CHAPTER 98

3.9K 106 48
                                    


Rid POV

Nakaupo ako ngayon dito sa waiting area ng hospital dahil nawalan na kami ng kwarto dito dahil dito din dinala ang ibang mga students at underling mg empire na sugatan.

Tahimik lang ako habang ginagamot ng isang nurse ang ilan sa mga sugat ko.

Nag pabalik balik sa isipan ko ang nangyari kanina. Hindi ko inaasahan na doon sa huling sandali nila doon pa kami nagkita kita.

Aaminin ko kahit may galit ako sa kanila hindi ko mapagkakaila na mga magulang ko sila. Mga dugo nila ang dumadaloy sa katawan ko. At nasasaktan ako habang nakikita ko at nasasaksihan ang pagkamatay nila.

Nabalik ako sa realized ng bigla nalang may tumapik sa balikat ko. Nakita ko naman si uncle at umupo siya sa tabi ko.

"I know masakit para sayo... At sana wag mong iisipin na wala kanang pamilya dahil kami ng empire ay pamilya mo na.. Ako magulang mo na ako.. Ako na ang nagpalaki sayo "- nakangiting sabi ni uncle.

"Hindi ko naman iniisip na wala na akong pamilya dahil sabi niyo nga po... Kayo na ang magulang ko... "- nakangiti kong sabi sa kanya.

Tama siya.. Kahit nawalan ako ng tunay na magulang at pamilya.. Nandiyan naman sila.

"Pwede mo naman akong tawaging dad.. O di kaya papa, erpats o kung anong gusto mo"

"Hahaha. Ok na ako sa uncle.. Doon ako sanay e"

"Hahaha. Ikaw bahala"- sabi pa niya at tinapik pa ang balikat ko.

Napatigil kami sa kulitan namin ng papalapit sa amin si zero at nakaalalay sa kanya si karen.

Tumayo si uncle at hinarap silang dalawa. Sumandal naman ako sa upuan ko. Hindi ko man napansin na wala na pala ang nurse na gumagamot sa akin kanina.

Tinignan ko lang silang tatlo. Para silang nga ewan.. Hahaha.. Anytime kita ko na papatak na ang mga luha nila.

"A-ng laki niyo na"- napangiwi ako sa usal ni uncle.. Tsk.. Ano ba yung sinabi niya

"Smile *** d-ad"- pagkatawag ni zero non nakita ko nalang na nagyayakapan na sila. Napangiti naman ako at ibinaling ko sa gilid ko ang tingin ko at nahagip ko ng tingin si mac na mahimbing na natutulog habang nakasandal.

Ngayon ko lang napansin.. Kahit madami siyang galos sa mukha maganda pala siya.

Nanlaki naman ang mata ko ng magmulat siya at tinignan ako. Inirapan ko naman siya at pinikit nalang ang mata ko.

Ashton POV

Pagkatapos akong gamutin ng nurse naisipan kong puntahan sila mom sa kwarto nila. Pagbukas ko palang ng pinto ang unang bumungad sa akin ay si dad.

"O-k ka na ba? "- tanong niya. Nginitian ko siya at tumango. Tinignan ko naman si mom na nakahiga sa kama niya at natutulog.

"Kamusta si mom.. Dad? "- tanong ko habang papalapit kay mom

"She's ok.. Hintayin nalang saw natin sabi nh doctor na gumising siya.. Nawalan daw siya ng lakas kaya mukhang matatagalan pa siyang magising "- paliwanag niya. Tumango naman ako at hinawakan ang kamay ni mom.

"M-om.. Magpaggaling ka ha"- sabi ko sa kanya. Narinig ko naman na bumukas ang pinto

"Grandpa"- tawag ni dad sa matanda at nagyakapan sila.

"Kamusta ang apo ko.. Blue? "- tanong niya kay dad

"Ok na daw siya sabi ng doctor"- paliwanag naman ni dad sa kanya. Tinanguan niya Ito at tinignan si mom tapos napatingin siya sa akin.

"Kamukha mo siya blue"sabi niya

"Oo nga po.. Grandpa"- natatawang sabi ni dad. Linapitan ako ng tinawag ni dad na grandpa at hindi ko alam pero niyakap niya ako bigla

"Im glad to see you.. My great grandson "- sabi niya sa akin.

Ibig Sabihin lolo ko siya. Hindi ko alam pero nakita ko nalang na yakap ko na siya pabalik. Hindi nagtagal kumalas siya sa yakap.

"H-indi mo ba.. Bibisitahin ang kakambal mo.. Ashton apo"- tanong niya sa akin. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko pagkasabi niya ng katagang kakambal.

"S-an po siya? "- tanong ko bigla

"Nasa katabi siyang room nito.. Puntahan mo na siya "- pagkasabi ni lolo non nagpaalam na ako sa kanila na aalis na. Pumunta ako sa sinasabing kwarto ni lolo at unti unti kong hinawakan ang doorknob. Matinding sabik at kaba ang dumadaloy sa sestima ko.

Huminga ako ng malalim at napagpasiyahan na buksan ang pinto. Una kong tinignan ang taong nasa kama.

Pagpasok ko. Wala akong nakita miski isang Tao sa kwartong to maliban sa taong nakahiga sa kama.

Nilapitan ko ang taong yun. At ng makita ko siya sa malapitan kusa nalang tumulo ang luha ko.

"Allison"- tawag ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Hindi ako makapaniwala na matagal ko napalang nakilala ang kakambal ko. Hindi ko man lang nalaman na siya na pala. Kaya pala ganon nalang ang pagaalala ko sa kanya kapag napapahamak siya. Kaya pala nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan at nalulungkot.

"B-akit hindi ko kaagad nalaman?.. Maica... "- utal na sabi ko.

Hinawakan ko ang buhok niya at hinimas yun.

"Promise ko sayo.. Simula ngayon gagampanan ko na ang pagiging kuya ko sayo "- nakangiti kong bulong sa kanya.

-----------------------------------------------------------

Book 2: The Continuation Of The SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon