CHAPTER 87

3K 73 1
                                    


Zero POV

Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng kirot.. Arrgggshhh.. Shit ang sakit. Nilibot ko ang paningin ko doon ko lang napansin na nasa loob ako ng kwarto ko. Wait! Paano ako nakauwi. Huli kong natatandaan nasa bar kami.

Nalala ko na naman ang rason kong bakit ako nandon. Shit! Ang sakit pala isipin na iwan ka ng taong mahal mo na walang paalam. Nakakagago.. Nakakabaliw ,Nakakalito at Nakakasakit.. Shit apat na N na yun

Humiga ako ulit sa kama at napatingin sa kesami.

"Maica"- sambit ko sa pangalan niya. Naramdaman kong naiiyak na naman ako. Nakakabala mang isipin pero anong magagawa ko. Iniwan lang naman ako ng taong mahal ko

"Nasan ka ba kasi? Bakit ka umalis? Akala ko ok na.. Akala ko ba mahal mo ako.. Pero bakit ka umalis.. Bumalik ka lang ngayon sa akin tatanggapin ko lahat ng sorry mo.. Kahit wag mo nang sabihin sa akin ang rason kong bakit ka umalis.. Bumalik ka nalang"- usal ko habang tumutulo na naman ang luha ko.

"M-aica please come back"- hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko at pabalya kong tinapon ang unan na nakuha ko.

BOOGGGSSSHH

Natamaan non ang mga trophies sa cabinet ko.

"BULLSHIT!! "- malakas na mura ko. Napapasuntok na din ako sa kama ko.

Tok tok tok tok

"K-uya! Ok kalang ba diyan? Kuya please open this door"- dinig kong sabi ni Maxine sa labas. Hindi ko siya pinansin at napaupo nalang ako sa sahig habang nakasandal ako sa kama ko

"Kuya! Pls! Open this door.. Nagaalala na kami sayo nandito na din sila ashton pls kuya! "

"Bro! Open this door! "

"Anak"- pagkaranig ko non mas lalo naman akong nagalit. Kinuha ko ang nalaglag na trophies kanina at pabalyang tinapon sa pinto

BOOGGGSSHH

"LEAVE ME ALONE! "- sigaw ko sa kanila

"ZERO ANO BA! OPEN THIS DOOR HINDI KA NA NAKAKATUWA! "- dinig kong sigaw mula sa labas

"Zero buksan mo to! "

"Bro paghindi mo to binuksan sisirain namin to"- napasinghal ako sa banta nila. Then go.. Wala akong pakealam

BOOGGGSSHH

"Zero"- tawag nila pagkasira ng pinto. Nakayuko lang ako at hindi sila tinignan. Gusto ko nang mamatay. Iniisip ko palang na wala siya sa tabi ko. Parang unti unti na akong pinapatay

Nakita kong lumapit sila sa akin

"Zero"

"Bro magayos kana"- dinig kong sabi nila. Pero parang wala akong lakas para tumayo pa.

"Kuya.. Sa tingin mo matutuwa si ate maica pagnakita ka niyang ganyan?.. Hindi kuya.. Kaya pls... Ayusin mo ang sarili mo.. Hindi lang ikaw ang nasasaktan dito.. Kami din kuya! Nasasaktan.. Napalapit na din si ate maica sa amin kaya nasasaktan din kami.. Pero alam mo ang mas masakit. Yung nakita ko ang kuya ko na nagkakaganito.. Hindi ikaw to kuya.. Ang kilala kong kuya, cold ,walang pakealam sa mga bagay bagay, at naiintindihan lahat ng bagay,o sitwasyon.. At higit sa lahat mahal si ate maica"- parang napatigil ako sa sinabi ni Maxine.

"Kaya ayusin mo ang sarili mo.. Alam kong babalik siya.. Babalikan ka niya.. Mahal ka non e"- dagdag pa niya

"Pero sa ngayon may mga bagay tayong mas kahaharapin"- sabi pa niya. Napatingin ako sa kanila.

"Ngayon ang simula ng pagsasanay natin para sa nalalapit na Laban sa mga kaaway ng empire Mafia"- sabi ni ashton. Dahil sa narinig ko matalim kong tinignan sila mom at dad sa likod.

Ano bang pinaplano niyo mom..ano nalang sasabihin nila na ang sarili kong magulang ang makakaaway namin. Na ang sarili kong magulang ang pasimuno ng lahat ng kahayupan na nagaganap dito. Nakakagago.. Dahil nakagawa naming magplano para mapabagsak ang mga black assassin kung gayong nasa malapit lang pala ang pinuno nila.

Ang pinakamalaking tanong.. Makakaya ko kayang saktan ang magulang ko. Makakaya kayang tanggapin ng kapatid ko ang lahat?

Pinilit ko ang sarili ko na makapagayos. At ngayon nakasandal ako sa sasakyan naming van. Nasa labas pa sila Maxine nagpapaalam kila mom. Dapat hindi ka na magpaalam sa kanila Max dahil sa huli sila naman ang makakalaban natin. Pinikit ko nalang ang mga mata ko at inisip si maica.

Ano kayang ginagawa niya ngayon? Nakakatulog ba siya ng maayos? Nakakain? Na mimiss niya din ba kaya ako.. Dahil ako miss na miss ko na siya.

Trina POV

Pagkapasok namin sa van. Unang nahagip ng paningin ko si zero na nakapikit ang mata pero tunutulo ang luha sa mata niya. Naiiling nalang akong umupo sa likod kung saan nakaupo si kael

"Kaloka si zero.. "- bungad na sabi ko sa kanya. Nagtataka niya naman akong tinignan

"Bakit? "-

"Ayun.. Nakapikit na naman pero naluluha"-iling na sabi ko

"Hayaan mo na.. Ganyan talaga ang tao pag nasasaktan"

"Ay may pinaghuhugutan ka? "

"Wala"

"Ganon naman pala e.. Bakit bawat bigkas ng salita mo damang dama mo.. Na brokenhearted ka na ba? "- tanong ko pa sa kanya

"Hindi pa no.. Pero in love oo "- nakangiti niyang sabi.

Natahimik naman ako sa sinabi niya. In love siya? Kanino? Parang may kumirot sa puso ko dahil sa sinabi niya.. Trina wag kang magassume. Engot.

Umalis na kami at nagsimula nang mag byahe. Sabi ni tita Julie sa amin sa private island daw nila kami magsasanay. I wonder anong pagsasanay ang ipapagawa nila sa amin. Sana hindi si mom ang magsanay sa akin. Kundi patay na.
Baka hindi ako makatagal don lantang gulay na ako.

Rid POV

Nandito kami ngayon sa battle field at nakatingin lang kami sa mga kasamahan namin na nagsasanay. May nakikita na akong natutumba at nauubusan ng lakas pero kinakaya pa din nila. Walang may gustong sumuko. Nahagip naman ng tingin ko si princess na nasa loob ng electric jail. Malaki ang electric jail at kasya ang isang daan na katao. Delikado kung doon ka mageensayo dahil kapag nadikit ang parte ng katawan mo sa rehas. Seguradong patay ka. Nakita kong maraming kalaban si princess at binabantayan din siya ng mga bosses. Kanina pa siya sa loob pero hindi ko man lang nakita ang bakas ng pagod sa kanya. Kampante lang siya na binubugbog ang mga kalaban niya.

Nakikita ko ang determinado sa sarili niya.

-------------------------------------------------------------

Book 2: The Continuation Of The SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon