Rid POVPagkatapos kumain ni karen hinatid ko na siya sa bahay nila kaso nagpumilit siya na wag ko siyang ihatid doon kundi ihatid ko siya sa bahay ng kaibigan niya. Una ayaw ko pa sanang pumayag kaso nagpumilit talaga siya.
Ngayon nandito kami sa tapat ng bahay ng kaibigan niyang si trina. Yun ang sinabi niya sa aking pangalan ng kaibigan niya.
Nag door bell siya at hindi naman nagtagal lumabas ang isang babae na kasing edad lang namin. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat ng makita niya si karen.
"K-aren"- utal na tawag niya Kay karen at bigla niya nalang itong sinunggaban ng yakap.
"San ka ba nanggaling. Hindi mo ba alam na alalang alala kami sayo. Hindi namin alam kung saan ka hahanapin. Kung may masama bang nangyayari sayo.. Hindi na nga magkandaugaga si Ashton at zero sa kakahanap sayo"- sabi ng kaibigan niya sa kanya.
"Sorry"- naluluhang sabi ni karen sa kanya.
"Ahmm.. I think I need to go.. Karen"- pagaagaw ko sa atensyon nilang dalawa. Nagulat pa ang kaibigan niya ng makita ako. Seguro ngayon niya lang ako napansin.
"S-ino siya? "- tanong niya Kay karen
"Ahmm... Trina he's rid. Rid si trina kaibigan ko. "- pagpapakilala sa akin ni karen. Nginitian ko lang si trina.ganon din siya sa akin.
"Ikaw ba ang nagligtas Kay karen? "- tanong niya sa akin
"No.. Ang kababata ko ang nagligtas sa kanya.. "- pagpapaliwanag ko sa kanya.
Napatango naman siya
"So nasan siya? "- tanong pa niya. Napangiti naman ako. Pareha sila ni karen matanong na Tao.
"Ahmm... Trina gusto ko nang magpahinga"- sabi ni karen.
"Tara sa loob sasabihan ko na din sila zero na nandito kana"- sabi ni trina.
Tinignan naman ako ni karen. At suminyas ako sa kanya na aalis na ako. Tinanguan niya nalang ako.
Bumalik na ako sa kotse ko at nagsimula nang mag drive papauwi.
Pagkadating ko sa unit ko.
"Nakauwi na ba siya? "
"AY DIYOS KO PO! PATONG TINULI SA KUTSILYO!! "
"Prrfftt.... "
Nakasinamangot kong tinignan si princess na hindi na magkandaugaga sa kakatawa. Gulatin ba naman ako. Hindi pa nga ako nakakapasok ng tuluyan sa pinto e.
"Hahas..... Yung hahaa pato hahaha t-inuli sa hahaha kutsilyo hahaha... Grabe hahaha ang lakas hahaha ng tama mo! "- natatawang sabi sa akin ni princess.
-_-
"Tsk.. Ewan ko sayo"- sabi ko sa kanya at pabagsak na umupo sa sofa.
Tinignan ko naman si princess na nakatayo sa harap ko. Napatingin ako sa suot niya.
O.O wait!
"Polo ko ba yan? "-tanong ko sa kanya. Napatingin siya sa suot niya tapos tinaasan ako ng kilay
"Ano naman sayo? "- balik ba tanong niya sa akin at umupo sa harapan na sofa kung saan ako nakaupo ngayon
"Hindi kaman lang nahiya sa may Ari no? "- tanong ko pa sa kanya.
"Tsk..bakit naman ako mahihiya. Kahiyahiya ba siya? "Tanong niya pa.
Napangiwi naman ako sa tinanong niya. Ibang klase
Hindi niya ba alam na kapag may nakakita sa kanya na suot ang polo ng lalaki ay iba ang iisipin ng mga Ito at noted wala siyang suot na pambaba. Kung meron man hindi kita yun kasi mahaba sa kanya ang polo ko.
Napailing nalang ako.
Hindi ko na siya pinansin pa at pumunta nalang sa kwarto ko.
-----------------------------------------------------------
Ashton POV
Nandito kami ngayon sa bahay nila trina. At pinuno ng nga girls ng tanon si karen. Kesyo San daw siya nagpunta? Sino ang kumidnaped sa kanya? OK lang ba siya? At marami pang iba.
Pati ng sila tita Jane nabulabog dahil sa amin. Nagulat pa sila ng malaman nilang nakidnapped pala si karen at nasermonan pa kaming lahat dahil hindi namin sa kanila pinaalam. Paano nalang saw kung napahamak si karen.
"Kayo talagang mga bata kayo! Papunta na dito ang mommy at daddy niyo may explaine kayo sa amin mamaya"- galit na sabi ni tita Jane
Si Tito Ethan naman kanina pa inaawat si tita.
Napatingin ako kay zero na tahimik sa tabi ko at nakatingin sa kapatid niya. Parang nabunutan siya ng tinik kanina ng malaman naming nakita na si karen at walang nangyaring masama sa kanya.
Pero ang pinagtataka ko paano siya nakatakas sa mga kumidnapped sa kanya.
"BTW pano ka natakas sa kanila? "- tanong ko Kay karen
Nakita kong kinakabahan siya sa sasabihin niya.
"Ang totoo niyan si f-erox ang nagligtas sa akin. At tinulungan din ako ng kababata niya. Na siyang naghatid sa akin dito"- paliwanag sa amin ni karen
Napakunot naman ang noo ko. Si ferox ang nagligtas sa kanya.
Bakit niya niligtas si karen?
Magsasalita pa sana ako ng marinig kong may sumigaw sa pinto
"Anong nangyayari dito? "- dinig kong tanong na pasigaw ni tita Kate
Napatakip pa ako sa tenga ko
"Mom"- tawag sa kanya ni hilton
Nakita ko naman na nakasunod Kay tita Kate sila Mom at dad kasabay sila Tito blake
Lumapit sa akin si mom at kita ko sa mukha nila ang pagkaseryoso
Napayuko nalang ako. I know na masama ang loob nila sa akin dahil sa nangyari
"Bakit hindi niyo sinabi sa amin ang nangyari? "- may diin na tanong niya sa akin
"Mom ayaw lang namin kayong madamay"- sabi ko sa kanya.
"Ayaw ko na tong maulit pa Ashton.. Can you understand me? "- tanong sa akin ni mom. Napatango nalang ako sa kanya. Kapag si mom nagalit wala na akong magagawa pa.
Napatingin kami kay tita Kim ng bigla niya nalang niyakap si karen. Nagtaka naman ako. Siya lang? Nasan si tito zaine?
"Maxine I'm glad that you're OK"-may pagaalalang sabi ni tita Kim Kay karen. Kita ko kung paano tinignan ni karen si tita ng seryoso Napakunot naman ang noo ko.. Bakit?
"I-m OK m-om don't worry about me"- pagaasure ni karen Kay tita.
"Thank God"- sabi ni tita at niyakap na naman siya.
"Where's dad? "- tanong ni zero Kay tita Kim. Seguro nahalata niya din na wala si tito zaine dito.
"May inaasikaso lang siyang importante sa office"- sabi ni tita.
Nakita ko ang pagiwas ni karen ng tingin Kay tita. May hindi ba kami alam na hindi niya sinasabi sa amin? --------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Book 2: The Continuation Of The Secret
AzioneShe's beautiful; she looks like an angel, but she's brave, merciless, heartless, and a total demon. She wants to see blood, and she has crimson eyes. Everyone is scared of her. what she will do if she meet the people that she want to see? And what w...