Jamaica POVTahimik lang ako ng makauwi kami sa bahay. Nakalabas na si uncle at ngayon nandito ako sa kusina at tahimik na kumakain. Iniisip ko pa din ang sinabi sa akin nila uncle kanina.
Ano bang dapat kung gawin? Natatakot ako sa maaring mangyari.
Ding dong ding dong
Napatingin ako sa pinto ng may nag doorbell. Tumayo nalang ako at ako na ang kusang nagbukas. Bumungad naman sa akin si zero na nakangiti at may dalang bulaklak.
"Oh! "- bungad ko sa kanya
"Hi "
"Pasok ka"- aya ko sa kanya. Ginala niya ang paningin niya sa loob at napatingin naman ako sa hawak niya.
"Hmmm.. Si uncle nasa kwarto niya nagpapahinga.. Dinadalaw mo ba siya? "- tanong ko sa kanya habang sininyasan ko siyang maupo.
"Actually ikaw ang pinunta ko dito.. Here this is for you"- ngiti niyang sabi habang inaabot sa akin ang bulaklak.
"Hindi naman ako ang nadesgrasya Pero ako pa ang dinalhan mo ng bulaklak hahaha"- natatawa ko sabi"thanks "- sabi ko pa at kinuha sa kanya ang bulaklak. Sinilip ko ito at tulip siya. Nilapag ko naman sa center table yun
"So bakit ka nga pala napadalaw.. Akala ko Mamaya ka pa dadating? "- tanong ko at umupo sa harapang upuan niya.
"Hmm.. Wala naman na miss lang kita"- hindi ko naman maiwasan na mahiya sa sinabi niya.
"Ahhhaha.. Namumula ka"natatawang sabi niya
"H-uh hindi ah"- tanggi ko. "Ahmm.. Manang"- tawag ko kay manang na lumabas naman kaagad sa kusina.
"Pwede po bang pakihanda naman ng meryenda para kay zero"- pakiusap ko. Tumango naman siya sa akin.
"Oh! Mukhang nandito kapala zero.. Hahahaha si uncle ba ang dinalaw mo o si maica? "- natatawang tanong ni mac habang pababa sa hagdan
"Hahahaha... Actually siya talaga ang pinunta ko dito"- natatawang sabi ni zero habang nakaturo pa sa akin
"Naks hahahaha...gwapo din ng manliligaw natin maica ah hahaha.. Geh sa kusina muna ako"- paalam ni mac. Tinanguan nalang namin siya.
Napabaling naman ako kay zero na napatingin sa akin. Napatingin ako sa mata niya. Bakit ganito.. Bakit iba ang nakikita ko sa mga mata niya. Kahit nakangiti siya nakikita kong malungkot siya.
"May problema ka ba? "- tanong ko sa kanya bigla
"Bakit mo naman natanong? "
"Dahil nakikita ko"- seryoso kong sagot sa kanya. Hindi naman siya makapagsalita sa sinabi ko
"An--"
"Sinasabi ng mga mata mo.. Malungkot ka"- putol ko sa sasabihin niya
"Zero tell me may nangyari ba? "- tanong ko pa
Natahimik naman siya at iniwas sa akin ang tingin niya.
"Hmmm.. Pwede mo ba akong samahan? '- nabigla naman ako sa tanong niya.
"Saan? "
"Somewhere? "-sabi niya.
"Ok"- sagot ko sa kanya at Tumayo na.
"Wait magpapa--"
"Wag na.. Ok na yan "- putol niya sa sasabihin ko. Napatango nalang ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Book 2: The Continuation Of The Secret
ActionShe's beautiful; she looks like an angel, but she's brave, merciless, heartless, and a total demon. She wants to see blood, and she has crimson eyes. Everyone is scared of her. what she will do if she meet the people that she want to see? And what w...