CHAPTER 93

3.2K 71 0
                                    


Zero POV

Naglalakad na naman kami pero this time pabalik na sa iniwanan naming bakas. At sa hindi kalayuan nakita na namin ang labasan.

"Wahhhhh ayun na!! "- sigaw ni trina at patakbong lumabas sa gubat at nagpaikot ikot sa buhangin. Ng makalabas na kaming lahat nilanghap ko ang amoy ng dagat.

"Sa wakas!!  Nakalabas din!! "- sigaw pa ni Carl habang nakaluhod pa sa buhangin at napatingin sa langit

Clap clap clap

Napatingin kami sa gilid namin dahil sa may pumalpak. At doon nakita namin si tita Jane at tito ethan

"I thought na tatagal pa kayo ng isang linggo sa loob pero.. Hmm.. Ang galing nakatagal lang naman kayo ng 4 na araw"- nakangiting sabi ni tita jane

"Gusto kong magpahinga!! "- sigaw naman ni Zen na nakahiga na sa buhangin. Ganon din ang iba. Ako nakaupo lang naman.

"Hahahaha... Mabuti pa nga.. Para kayong mga pinahirapan ah"- natatawang sabi ni tito.

"Hindi ba? Hirap  na hirap na kami dad! "- sigaw sa kanya ni trina.

"Hahaha.. Sumunod nalang kayo sa amin.. Baka maligaw na naman kayo"- pagkasabi ni tita non. Nagsitayo na kami at nagsimula na namang maglakad.

Sa wakas makakahiga na din sa malambot na kama.

Ashton POV

Pagkarating namin sa tinutuyang bahay namin. Nakita namin sila mom na may kausap na maraming lalaki na naka kulay pula. Nanlaki namin yung tinignan

"Wahhh kayo yung!! Magbabayad kayo ang sakit ng katawan ko sa inyo!! "- bulyaw ni kit sa kanila at pinagsusugod na sila ng mga girls kasama sila Carl at Zen. Naiwan naman kami nila kael dito na nailing na nakatingin sa kanila.
"Arrgggshh"

"Aray!! "

"Tama na po! "

"Hayop!  Kayo! "

"Nagkagasgas ako dahil sa inyo! "- dinig naming sigawan nila habang nagrarambol na sila.

"Hey!  Tama na yan "- awat sa kanila nila dad. Tumigil naman sila at parang matatawa ako sa sitwasyon ng mga binugbog nila.

"Prrrfftt.. Ang tindi ng galit niyo ah! "- natatawang sabi ni tita kate

"Kate dalhin mo na sila sa kwarto nila... Alam kong pagod na ang mga yan "- utos ni mom. Sumunod naman kami sa sinabi niya at sinundan si tita na ihatid kami sa nga kwarto namin.

"Kamusta ang baby boy ko?  Mahirap ba? "- natawa kami sa tinawag ni tita kay Hilton habang paakyat kami.

"Mom tigilan mo nga ako sa kakatawag na ganyan"- nakangusong suway ni Hilton kay tita.

"Ay hehehe.. Oo na po.. Big boy ka na pala"-hirit pa ni tita..

"Hahahahahaha"- tawanan namin. Ng makarating kami sa kwarto namin. Nagsipasok na kami at pabagsak na humiga sa kanya kanya naming kama. Parang ngayon ko lang naramdaman ang matinding pagod.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako

Rid POV

Nag daan ang ilang linggo may nahahalata naming nagiging mas malakas na si princess at mas lalo pa siyang naging cold as iba. Hindi namin alam kong bakit pero bigla bigla nalang siya naging cold kahit kay uncle na noon nginingitian niya pero ngayon parang wala na siyang emosyon na pinapakita.

Minsan din nakikita kong parang malungkot si master habang sinusubaybayan si princess na mag ensayo kasama ang ilang bosses. Kung dati din naasar pa siya kay David ngayon hindi niya na ito pinapansin. Hindi naman namin siya magawang lapitan dahil nakatuon lang ang atensyon niya sa pageensayo.

"Rid"- napabalik ako sa realidad ng marinig ko ang pangalan ko. Nakita ko naman si mac na hinihingal na papunta sa akin. Hinarap ko siya at tinignan ng nagtataka.

"Rid!  Pinapatawag lahat ng kasapi ng empire ni master.. May hindi magandang balita"- kabado niyang sabi. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Nakita ko naman na unti unti nang nagsisiaalisan ang mga kasama namin papunta sa harapan ng empire. Sumunod naman kami sa kanila. Pagkarating namin don makikita at mahahala mo na kaagad kong gaano ka dami ang kasapi ng empire. Nakikita ko na din ang ibang bosses kasama si David at princess. Nasa gitna naman si master na may hawak na mic. Kita ko ang pagkaseryoso sa ayos nilang lahat. Mukhang hindi nga maganda ang sasabihin nila.

"Bukas na bukas.. Magaganap ang araw na pinakahihintay natin..nalaman namin na Magaganap ang pagsugod ng mga black assassin bukas.. At kinakailangan nating tulungan ang iba nating kasapi sa labas "- sabi ni master.

I-big sabihin magpapakita na kami sa kanila...pero ang ikinabahala ko ay si princess paano kapag nakita niya ang sila ashton an-ong sasabihin niya?

"Kaya ngayon gusto kong maghanda na kayo sa mga gagamitin ninyo dahil segurado akong dadanak bukas ang dugo.. Hindi tayo basta basta susugod don kinakailangan nating hinatayin ang tamang oras"- paliwanag pa ni master. Nagsitango naman kami sa kanya.

Pagkatapos niyang sabihin sa amin lahat ng yun binabalik niya na kami sa kanya kanya naming kwarto. Pagkapasok ko palang sa kwarto ko tinignan ko ang mga sandata ko na nakalatag sa mini table ko. Nilapitan ko yun at hinawakan ang isang baril.

Hindi ko alam sa sarili ko kung handa na ba ako?  Matinding galit ang namumuno sa dibdib ko na gustong kumawala. Makikita ko na sila... ang mga taong kahit kailan hindi ko kinikilalang pamilya.

Jamaica POV

Pagkatapos kaming ipatawag lahat ni lolo at sabihin sa amin na bukas ay lalabas kami sa empire at bukas magaganap ang matagal na naming hinihintay. Nag desesyon akong pumunta sa training room. Binuksan ko ang pinto at pumasok ako sa punting kwarto na may ibat ibang sandata na gamit.

Pinosisyon ko ang kamao ko at lumapit sa punching bag. Pinagsusuntok ko yun at ang ingay lang ng suntok ko ang maririnig sa kwartong to.

Makakaya ko ba silang harapin bukas?  Paano ko ipapaliwag sa kanila ang lahat? Paano ako magpapakilala? Anong sasabihin ko? Tatanggapin ba nila ako? Marami... Maraming gumugulo sa isipan ko. At higit sa lahat makakaligtas kaya kami sa matinding labanan bukas?

Hindi ko alam? Madaming posibilidad na mangyari bukas. At makikilala ko na din kung sino ang punot dulo ng kagulahan na to.

Booggggshh

Boogggshhh

"Huh! "

Boogggshhh

Boogggshhh

Sunod sunod na suntok ko.

Book 2: The Continuation Of The SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon