CHAPTER 17

4.7K 100 14
                                    


Ashton POV

Ng makita kong nakapasok na sa pinto si jamaica napagpasyahan ko nang umalis.

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ko siya hinatid. Bigla nalang pumasok sa isip ko na ihatid siya.

Kanina na nakikipaglaban siya nakaramdam na din ako ng kaba at pagaalala para sa kanya. Parang oras oras gusto ko siyang masilayan at parang gusto ko siyang protektahan.

Nalilito na talaga ako sa nangyayari sa akin. This past dew days naiisip ko na din siya kapag tumitingin ako Kay mom pumapasok na din siya sa isip ko. Sabihin niyo na akong baliw pero yun ang totoong nangyayari sa akin.

Bumalik na ako sa hospital at hindi naman nagtagal nakarating na din ako. Pumunta na ako sa kwarto ni zero at nakita ko naman silang lahat na nandon.  Hindi ko naman nakita sila tito at tita seguro umuwi na muna.

-------------------------------------------------------------

Karen POV

"Hatid na kita"- nagtaka kami sa sinabi ni ashton. At nauna nang lumabas sa pinto. Nagpaalam naman sa amin na aalis na si ate maica.

Napatingin ako sa pinto na nilabasan nilang dalawa.

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Sa akin hindi magawang ihatid ako ni Ashton pero si ate maica kakakilala niya palang inihatid na niya. Naparang naninigurado na makakauwi ito ng ligtas.

Naramdaman ko naman na may humawak sa kamay ko.

Tinignan ko si Hannah at si Zen na nakatingin din sa akin.

"You ok? "- tanong sa akin ni hannah

Nag nod naman ako sa kanya.

"Oo naman.. Bakit naman ako hindi magiging ok"- sabi ko sa kanila at. Nginitian sila

"Karen kahit itago mo sa amin. Alam namin ang nararamdaman mo ngayon"- sabi sa akin ni trina sa akin na may halong pagaalala

"Kita namin na nasasaktan ka sa sinabi ni ash"- sabi sa akin ni zen

Napayuko naman ako.

"B-akit ganon siya sa akin?.. H-indi niya ba- talaga ako m-akayang ma-halin? "- tanong ko sa kanila.

"Karen... It's not what you think... "- sabi sa akin ni daine.

Tinignan ko naman sila.

"Minsan naiisip ko na din.. Nakakapagod din pala ang maghabol sa taong hindi kanaman kayang mahalin"- malungkot na sabi ko sa kanila.

"Alam ko naman na ramdam niya at alam na niya na may pagtingin ako sa kanya pero parang binabaliwala niya lang to"- sabi ko pa.

"Karen.. Wag kang sumuko sa nararamdaman mo. Hintayin mo lang baka mapansin kadin ng pinsan kong bato"- sabi sa akin ni hilton.

Nginitian ko nalang sila.

"Maxine... "- napatingin ako kila mom ng tawagin nila ako.

"Bantayan mo muna ang kuya mo. May aasikasuhin lang kami ng dad mo"- paalam sa amin nila mom.

Nag nod nalang ako sa kanila at umalis na sila. Lumapit naman ako Kay kuya at umupo sa tabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Kailan ka ba magigising kuya? '- malungkot kong tanong sa kanya. Ang Tanga mo karen. Hindi kanaman sasagutin ng kuya mo. Tulog kaya yan..

Book 2: The Continuation Of The SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon