Jamaica POVNagpunas ako ng pawis ng pinagpahinga ako nila uncle. Simula kaninang 5 am ng umaga nagsimula na akong magensayo. At ngayon lang ako pinagpahinga.
"Mukhang hindi ka man lang napagod ah"- habang umiinom ako ng tubig tinignan ko si rid na nakangiti sa akin. Nakatayo siya sa harapan ko.
Nagkibit balikat nalang ako sa kanya. Wala akong samood makipagusap. Tumalikod ako sa kanya at aalis na sana ng magsalita pa siya
"Na mi-miss mo na sila? "- napahinto ako sa tanong niya. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa bottled water at sa panyo ko.
"Ok lang naman na miss mo sila. Pero paalala lang princess nandito ka na sa loob ng empire kaya hindi mo pwedeng ipakita ang kahinaan mo"- paalala niya. Hinarap ko siya at tinignan ng blangko
"Wag kang magalala hindi mangyayari yan. Hanggang nandito ako sa loob"- sabi ko bago ko siya iwan doon. Nakasalubong ko pa si mac na kakagaling lang din sa pageensayo. Napatingin siya sa akin pero dinaan ko lang siya. Pumasok ako sa loob at pumunta sa kusina.
Nakita ko naman doon ang ibang mga nagsasanay na kumakain. Hindi ko sila kilala. Seguro bago
Napatigil sila sa ginagawa nila at napatingin sa gawi ko. Kanya kanya silang tayo at yumuko sa harapan ko. Tinanguan ko nalang sila at dumeretso sa ref. Tinignan ko ang mga pagkain doon at nahagip ng mata ko ang lasagna. Naalala ko na naman siya. Ito ang palagi niyang binibili sa akin tuwing kakain kami sa cafeteria. Pinikit ko ang mata ko at kinuha ang lasagna. Binuksan ko yun at kumuha ng kutsara at sinimulan nang kainin yun.
"Bago lang ba kayo dito? "- biglang tanong ko sa mga kasapi namin. Gulat naman silang napatingin sa akin.
"A-o-po pri-ncess "- utal na sagot sa akin ng isang babae. I think nasa 15 years old palang sila lahat. Ang babata pa nila. Tumango nalang ako at nagpaalam sa kanila. Umakyat ako sa panghuling palapag kung saan ang kwarto ko at ang kwarto ni lolo. Actually marami ang kwarto sa palapag na to kasi sadyang dalawa lang kami ang nagmamayari ng palapag na to. Pinagbabawalan din ako ni lolo na pumasok sa ibang kwarto. Kahit naman hindi niya sabihin sa akin. Hindi naman ako makakapagsok doon dahil naka kandado yun.
Pumasok ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Nagsuot ako ng maluwag na pants at sando na gray.
Napatingin ako sa phone ko na wala akong natanggap na messages or call mula sa kanila. Seguro galit sila sa akin kaya hindi na sila nag abala pa natawagan ako. Hindi ko naman sila masisisi. Lumapit ako sa veranda at mula dito sa taas nakikita ko ang mga underlings namin na nagsasanay ng mabuti sa baba. Ito naman talaga ang bubungad sa amin pagkagising mo palang sa umaga. May makikita kang nag ta-training na kabataan sa baba.
Nahagip ng mata ko si rid na nakatingin sa akin habang kausap ang isang lalaki. Hindi ko siya kilala seguro bago din siya dito. Napatingin sa akin ang lalaking yun at hindi ko maipagkakaila na may itsura naman siya. Gwapo siya pero may gwapo si zero. Matangos ang I long niya at singkit din ang mata pero mag singkit naman ang mata ni zero at matangos ang ilong.. Haist! Bakit ko ba sila pinagkukumpara. Napabutong hininga nalang ako at pumasok na ulit sa kwarto.
Zero POV
Naiwan ako dito sa kwarto .nagpaalam sa akin sila Hilton na pupuntahan daw nila ang mga girls. Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa kama at lumapit sa bintana. Tinignan ko ang dagat. Naalala ko na naman ang waterfalls kong saan saksi yun sa pagsagot niya sa akin. At sa mga ginawa namin na nakita kong masaya siya.
"Nasan ka na ba? "- biglang tanong ko.
"Kailan ka babalik? "
"Miss na kita"- napayuko ako dahil sa mga sinabi ko. Nababaliw na ako.
Tok tok tok
Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito. Nakita ko naman si tito neon
"Zero gusto ka daw makausap ng tita Julie mo"- sabi niya. Napakunot ang noo ko.
"Bakit daw? "-
Nag kibit balikat lang siya sa akin. Nag nod ako sa kanya at sumunod na pababa.Julie Ann POV
Dapat bukas pa ang punta ko sa isla pero napaaga yun dahil sa mga nalaman namin ni blue at kris. Hindi ako makapaniwala na nagawa nilang pasukin ang buhay namin. Pinaikot nila kami at hindi ko sila papalampasin. Magbabayad sila.
Wala akong emosyon na bumaba sa sinasakyan naming helicopter. Bumungad naman sa amin sila Kate at blake.
"Akala ko ba bukas ka pa dadating? "- takang tanong ni Kate sa akin.
"Sa loob na natin pagusapan"- sabi ko sa kanya. Naramdaman niya naman na seryoso na ako kaya Tumango nalang siya at sumunod na din.
Sinalubong naman kami ng iba.
"Nasan ang mga bata? "- tanong ko
"Sa mga kwarto nila nagpapahinga"- sagot ni zenia. Nag nod naman ako. Bumaling naman ako kay neon
"Pakitawag si zero may mahalaga akong sasabihin sa kanya"- utos ko. Tumango naman siya at umalis na.
Taka nila akong tinignan. Hindi ko nalang sila pinansin ng hindi din nagtagal nakita na namin na pababa sila neon at zero.
"Sumunod kayo sa akin"- sabi ko at pumasok kami sa isang kwarto dito sa baba. Ng makita kong nakasarado na ang pinto. Hinarap ko si zero na bakas sa mukha ang pagtataka.
"Hanggang kailan mo sa amin itatago? "-tanong ko sa kanya bigla. Nakita kong nagulat siya
"Coz anon--"
"Shut up Kate... Zero tinatanong kita.. Hanggang kailan mo pagtatakpan ang mga magulang mo? "- diin na sabi ko at bakas na din sa tuno ko ang galit.
Napakuyom ako ng kamao habang nakatingin sa kanya.
"T-ita kamakailan ko lang nalamam ang lahat.. At isa pa h-indi ko alam kong paano sa-sabihin sa inyo"- nakayuko niyang sabi
"Julie hindi namin kayo maintindihan.. Pakiexplain naman sa amin please kasi nakakalito kayo "- inis na sabi ni zenia
Huminga ako ng malalim bago magsalita.
"Si zero ang tanongin ninyo"- sabi ko habang napatingin kay zero ng matalim.
Tinignan nila ang bata.
"Zero? "
"S-ila m-om at d-ad sila ang mga pinuno ng black assassin"- nanginginig niyang sabi
"WHAT!!? Bulshit all this time. Pinapaikot lang nila tayo? I can't believe this" hindi makapaniwalang sigaw ni kate
"Bakit hindi mo sinabi ka agad sa amin? Alam ba nila na alam mo na? "- tanong ni blue sa kanya. Tumango naman siya. Napahilamos naman ako sa mukha
"Pero tita.. H-indi ko sila kinakampihan... H-indi ko kayang kampihan ang mga taong may kagagawan ng kaguluhan na nangyayari sa atin.. "- sabi ni zero
"Kahit magulang mo sila? "- tanong ko. Bahagya pa siyang natigilan.
"Kahit magulang ko"- deretso niyang sagot sa akin
Napangiti ako sa sinabi niya. Nagusap pa kami ng kailangan niyang gawin.
-----------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Book 2: The Continuation Of The Secret
ActionShe's beautiful; she looks like an angel, but she's brave, merciless, heartless, and a total demon. She wants to see blood, and she has crimson eyes. Everyone is scared of her. what she will do if she meet the people that she want to see? And what w...