Ashton POVMatagal tagal din ang byahe namin para makarating sa isla. Kailangan pa naming sumakay sa helicopter para makarating don. Masaya naman kaming sinalubong nila tita jane
At natatawa kami dahil nakabusangot na naman ang mukha ni trina pagkakita sa mama niya. Hindi talaga sila magkasundo.
"Buti naman maayos kayong nakarating ?"- sabi ni Tito neon
"Medyo natagalan nga lang"- sabi naman ni tita zenia
Palihim naman kaming napatingin lahat kay zero na tahimik lang sa isang tabi at napatingin sa dagat.
"Hmm.. I think magpahinga na muna kayo.. Pagdating ng tita Julie niyo sasabihin niya kung kailan kayo magsisimula"- pagaagaw ni titi Noah ng atensyon namin. Ngumiti naman kami sa kanya ng mapakla.
"Tara na sa loob.. "- aya pa niya. Sumunod naman kami sa kanya. May pinasukan kaming malaking pinto at mukhang fully secured Ito dahil kailangan pa ng fingerprint oara buksan ang pinto. Pumasok kami sa loob at bumungad sa amin ang mga nagtataasang puno. Sa gitna ng gubat may natatanaw akong malaking bahay.
Tahimik lang kaming nakasunod kila Tito hanggang sa makarating kami sa bahay na tinutukoy ko. Pumasok kami sa loob at hindi ko maipagkakaila na maganda ang loob ng bahay. Wooden type siya dahil ang bahay ay gawa sa kahoy. Pati ang mga gamit. Mula sa upuan ,lamesa, mga cabinet. Lahat gawa sa kahoy.
"Ang aliwalas "- sabi ni daine habang nakadungaw sa bintana na tanaw na tanaw ang dagat
"Wahhhh ang ganda ng tanawin"
"But walang signal? "-taka kaming napatingin kay trina dahil sa sinabi niya. Hawak hawak niya ang phone niya at tinataas baba niya pa ito.
"Wala talagang signal dito.. Malayo ang isla nato.. At isa pa.. Sa training niyo hindi kayo maaring gumamit ng kahit na anong gadgets kaya ngayon... "- bigla nalang nanlaki ang mata namin ng isa isang kinapkapan nila tito at tita ang mga sarili namin at kunin ang phone at ibang gadgets namin.
"Kukunin namin to"- nakangiting patuloy sa sinabi ni Tita Jane kanina.
Tinataas pa niya ang mga phone na nakuha niya. At kita naming nilagay niya Ito sa kahon na hawak ni tito ethan"Segi na magpahinga na kayo.. May mga kwarto na sa itaas. Dalawang kwarto lang ang gagamitin niyo isa para sa boys at isa para sa girls.. Bahala na kayo kung anong gagawin niyo.. "- seryosong sabi ni tita kate
"Tatawagin nalang namin kayo pagkakain na"- pagkasabi ni tita Bianca non. Tumango nalang kami at nagsiakyat na. Pumunta kami sa magiging kwarto namin.
Pagkabukas ko ng pinto bumungad sa akin ang maaliwalas na kwarto.
"Wahhhh... Nakakapagod"- sigaw ni carl at naunang pumasok. Pabagsak siyang humiga sa isang kama na malapit sa pinto. Tinignan ko si zero na duneretso siya sa isang kama na malapit sa bintana. Nilapag niya ang mga gamit niya sa gilid at umupo sa kama habang napatingin sa dagat.
Naiiling nalang akong dumeretso sa katabing kama niya. Malaki ang kwarto kaya hindi naman kami nakakarandam ng paninikip.
Inayos ko ang gamit ko sa cabinet na nakalaan sa akin. Nakita ko naman na ganon din ang ginagawa ng iba.
"Naeexcite na ako sa training natin "- sabi ni Zen habang naglalagay ng hanger sa damit niya"Hahaha... Bro naeexcite ka! Ako natatakot ako! Hahaha.. Shit lang iniisip ko palang na si tita Julie mag tatrainig sa atin parang gusto ko nang umatras... Si ashton lang naman yata ang hindi takot sa training"- natatawang sabi ni Carl. Napatingin naman sila sa akin. Nagkibit balikat nalang ako sa kanila at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
Daine POV
Pagkapasok namin napamangha na kami sa magiging kwarto namin.
"Wahhhh ang ganda ng view.. Sayang bakit kasi hindi pwede ang phone dito"- napapadyak na sabi ni Hannah habang nakanguso pa.
"Eh! Kasi bawal nga! "- sigaw naman sa kanya ni trina
"Yeah yeah yeah.. Whatever"- sabi ni hannah at humiga nalang sa kama niya.
"Kamusta na kaya si maica. Nami-miss ko na siya"- nakangusong sabi ni kit habang parang batang pinaglalaruan ang paa niya at nakaupo sa kama nito
"Hindi lang naman ikaw ang nakakamiss sa kanya pati din kami"- nakangiti kong sabi at inayos na ang mga gamit ko
"Bakit ba kasi siya umalis.. Tignan niyo si zero parang bangkay na walang lakas"- inis na sabi ni hannah
"Walang may alam"- sagot ni Karen sa kanya.
"Iniisip ko lang natatandaan niyo ang sinabi ni maica sa atin sa parking lot? "- tanong ko sa kanila. Kagabi ko pa to iniisip.
Bahagya naman silang napatigil na parang may inaalala
"Yeah I remember it.. Wag mong sabihin ito ang pinipinpoint niya? "- tanong pa ni kit. Tumango naman ako sa kanila
"Ibig sabihin nagpaparamdam na siya sa atin nong una. Kung anong gagawin niya. Pero sadyang hindi lang natin nakita"- sabi ko pa at naupo sa kama ko pagkatapos kong maiayos ang damit ko
"Naaawa ako kay kuya"- malungkot na sabi ni karen
"Kahit naman sinog tao pagnakita si zero maaawa ka talaga"- patango tango pang sabi ni trina.
"Hintayin nalang natin si maica sa pagbalik niya.. At don itanong niyo lahat ng tanong nyo"- sabi ko sa kanila at nahiga sa kama ko.
"Inaantok na ako"- sabi ko pa. At hindi ko na natalaga napigilan pa at nakatulog na ako
Hilton POV
Napagisipan naming pumunta sa kwarto ng mga girls hindi na sumama si zero gusto daw mapagisa. Naiintindihan naman namin siya.
Kumatok si Zen sa pinto at bunungad naman samin si trina na may papak na checherya. Ehhhh san niya kinuha yan
"Oh! Chandai.. Chasok chasok! "- sabi niya sa amin at pinapaypay pa ang kamay niya na pinapasok kami. Kahit hindi namin naintindihan ang sinasabi niya. Pagkapasok namin. Nakita namin na may kanya kanya silang ginagawa. Si hannah na nakasalampak sa kama niya na may binabasang libro. Si Karen naman na nakatingin sa kesame habang papikit pikit pa. Si kit naman na nagjajackinpoy sa sarili niya. Hahaha.. Nakaya niya. At ang mahal ko na... Ehhhhhh TULOG?
"Hahaha.. Inaantok daw siya kuya Hilton"- sabi ni trina sa akin. Napangiti nalang ako at nilapitan siya. Pinagmasdan ko siyang natutulog. Ang ganda talaga niya
"Wag masyadong titigan bro matunaw yan"- sigaw ni carl sa akin na siya nang kalaro ni kit ngayon.
Hindi ko nalang siya pinansin pa at tinitigan pa lalo ang mahal ko.
-------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Book 2: The Continuation Of The Secret
ActionShe's beautiful; she looks like an angel, but she's brave, merciless, heartless, and a total demon. She wants to see blood, and she has crimson eyes. Everyone is scared of her. what she will do if she meet the people that she want to see? And what w...