niya. Ang kaninang mapangasar na ngisi niya napalitan ng galit.
"Hindi niyo na natatandaan!? You killed my father!! "- iyak na sigaw niya sa akin. Taka ko naman siyang tinignan. Pinatay ko ang ama niya?
"Wala akong natatandaan na pinatay ko ang ama mo! "- sigaw ko sa kanya
"Hahaha... Hindi mo na natatandaan?... Ginagago mo ba ako TITA JULIE!! "- sigaw niya din pabalik at bigla nalang akong sinugod. Winasiwas niya ang espada niya at akmang isasaksak sa akin ng mabilis kong hawakan ang kamay niya pagkaiwas ko at mabilis siyang sinipa sa mukha. Napaatras siya at napahawak sa mukha niya habang tinignan ako ng matalim
"MAGBABAYAD KA!! "- sigaw niya at naalerto ako ng dahil nagpalabas siya ng baril at akmang ipuputok sa akin ng may maunang nagpaputok ng baril at nakita ko nalang na bumagsak ang katawan ni crisha
"Mukhang nakaabot naman kami"- ang boses na yun. Hindi ako pwedeng magkamali. Na miss kong marinig ang boses na yun. Tumingin ako sa likuran ko at doon nakita ko siya
"G-randpa"- utal na tawag ko sa kanya. Nginitian niya ako.
"Nasaktan ka ba apo ko? "- tanong niya. Mabilis ko siyang niyakap
"Hahahaha.. Na miss talaga ako ng apo ko"- sabi niya habang hinahawakan ang buhok ko
"G-randpa San ba kayo nagpunta?h-inanap ka namin pero ang galing mong magtago"- bulong ko na sabi sa kanya. Narinig ko na naman ulit ang tawa niya. Kumalas ako at tinignan siya
"Grandpa ang a-nak ko nasan? "- tanong ko sa kanya.
"Nandito siya... Makikita mo na siya mamaya"- sabi niya sa akin. May naramdaman naman akong kakaibang tuwa at galak dahil sa narinig ko.
Pagkatapos naming magusap ni grandpa nagsimula na ulit kaming makipaglaban. Napunta kami sa unahan ng academy at don nakita ko ang mga bata. Naaawa ako sa sitwasyon nila dahil bakas na sa kanila ang pagod at hirap sa pakikipaglaban.
Nandito na din sila blue kasama ang iba.
"Hahahahaha... W-ow napakaganda naman ng nakikita ko hahahaha kompleto kayo sa isang lugar"- umalingawngaw ang boses na yun. Hindi ako pwedeng magkamali.
Tinignan ko ang harapan namin at nakita ko siya.
"DAD! ITIGIL MO NA TO PAKIUSAP! "- sigaw ni zero sa daddy niya.
"Hahaha.. Sino ka naman para utusan ako ng ganyan?"- napakunot naman ang noo namin.
"Dad? "- tawag pa sa kanya ni zero.
"Your not my son! At hindi kita anak!! "- bakas ang pagkagulat sa amin dahil sa narinig namin. Papaano?
"D-ad? H-indi totoo yan! Nagsisinungaling kalang dad! '- naiiyak nang sabi ni zero. Nakaramdam ako ng galit at inis sa mga sinasabi niya. Hindi niya ba alam na nasasaktan na ang bata.
"Yun ang totoo zero!! Hindi kita anak at isa lang ang magiging anak ko at matagal na siyang Patay!!! "- sigaw na galit ni Arthur siya ang daddy ni zero
"yan pala ang pagkakaintindi mo"- napatingin kami sa nagsalita non
Kris POV
Matinding galak at pagasa ang nakikita ko ng makita kong nagsisidatingan ang iba pa naming kasama ng pinamununuan ni master. Sinasabi ko na nga ba.. Hindi niya papabayaan ang apo niya.
"Kris! "- tinignan ko ang tumawag sa akin non at doon nakita ko si creg kasama ang iba pang boss.. Yeah alam ko ang lahat. Kasunod din nila sila rid. Wala akong nakikitang bakas ng takot sa mga mukha nila.
Ng makalapit sila sa akin nagsalita si creg
"Mukhang madami nang namatay.. Nahuli yata kami"- sabi ni creg. Umiling naman ako sa kanya.
"Pumunta na tayo sa unahan ng academy... Nandon sila master"-sabi ng isang boss. Hindi ko pa alam ang pangalan nila.
Nagsitango naman kami at tumakbo na papunta sa unahan ng academy.
Nakita kong kompleto silang lahat doon. At nakikita ko din si Arthur na kausap silang lahat. Tsk.. Hindi ako makapaniwala nong una na siya pala ang kalaban namin.
Lumapit kami sa kanila na hindi nila nararamdaman.
"Yun ang totoo zero!! Hindi kita anak at isa lang ang magiging anak ko at matagal na siyang Patay!!! "- dinig naming sigaw ni arthor bakas sa mukha niya ang matinding galit.
"yan pala ang pagkakaintindi mo"- gulat kaming napatingin kay rid dahil sa sinabi niya.
"Rid, arthur?"- mahinang tawag sa kanya ni creg pero ang hindi ko inaasahan na kilala din ni creg si arthur.
"Kaya pala... Kaya pala hindi niyo man lang ako hinanap non!! Dahil yun ang pagkakaalam niyo!! "- galit na sigaw ni rid sa kanya. Hindi namin alam ang sinasabi niya.
"A-nak.. B-uhay ka? "- nanlaki ang mata namin sa sinabi ni Arthur habang nakatingin kay rid.
Ok! Ang dami kong nalaman ngayon.."Yes! Buhay ako!! At hindi ko matiim na isipin na pinagpalit niyo ako! "- sigaw pa ni rid sa kanya. Bakas naman ang pagkagulat kay Arthur at binaling kay zero ang tingin
"Sila ba ang sinasabi mo? Hahaha ginawa lang namin yun para makahiganti sa taong may kasalanan kong bakit tayo nagkahiwalay anak!! "- sigaw ni arthur at napatingin siya kay creg na nakatingin din sa kanya
"Arthur nasan ang mga anak ko!!? "- sigaw ni creg na tanong
"Hahahaha.... Hinahanap mo ang mga anak mo creg hahahaha.. E kung patayin ko kaya ang anak mo? "- galit na sabi ni arthur at bigla nalang tinutok kay zero ang baril niya.
Shit! Don't tell me si zero at Karen ang anak ni creg at si rid naman ay anak ni arthur.. Lintek ano to exchange children?
"Itigil mo na to? "- seryosong saad ni rid kay arthur. Napatingin ako kila empress at wala man lang akong nakikitang bakas ng pagkabigla at kaba sa kanilang mukha ni master. King'ina parehas parin talaga sila.
"Huli ka na... Kahit nagpakilala ka sa akin na anak kita.. Hindi magbabago ang plano ko"- nakangising saad ni arthur
BANNGG
"Zero!! "- sigaw ng mga bata ng iputok ni arthur ang baril at pinatamaan si zero sa binti.
At nagulat pa kami ng bigla nalang may nagsidatingan na maraming black assassin. Shit! Dumami na sila.
------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Book 2: The Continuation Of The Secret
AksiShe's beautiful; she looks like an angel, but she's brave, merciless, heartless, and a total demon. She wants to see blood, and she has crimson eyes. Everyone is scared of her. what she will do if she meet the people that she want to see? And what w...