CHAPTER 94

3.2K 70 1
                                    


Ashton POV

Madaling magdaan ang mga araw at linggo at hindi ko ikakaila na nakikita ko na ang pagbabago sa lakas namin. Kaharap ko ngayon si dad at siya ang kalaban ko ngayon.

Pinipilit kong sabayan ang bilis niya. At hindi ko naman ikakaila na nasasabayan ko siya. Umikot ako at tinapon sa kanya ang isang palaso. Pana ang hawak kong sandata samantalang dagger ang hawak niya. Umiwas si dad at bigla siyang naglambitin sa isang sanga at lumapag siya sa likuran ko. Naramdaman kong umatake siya kaya mabilis akong tumagilid at hinawakan ang kamay niya at buong pwersa ko siyang binalibag sa lupa

Boogggshh

"Arrgggshh" dinig kong daing niya. Tinignan niya ako at nagsmirk tapos hinawakan ang paa ko at bigla nalang akong hinila kaya napahiga ako sa lupa. Shit! Ang sakit ng pagkakabagsak ko.

Nagulat nalang ako ng bigla niyang tinutok sa akin dagger niya kaya hinarang ko ang bow ko.

"Stop! "- napatigil kami dahil sa sinabi ni mom. Tinulungan akong tumayo ni dad at hinarap naming lahat si mom. Bakas sa kanya ang seryoso at nararamdaman kong galit siya.

"We need to go back to academy.. Hindi maganda ang lagay doon base na din sa balita sa akin ni Kris"- sabi ni mom. Nagkatinginan kaming lahat at nakaramdam kami ng kaba.

"Sinugod na ng black assassin ang academy"- biglang sabi ni mom. Nalanki bigla ang mata namin habang nakatingin sa kanya .

"Maghanda na kayo. Papunta na ang chopper dito "- sabi pa ni mom at iniwan na kami dito sa labas. Hindi parin kami makapaniwala. Papaanong hindi nila nalaman na susugod na sila kaagad. Nagsikilos na kami at nagsibalik sa kwarto namin. Nagayos na kami ng sarili at hinanda ang kakailanganin namin. Napatingin ako sa sandata ko. Ngayon ko nalang ito magagamit. Matagal tagal din kaming hindi napapasabak sa madugong labanan.

Pagkatapos naming magsiayos. Dumating naman ang chopper at pagkababa namin nakita namin sila mom na handang handa na. Balot na balot ang kapwa katawan namin at may mga nakakabit na mga ibat ibang sandata sa katawan namin. Nagsiakyat na kami sa chopper at wala ni isa sa amin ang gustong bumasag ng katahimikan. Hindi ko naman masisisi ang mga kasama ko dahil sa maaring mangyari. Hindi namin alam kong pagkatapos nito mabubuhay o makakaligtas kami.

Makalipas ang ilang oras Hindi ako makapaniwala na napatingin sa academy. May nakikita akong building na nasusunog at wasak na. May mga bangkay na din akong nakikita. Halos lahat mga estudyante. Lumapag ang chopper sa field. Pagkababa palang namin may humarang na sa amin na isang black assassin. Pero bubunot palang ako ng baril ng may narinig kaming alingawngaw nang isang putok ng baril at kusang bumagsak ang black assassin at sa likod non nakita namin si tita Kris na nakangiti sa amin. Nakahinga kami ng maluwag at tuluyan ng nagsibaba.

"Empress mabuti at nakarating na kayo.. Hindi maganda ang lagay nang mga kasapi natin.. Masyado silang marami na hindi narin inaakala"- alalang sabi ni tita kay mom. Kita kong naikuyom ni mom ang kamay niya.

"Let's go.. I can't wait to kill them"- nakaramdam ako ng takot sa sinabi ni mom. Nakikita ko naman ang demonyo sa loob niya. Maghiwa hiwalay kami nila mom. Kami nila zero ay napunta sa may unahan ng academy.

Booggggshhh

"Pakshit! '- mura ko ng tatamaan ako ng isang black assassin na pabagsak mula sa second floor ng sophomore building.

"Shit! Ang dami pala talaga nila"- sabi ni kit habang may kalaban na isa
Sinuntok ko naman ang isang kalabam na humarang sa dinaanan ko. At mabilis siyang binaril sa ulo.

"Guys asintahin niyo ang mga nasa itaas.. "- sigaw ko sa mga kasama ko habang nakaturo sa mga sniper sa kada building at nasa mga puno.

"Fck! "-dinig kong mura ni Carl at napasapo sa mukha niya.

"Gago ka! Masakit yung sapak mo!mukha ko yun gago!"- galit na sigaw niya sa kalaban niya at pinagsusuntok din ito. Nailing nalang ako sa kanya. Basta usapang mukha nagiiba na siya.

BANGGG

BOOGGGSHH

ARRGGGGSHH!!!

Yan lang ang naririnig kong ingay sa paligid. Sumandal ako sa isang puno at pinalit ang bala ko ng baril ko. Pinaputukan ko ang mga kalaban ko at minasan din nakikipag Laban ako ng mano mano.

Hinanap ng mata ko si Karen at nakita ko siya sa di kalayuan sa akin na may kalaban na tatlo. Nakita kong sinuntok siya sa tiyan ng isa at sunod ay sa likod niya kaya napahiga siya. Nakaramdam naman ako ng galit dahil sa nakita ko.

Fck! Mabilis akong tumakbo sa kinalalagyan niya at sinuntok ang pinakamalapit sa akin. Pagkalapag niya sa lupa binaril ko siya sa ulo at sunod ko namang binaril ay ang dalawng natira. Hingal ko namang tinignan si Karen na hirap na hirap tumayo. Alala ko namang siyang nilapitan

"Ash-ton? "-utal na tawag niya sa akin

"Shhhh.. Hali ka tulungan na kitang tumayo"- sabi ko at binuhat siya. Dinala ko siya sa may puno at sinandal ko siya doon. Tinignan ko ang kabuuan niya at may nakikita na akong sugat at pass sa katawan niya.
Kita kong hinang hina na siya.

"Karen dito ka lang.. Ligtas ka dito.. Tutulungan ko lang ang iba"- paalam ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin. Nginitian ko siya at hinalilan sa noo

"Take care.. Papakasalan pa kita"- sabi ko. Nakita ko naman na bahagya pa siyang natawa sa sinabi ko.

"S-egi na.. Tulungan mo na sila.. Dito lang ako"- sabi niya sa akin.

Tumango ako sa kanya at iniwan na siya doon. Hinanap ko naman ang mga kasama ko at nakita ko si kael na nakikipagLaban.

Tinulungan ko siya sa kalaban niya. Kita kong may sasaksak sana sa likod niya ng unahan ko yun at tinapunan ng kunai sa noo.

Gulat na napatingin sa akin si kael bago ngumiti

"Salamat "- usal niya.

"Tsk... Yung kalaban mo! "- sigaw ko sa kanya kaya naalerto naman siya.

Hindi ko pa nakikita sila mom? Nasan na sila?

-------------------------------------------------------------

Book 2: The Continuation Of The SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon