CHAPTER 72

3.3K 77 1
                                    


Jamaica POV

Napabangon ako ng higa ng makita ko si rid sa pinto at nakacross ang braso.

"Oh? '- taas na kilay na singhal ko sa kanya.

"Tsk.. Bumaba kana diyan at makakain kana.. Wala ka na namang lagnat"- medyo inis na utos niya sa akin. Napakunot naman ang noo ko.

Oh! Anyare na naman sa isang to?

Nakita ko tumalikod na siya at papaalis na ng bumaling pa siya ulit
"Btw.. Bilisan mo nasa baba sila zero'- pahabol pa niya.

Napailing nalang ako. Naramdaman kong medyo gumaan na ang pakiramdam ko. At hindi ko na din nararamdaman ang paglahilo. Tumayo na ako at nagpalit na muna ng damit bago bumaba.

Ng nasa hagdan palang ako nakita ko na si Karen at Ashton na ang sweet at nagtatawanan.

Ngayon alam ko na kinasama ng mood ng kasama ko dito sa bahay.. Hanggang ngayon ba naman bitter pa rin siya sa dalawang yan.. Hindi nalang kasi maghanap ng iba.

Naiiling akong bumaba at sinalubong naman ako ni zero

"Kamusta? ...ok ka na ba? "- tanong niya at bakas parin ang pagaalala

"Hmm'- sagot ko at tinanguan siya. Napatingin ako sa boxes mg pizza na nasa mini table

"Ang dami naman ng dala niyo? "-takang tanong ko

"Prrfftt... Hahahaha wag mo kaming tanongin... Yang katabi mo ang tanongin mo hahaha"- sabi ni hannah

Napatingin naman ako kay zero at nginitian niya nalang ako

"Tsk"- umupo ako at kumuha ng isa. Sinubo ko naman ito

"Gutom ah"- tinignan ko naman ng matalim si trina

"He-hehe. M-agaling na nga"- sabi niya at binaling Kay kael ang tingin

"Wala pa ba si uncle? "- baling ko Kay rid. Umiling naman siya.

"Papasok ka na ba bukas? "- tanong sa akin ni zero

"Hmmm.. Oo"- sagot ko

"Hahahaha.. Ayus yun hahaha.. May pasabog si Ashton at zen bukas"- malakas na tawa ni Trina sabay sabi non

Taka ko naman na tinignan sila Ashton

"Ano yun ?"

"A-- hehehehe... Nag-bibiro lang si Trina.. Wala yun! "- sabi niya at parang hindi magkandaugaga sa pagiwas sa tingin ko. Nilingon ko naman sila hilton at parang mga hindi magkamayaw sa pagngisi.

Nailing naman akong kumain nalang. Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si uncle.

"Nandito papa kayo ...hahaha mukhang napapadalas na kayo dito ah"- natatawang sabi ni uncle sa kanila.

"Hahahaha... Hindi naman po kami magtatagal.. May kailangan pa kasi kaming gagawin"- nahihiyang sabi ni ashton. Nginitian naman sila ni uncle at nagpaalam na aakyat na. Nagkwentuhan lang kami at hindi naman napagpasyahan na nilang umuwi.

Pagkapasok ko sa kwarto ko pagbagsak akong humiga sa kama. Hindi ko naman na malayan nakatulog na ako.

Knock knock knock

Kusot mata akong bumangon at pinabuksan ang hayop na kanina pa katok ng katok.

"Oh? "- bungad ko kay rid

"Hindi kapa nakaayos.. Akala ko ba papasok ka? Tsk... Bilisan mo na.. And plus magmumog ka nga ang baho ng hininga mo"pagkatapos niya akong inisin ng maaga nilayasan niya na ako. Tsk. Inis kong sinara ang pinto at pumasok sa banyo at naligo. Pagkatapos ko naman maligo nagayos na ako at bumaba na .

Book 2: The Continuation Of The SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon