CHAPTER 97

3.6K 93 3
                                    


Jamaica POV

Hinigpitan ko ang hawak ko sa dalawa kong katana at sa pagsugod ko sa kanila nakita ko pang inalalayan ng ibang council sila lolo papalayo sa amin.

Umiwas ako ng may aatake sa likuran ko. Yumuko ako at mabilis na pinutol ang paa ng mga nakapalibod sa akin pag ikot ko habang nakayuko.

"Arrggggshhh"

"Ahhhhhhhh"

"Ahhhhhhhhh!! ""- mga daing nila. Tumayo ako at walang emosyon na tinignan ang mga natira na napapaatras pa. Pero kalaunan sumugod din sa akin.

Tumalon ako sabay sipa sa mukha ng dalawang BA at pagkalapag ko sa lupa sinalubong ko naman ng saksak ang nasa harapan ko kaya bumagsak siya at nawalan ng buhay. Hinarap ko ang mga nasa likuran ko at sinalubong ako ng isa ng saksak pero umiwas ako sabay hawak sa kamay niya at binali Ito. Napadaing siya at napangiwa pa.

"Ahhhhhh"- sigaw na sugod sa akin ng mga natira. Nakatayo lang ako at hinintay sila. Ng matanya ko na ang lapit nila. Mabilis kong kinuha ang mga shuriken ko at tinapon sa kanila.

"Ah! "

"Arrggshh"
Sunod sunod na daing nila at napadapa sa lupa.

Boogggshh

"Argggshh"- daing ko ng bigla nalang may humampas sa batok ko. Kinapa ko yun at hinimas .shit! Iniling ko ang ulo ko dahil parang mawawalan ako ng malay. Ng maging maayos na ang paningin ko. Tinignan ko ng matalim ang taong yun at nakita ko si Lacey na nakangisi sa akin habang may hawak na baseball bat sa isang kamay habang baril sa isa pa. Tinutok niya sa akin ang baril niya. At napapikit nalang ako ng marinig ko ang pagputok non

Tinggg

Gulat akong napamulat dahil sa narinug ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko sa harapan ko.

"Anak.. Ay-us kalang ba? "- hindi ko na napigilan ang sarili ko at kusa nalang tumulo sa mata ko ang mga taksil kong luha.

"M-om"- usal ko sa kanya.Hindi ko aakalain na ililigtas niya ako at nagawa pa niyang ipangharap ang katana niya sa harapan namin para ipangsangga sa bala. Ang tiknik na to ang hindi ko magawa gawa.

"Napakasarap palang pakinggan na tinawag mo ako sa pangalan na ganon"- nakangiti niyang sabi. Napangiti naman ako.

"Tsk ..may lakas ka pa pala.. Hindi na ako magtataka Mafia queen ka at empress "- dinig kong sabi ni lacey sa harapan namin. Tinulungan akong tumayo ni m-om at masama naming tinignan si Lacey at arthur na magkatabi na ngayon

"Oh! Mother and daughter ..."- usal ni arthur sa amin.

"Tapusin na natin to"- seryosong sabi ni mom. Sa gawi ng pagsasalita niya parang demonyo na siya.

Pagkatapos niyang sabihin yun. Sumugod sa amin sila arthur at Lacey. Biglang hinawakan ni mom ang kamay ko at nagpalitan kami sa pagatake kila Lacey at arthur

Hinawakan ko ang katana ko at mabilis na tumakbo papunta kay Lacey na kinakalaban si mom ngayon kasama niya si arthur. Yumuko si mom at tumalon ako at winasiwas ko ang kanata sa pagitan nilang dalawa. Napaatras sila kaya pagkalapag ko sa lupa mabilis ko silang inambahan ng sipa. Umikot ako at ang pumalit sa akin si mom. Kita kong sabay niyang kinalaban sila arthur at Lacey ng manohan. Tinulungan ko si mom at ang kaharap ko ngayon ay si arthur. Isasaksak ko na sana sa kanya ang katana ko ng mabilis siyang bumunot ng kunai at yun ang ipinangharang niya. Nagigting ang panga ko habang nagtutulukan kami ng sandata. Sinipa ko ang tuhod niya kaya napaluhod siya habang pinipigilan parin ang katana ko.

"Itigil mo na to? Talo na kayo! "- diin na sabi ko sa kanya at mas diniin ko ang katana ko kaya nasaksak siya sa dibdib. Napabitaw ako sa katana ko at tumayo habang hinihingal at napatingin lang sa kanya.

Nanlalaking mata niya ako tinignan.
At nasaksihan ko kung paano unti unting pinikit niya pinikit ang mata niya.

"HINDIIIIII!! "- nabaling ang tingin ko kay Lacey na umiiyak habang tinitignan ako ng matalim. Nakita ko kung paano niya tinulak si mom. Mabilis niya akong sinugod. Sinalubong ko ang espada niya at sinangga ang katana ko. Tinulak ko siya at nawalan siya ng balanse. Tumalon ako at sinipa ang batok niya kasabay nang paglapag ko ang pag saksak ko sa likod niya.

Kasabay ng paghiga ni Lacey ang paghagip ng paningin ko kay rid. Kita ko kung paano tumulo ang mga luha niya kasabay ng pagluhod niya sa lupa. I fell sorry to him pero alam wala na akong magagawa pa. Habol ang hininga ko silang tinignang lahat at kita ko kung paano sila kasaya habang tinitigan din ako.

"T-apos na"- usal ko at hindi ko alam pero unti unti kong naramdaman ang pagod at nawawalan ako ng lakas. The next thing I knew bumagsak na ako sa lupa at nawalan ng malay.

Julie Ann POV

Mabilis kong sinalo si Allison ng makita kong pabagsak siya. Ngayon nakahiga siya sa mga braso ko. Hinawakan ko ang mukha niya.

" I'm veru proud of you my daughter "- bulong ko sa kanya.

"H-on mabuti pa dalhin ka na namin sa hospital malubha ang kalagayan mo" sabi sa akin ni blue

Nginitian ko naman siya at kinuha niya sa braso ko si allison at binuhat ito.

"Nasan ang iba? "- tanong ko sa kanya

"Nauna na sa hospital ang mga bata kasama ang iba apo"- sagot ni lolo habang may nakasunod sa kanya na anim na Tao.

Kung hindi ako nagkakamali sila ang mga council.

"Magpahinga ka na empress dahil alam namin na gustong gusto mo nang makasama ang anak mo"- nalangiting sabi sa akin ng isa sa mga council.

Napangiti naman ako at hinaplos ang buhok ni allison

"Masayang masaya ako"- usal ko

-------------------------------------------------------------

Book 2: The Continuation Of The SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon