CHAPTER 43

3.9K 86 2
                                    


Ashton POV

Pagkatapos kong ihatid sila zero at karen sa bahay nila umuwi na ako kaagad. Pagkadating ko sa bahay nagtaka ako dahil parang wala yata sila mom at dad dito. Dapat kung nandito sila maynaghahagisan ng kung ano anon patalim pero ang tahimik yata.

Pumunta ako sa kusina at nakita ko naman si manang.

"Manang nasan sila mom? "- I ask her. Napatingin siya sa akin.
"Naku iho sabi nila mam Julie hindi daw sila makakauwi may inaasikaso dad silang important"- sabi ni manang. Gaano ka important yun?

Nag nod nalang ako sa kanya at umakyat na sa taas. Napadaan naman ako sa office nila mom at dad. Kahit kailan hindi pa ako nakakapasok dito. Bata palang ako pinagbawalan na ako ni mom at dad na pumasok dito. Lumapit ako sa pinto at nagdadalawang isip pa ako kung hahawakan ko ba ang doorknob o hindi. But I see my self na nakahawak na sa doorknob at pinihit na ito. It's open.

Naramdaman ko ang kaba sa sarili ko. Parang may nagsasabi sa sarili ko na maymakikita ako dito sa loob. Ng tuluyan na akong makapasok bumungad sa akin ang hindi bagong atmosphere ng isang normal na office. May mga bookshelves may table sa gitna at may mga sofa. Lumapit ako sa bookshelves at tinignan ang mga libro doon.

Mga libro tungkol sa pakikipaglaban. Hindi na ako magtataka kong magakibg makipaglaban sila mom at dad basi na din sa mga libro na nandito. Napatingin naman ako table sa gitna ng office. Lumapit ako doon. Pero isa lang ang naagaw ng atensyon ko. A picture frame.

Si mom at dad may hawak na
d-alawa-ng sa-nggol.

Kinuha ko ang picture frame at tinignan ito ng malapitan. I know ako ang isang baby na to. Pero sino ang baby na hawak ni mom.

"Iho? "

Blaggg***

Nagulat ako ng bigla akong tawagin ni manang kaya nabitawan ko ang picture frame. Bumukas ang pinto at niluwa non si manang. Kita ko ang pagalala at takot sa mga mata niya.

"Manang"

"Iho! Naku dapat hindi ka pumasok dito. Mapapagalitan ka ng mom at dad mo"-sabi ni manang at nilapitan ako. Habang sinasabi niya yun ang tingin ko nasa pricture frame sa sahig.

"I-ho"- tawag niya pa. Tinignan ko siya ng seryoso

"Whose that baby? Manang may alam ka ba? "- galit na tanong ko sa kanya. Nakita kong napaatras siya.

"Iho kumalma ka h---"- hindi ko na siya pinatapos pang magsalita at lumabas na sa kwartong yun. Nakita ko nalang ang sarili ko na nagdadrive ako ng sasakyan. Galit at inis ang nararamdaman ko ngayon.

May hindi ba sinasabi sila mom sa akin. May k-apatid ba ako?

"Arrggggshhh fcking life! "-murang sabi ko. Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa luha na pumapatak sa nga mata ko.

Beeeeeeeppp******

Parang tumigil ang oras dahil sa nangyari. Huli nang marealize ko ang lahat. And the next thing I knew everything went black.

-------------------------------------------------------------

Julie Ann POV

Nandito parin kami ngayon sa hospital and thank God dahil gising na talaga si Jane. Nandito na din si mom at parang matatawa ako sa kanya ang dami niya kasing dalabg prutas. Hahaha...

Tumayo ako at kumuha ng maiinom. Parang na uhaw ako bigla. Kukuha na sana ako ng baso ng hindi ko sinasadya na madulas ito sa kamay ko

BLAG*CRAACK*

"Julie"

"Hon"

"Princess "

Sunod sunod na tawag nila sa akin. Tinignan ko naman sila at nginitian para sabihin na ok lang ako. Tinulungan naman ako ni blue iligpit ang nabasag na baso. Habang kinukuha ko ang bubog hindi ko alam pero parang kinabahan ako. Parabg may hindi masamang nangyari. Sana wala

Ng matapos na kami sa paglinis bumalik na ako sa pagupo ko. Tumabi din sa akin si blue.

Ringggg ***ringgg***

Napatingin kami kay mica ng tumunog ang phone niya. Parang may dumaan na anghel sa harapan naming lahat dahil bigla kaming lahat tunahimik. Sinagot ito ni mica

"Hello... Carl"

"WHAT!! h-ow? "- kinabahan ako dahil na din sa expression ni mica. Parang may masamang nangyari.

Ng matapos na siyang makipagusap. Napatingin siya sa amin ni blue. Biglang kumabog ang dibdib ko dahil sa mga titig niya.

"Ju-lie si As-hton na-aksidente"- utal na sabi niya. Pagkarinig ko non parang tumigil ang mundo ko. That's not true.

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at napaiyak nalang. Una si Jane ngayon naman si Ashton. Sino pa? Sino pa ang susunod na makikita kong parte ng pamilya ko ang isusugod sa ospital.

-------------------------------------------------------------

Carl POV

Kasama ko si kit ngayon. Niyaya ko kasi siyang mamasyal.papunta kami sa park dito sa subdivision ng mapatigil kami sa paglalakad dahil may nakita kaming nagkakagulo malapit sa palikuan.

"Tignan natin"- sabi ni kit at hinila na ako. Nakita naming may nagkabanggaan. Isang track at kotse. Wait! Nakaramdam ako ng kaba at alam ko ganon din si kit. Ang kotse na yun. H-indi. Dali dali kaming lumaoit doon nakipagsiksikan. May mga police at ambulance na ding dumating.

"Omgod! A-shton"- bulong na sabi ni kit. Hinawakan ko naman siya para pakalmahin.

Lumapit ako sa mga police.

"Sir bawal po kayo di---"- "I'm his cousin! "- sigaw ko sa kanya at hindi na siya pinansin. Lumapit ako kay ashton na pinapasok na sa loob ng ambulance. Sumunod naman sa akin si kit.

Nakaramdam ako ng kaba ng makita ang kalagayan niya. Maraming dugo na nagmula sa Tiyan niya at sa ulo niya meron din

Kinuha ko ang phone ko at sinabi kay mom ang nangyari. Una hindi pa siya makapaniwala. Sumama kami ni kit sa ambulance papunta sa pinakamalapit na hospital.

Hold on ashton. Masamang damo ka. Di ka pa mamamatay gago ka. Ano ba kasing pumasok sa kukuti mo at nagpabangga ka sa track? Kapag nawala ka hindi ko na alam ang magagawa ni tito blue at tita Julie. Ayuko nang makakita ng dalawang demonyo. Ikaw palang tama na.

-------------------------------------------------------------

Book 2: The Continuation Of The SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon