Mac POVNandito ako sa taas ng puno malapit sa bintana ng classroom nila princess. Sinundan ko sila kanina ni zero simula pagkaalis nila sa bahay. Hindi ako mapapanatag hanggang walang bantay na kasama si princess. Mahirap na baka mapahamak siya. Habang nakatingin sa kanila kinain ko naman ang binili kong cap noodles. Kasalanan ko bang hindi pa ako nag bebreakfast. Inutusan na ako ni boss na sundan sila.
Nahagip naman ng mata ko rid na nakapamulsa habang papalapit sa puno na kinalalagyan ko.
"Wala ba tong pasok? "- bulong na tanong ko.
Sinilip ko siya ng himinto siya sa ilalim ng puno na kinalalagyan ko pero
"Fck! Kyaaahhhh! "
Boggggssshhhh
"Aww... "- daing ko ng malaglag ako sa puno. Shit lang tapunan ba naman ako bigla ng dagger. King'ina"Ano bang problema mo?.. Nanghahagis ka nalang bigla ng dagger diyan! "- sigaw ko sa kanya habang pinipilit ko pa din na makatayo nang maayos.
"Tsk...ano ba kasing ginagawa mo sa taas? "- walang buhay na tanong niya sa akin. Hindi ko naman siya makapaniwalang tinignan.
"Shunga ka ba? Malamang binabantayan si princess"- inis na sabi ko sa kanya. Tinaasan niya naman ako ng kilay. Bakla pa yata to e
"Binabantayan? "- tanong pa niya
"Oo bakit? "- tanong ko pa
"Ah.. Kaya pala hindi mo nakita ang mga yun! "- sabi niya sa akin at tinuro ang isang building na may mga Tao sa rooftop non.
Tinignan ko ng maayon yun at nanlakk bigla ang mata ko
"Bakit di mo sinabi kaagad sa akin"- inis na tanong ko sa kanya. Kinuha ko ang baril ko at kinasa Ito. May tatlong black assassin sa taas ng rooftop at ang isa may dalang sniper at nakatutok ito kay uncle na nagsasalita sa gitna ng classroom nila princess. Hindi mo naman mahahalata ang laser non
Inayos ko ang baril ko at walang kahirap hirap na inasinta ang ang sniper
Naalerto naman sila at napatingin sa gawi namin
"Shit rid! "- sigaw ko at hinila siya sa damit papunta sa puno ng bigla nalang kaming pagbabarilin ng mga black assassin.
"Malalagot ka talaga sa akin mac kapag may nakakita sa atin dito"- seryosong sabi banta ni rid sa akin. Asar ko naman siyang nginitian
"Welcome"- sabi ko at mabilis na tumakbo papunta sa isang puno at inakyat yun habang iniilagan ang tama ng mga baril. Tumalon ako ng tumalon sa mga puno. Ramdam ko naman na nakasunod sa akin si rid. At mataas na tinalon ang rooftop. Doon mabilis akong binungad ng sipa ng isang BA.
Hinawakan ko naman ang paa niya at binalibag siya. Sinangga ko naman ang suntok ng isa sabay Bali ng isang kamay niya na may hawak ng dagger. Kinuha ko ito at sinaksak sa tagiliran niya
"Oooo sorry"- asar na sabi ko sa kanya.
Tatalikod na sana ako ng
"Tsk... Magingat ka nga"- nainis ako sa sinabi sa akin ni rid ng iharang niya ang kamay niya sa suntok na nakaamba sa akin.
Ma disgrasya ka sana..
"Arrggggshhhh"
"O my ghod ang bilis ng karma "- napatakip ako sa bunganga ko ng napatingin sa akin si rid habang hawak ang balikat niya na natamaan ng dagger.
Sinugod ko ang kalaban niya at sinipa ito. Hinawakan niya ang paa ko at ibanalibag na sana niya ako ng sabay ng pagikot ko ang pagsiba ko sa mukha niya ng isa ko pang paa.
Blagggggg
Ayun tulog .binaling ko ang tingin kay rid at hala ang daming dugo
"Shit! Rid!! "- sigaw ko at nilapitan siya. Tinignan ko balikat niya at medyo malalim ang pagkakasaksak sa kanya.
"Hey! Wag kang pipikit! Malayo sa bituka yan maniwala ka kaya nga balikat mo lang e"- letche nagawa ko pangagbiro.
"Arrggggshh"- daing niya. Naalarma naman ako at hinawakan ang nakatarak na dagger sa balikat niya.
"Ok.. Rid kukinin ko to ah.. 1...2
.---""S-and-ali"- hirap na pigil niya sa akin at hinawakan pa ang kamay ko na nakahawak sa dagger.
"Se-gura-duhin m-o lang n-a h-indi ako ma-ma-matay.. Kap-ag na-ma-tay ako i-kaw u-na ko-ng m-um-ultu-hin"- utal na sabi niya. Tsk
.bilib din ako sa kanya nagawa pa niya akong pagbantaan sa kalagayan niya ah."OO NA! tang'ina nagbabanta ka pa e! "- singhal ko sa kanya
"Arrggggsh"- daing niya nang walang kagatol gatol kong binunot ang dagger.
"O! Buhay ka pa"-pangaasar ko sa kanya
"Shit! Ka mac malilintikan ka talaga sa akin.. Arrggggshhh"- sabi niya habang napapapikit pa
"Tsk.. Tumahimik ka na nga"- sabi ko at pinunit ko ang pangibabang tela ng damit ko at tinali yun sa sugat niya para hindi siya maubusan ng dugo.. Mahirap makahanap ng dugo na katulad niya.. Baka iba ang lahi na hayop ang kailangan nito baka indangers species na.
Hahahaha
"Oh! Ayan tapos na"- sabi ko at napasandal sa tabi niya.
Ramdam ko ang malalim niyang paghinga.
"Lintel din ang mga black assassin na to ayaw talaga nila tayong tigilan"- sabi ko habang tinitignan ang tatlong bangkay na nasa harapan namin.
Nakita kong tumayo siya habang nakahawak sa railing bilang pangsuporta.
"Tara na bago pa tayo maabutan ng security ng academy at tayo pa ang mapagbigtangan diyan"
"Hahaha.. Bakit tayo naman talaga ang may kasalanan diyan kaya pagbibintangan talaga tayo hahahaha"natatawang sabi ko sa kanya. Napatahimik naman ako ng titigan niy ako ng masama
"Tsk"-sabi niya at mabilis na tumalon sa gilid. Tsk kitang may sugat siya nagawa pang tumalon.
Rooftop to bro.. Rooftop!!!
Naiiling nalang akong sumunod sa kanya.king'ina ramdam na ramdam ko ang pagod ah
-----------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Book 2: The Continuation Of The Secret
ActionShe's beautiful; she looks like an angel, but she's brave, merciless, heartless, and a total demon. She wants to see blood, and she has crimson eyes. Everyone is scared of her. what she will do if she meet the people that she want to see? And what w...