CHAPTER 70

3.8K 89 5
                                    


Daine POV

Kakababa lang namin sa sasakyan ng makita namin sila zero at Karen.

"Hey!  Morning"- salubong ni Ashton kay Karen at hinalikan pa ito sa noo

Napangiti naman kami dahil don

"Bakit salubong yang kilay mo? "- tanong ni kit kay Karen.

"Tanungin niyo diyan sa isang yan "- sabi niya at tinuro pa si zero na tahimik habanh nakasandal sa sasakyan niya. Tinignan niya lang kami ng blanko.

Eh?  Anyare sa kanya

"O!  Anong problema bro? "- tanong ni Hilton sa kanya.

"Nothing.. Sadyang OA lang si Maxine "-

"Hoy!  Hindi ako OA.. Ikaw ang weird mo ngayon.."- sabi ni karen sa kanya

"Tsk"- nagsimula nang maglakad si zero at nilagpasan pa kami

"Kita niyo na!  May kakaiba talaga sa kanya ngayon"- inis na sabi ni karen

"Hayaan mo na.. Malay mo ganyan lang yan dahil hindi niya makikita si Jamaica.. Diba? "- sabi ni kael

"Iba e"

"Hahaha.. Hayaan niyo na.. Pumasok nalang tayo late na oh! "- sabi ni Trina at hinarap pa sa amin ang relo niya. Nagkibit balikat nalang ako at nagsimula na nga kaming maglakad.

Rid POV

Dito na ako natulog sa bahay nila uncle. Hindi na ako umuwi sa condo ko dahil kahit nagkatampuhan kami ni princess hindi ko maiiwasan na nag-aalala pa rin ako sa kanya. Dumating na din ang private doctor kagabi na tinawagan ni uncle at hindi ko inaasahan na doctor pa yun sa loob ng empire. Tsk!

Hindi din ako papasok ngayon. Hanggang ngayon kasi may sinat pa si princess at papasok si uncle dahil hindi siya pwedeng umabsent dahil may inaasikaso daw siya sa academy. Hindi ko lang alam kung ano yun. Kaya nag presenta akong ako nalang ang magbabantay sa kanya.

Nandito ako sa kusina at kumakain ng biglang pumasok si uncle na nakaayos na.

"Hindi na ako kakain.. Late na kasi ako"- sabi niya

Nag nod nalang ako at tumuloy na siya palabas ng pinto. Bigla nalang lumabas si manang na dala ang kanin

"O umalis na si sir?.. Hindi ba siya kakain muna? "- tanong ni manang

"Hmm.. Late na daw po siya"- sabi ko. Tinignan ko naman si manang"manang ako nalang po ang magdadala ng almusal ni maica"- sabi ko

"O segi.. Sandali lang kukunin ko lang"- sabi niya at bumalik sa loob ng kusina

Hindi din naman nagtagal may bitbit na siya na isang tray. Tumayo naman ako at kinuha yun sa kanya

"Salamat manang"

"Segi na... Dalhin mo na sa kanya tan.. Segurado ako gutom na yun"nakangiti niyang sabi sa akin. Tumango nalang ako at naglakad na paakyat sa hagdan. Ng nasa tapat ako ng pinto ng kwarto ni princess. Hindi na ako nagabala pang kumatok. Pagkapasok ko naabutan ko si princess na nakaupo sa kama niya

Napatingin siya sa akin

"Gising ka na pala... Here kumain kana"- sabi ko sa kanya at nilagay ang tray sa ibabaw ng kama sa tabi niya.

"Pagkatapos mong kumain.. Uminom ka nalang ng gamot.. Segi bababa na ako"- paalam ko sa kanya at tuluyan nang lumabas sa kwarto niya. Pagkasara ko  ng pinto napabuntong hininga nalang ako.

Jamaica POV

Pagkalabas ni rid napatingin ako sa pagkain na dinala niya. No choice na ako at nagsimula nang kumain. Pagkatapos ay ininom ko na ang gamot.

Niligpit ko nalang ang pinagkainan kk at nilagay sa study table ko. Medyo ok naman ako at hindi na nakakaramdam ng pananakit by ulo. Medyo hindi na din ako paos. Sumandal ako sa pinikit ang mata. Mahirap talaga kapag nagkakasakit ka. Hinding hindi na ako maliligo sa ulan ulit.

Kinuha ko ang salamin ko at napatingin sa salamin. Napangiti naman ako. Tumayo ako at pumunta sa veranda ko. Mula sa kinatatayuan ko nakita ko ang mga katulong namin na naglilinis ng swimming pool. Alam kong hindi sila ordinaryong kasambahay lang. San ka naman makakakit ng kasambay na may nakatagong baril sa ilalim ng palda nila. Kahit hindi ko nakikita nahahalata ko naman.

Napatingin ako sa labas ng gate ng may nakita akong isang lalaki na nakaitim ng ng jacket. Huminto siya at nanlaki ang mata ko ng napatingin siya sa gawi ko. Seryoso niya akong tinititigan. And the next thing I knew nawala siya sa paningin ko. Nilibot ko ang paningin ko bakasakali na makita siya pero hindi ko na din maramdaman ang presensya niya.

Who's that guy?

Third person POV

Sa hindi kalayuan sa bahay nila Jamaica. Sa isang puno makikita mong may isang taong nagkukubli habang pinagmamasdan si Jamaica na hindi mapakali at parang may hinahanap.

Bigla nalang may tumawag sa taong yun na sinagot niya naman. Ngunit ang kanyang tingin ay naka tuon parin kay Jamaica. Kung paano niya nakikita nang malinaw ang mala dugong kulay na mata nito.

"How is she?"- bungad na tanong sa kanya ng sa kabilang Linya. Sa boses nito nakaramdam siya ng kaba at takot sa taong ito.

"She's ok po"- sagot niya

"Good... Bantayan at protektahan mo lang siya.. I don't want to see her hurt.. Understood? "-

"Yes po. Masusunod"- pagkasabi niya non binabaan na siya ng Linya. Napatingin siya ulit kay Jamaica at nakita niya itong papasok na sa kwarto. Ng hindi niya na ito nasilayan pa tumalikod na siya at pinasok ang dalawang kamay sa bulsa at tuluyang naglakad paalis

Sa kabilang banda naman pagkatalikod ni maica nakita niya si rid na nakatingin sa kanya sa pinto.

"Tapos kana pala... Kukunin ko lang"- paalam ni rid sa kanya. Habang nililigpit ni rid ang pinagkainan niya sinusunsan niya ito ng tingin. Napatingin sa kanya si rid at mabilis naman niyang iniwas ang tingin niya.

"Sinong tinitignan mo pala sa labas.. Parang may hinahanap ka kasi? "- hindi siya makapagsalita sa tanong na yun. Kunot noo niyang tinignan si rid.

"Ahmm.. T-initignan ko lang yung mga ibon kung saan sila pumunta pagkakita ko sa kanila.. Alam mo na curious lang.. Ah- aalis ka na ba.. Matutulog pa kasi ako"-

Takang tinignan ni rid si maica at alam niyang hindi ito nagsasabi ng totoo. Kalaunan napabuntong hininga siya at nagsalita

"Ok.. Kung may kailangan ka lang nasa baba lang ako"- sabi niya at nag nod lang sa kanya si maica. Bago siya makalabas sa pinto tinignan niya pa ng isang beses si maica at kita niyang nakatingin sa kanya ito. Ininiwas niya ang tingin at umalis na ng tuluyan.

Jamaica POV

Ng hindi ko na maanig si rid napaupo ako sa kama ko at napahilot sa noo. Muntik na ako don. Hindi ko naman aakalain na makikita ako ni rid at hindi naman siya kumatok sa pinto at basta basta nalang pumasok sa kwarto ko.

Di bali na... Ang kailangan ko nalang isipin sino ang taong yun? Bakit ganon nalang siya kung tumiyig sa akin. Parang pinapahiwatig niyang kilala niya ako. Kung ngayon ko palang siya nakita.

Siraulo din yun e no. Tsk.

Humiga nalang ako at pinikit ko nalang ulit ang mga mata ko. Ipahinga ko nalang ito. Kailangan ko pang pumasok

-------------—--------------------------------------------

Book 2: The Continuation Of The SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon