CHAPTER 71

3.9K 96 10
                                    

Ashton POV*


Kanina pa nag didiscuss si sir creg sa gitna at kanina ko pa napapansin na panay ang sulyap sa akin ni zero.

Anong problema nito? Nababakla na ba to? Grabe kong makasulyap e. Nakaw tingin lang ganon?

Tinignan ko siya at nahuli ko naman na umiwas siya.

"May problema ba? "- napatingin ako kay Karen sa tabi ko ng marinig ko siyang nagsalita.tinignan ko pa nang isang beses si zero at kita kong hindi na siya nakatingin sa akin.

"Si kuya?  Bakit mo siya tinitignan? '- tanong pa niya.

'W-ala"

"Ahmmp.. Wag mong sabihin na nababakla kana huh? "-tanong pa niya. Parang gusto Kong matawa pero napigilan ko. Nginitian ko naman siya.

"Of course not.. Bakit naman?.. Mahal kita e"- kita kong namula siya sa sinabi ko.

"Bolero ka"-sabi niya.

Baka ang kuya mo ang nababakla hindi ako. Hahahahaha....

Natapos ang klase namin na panay pa din ang tingin sa akin ni zero.  Ano bang problema ng isang to?

"Oh diyan nalang kayo?.. Tara na nagugutom na ako"- inis na sabi ni Carl sa amin

"Patay gutom ka talaga! "- sigaw ni kit sa kanya

"Hahaha... Oo patay na patay sayo"- banat ni carl na ikinapula ni kit.

"Hahahaha... Tara na.."- pagputol ni Trina at tumayo naman kami at akmang aalis na ng mapatingin kami kay zero na nakaupo pa din sa upuan niya at parang wala sa sarili

"HOY! ZERO TATANGA KA NALANG BA DIYAN.. JUSKO! Kung di ka pa gutom sabihan mo kami.. Gutom na ako"- sigaw sa kanya ni trina

"H-uh? "Gulat na sabi niya.

Eh?  Anyare ba sa kanya? Parang wala talaga siya sa sarili niya ngayon may nangyari ba?

"ano!  Huh!  Ka nalang ng huh!  Sabi ko baba na tayo.. Ayaw mong mag meryenda?... Tsk bahala ka nga sa buhay mo"- inis na sabi ni Trina sa kanya at tinalikuran na Ito. Napatingin naman sa amin si zero ganon din kami sa kanya. Napabuntong hininga siya at tumayo na

"Sorry.. Tara na"- sabi niya at nauna na sa amin. Napatingin ako sa mga kasama ko at nagkibit balikat lang sila sa akin

"May problema ba ang kuya mo? "- tanong ko kay karen habang naglalakad kami papunta sa cafeteria.

"Hmm.. Sabi ko sa inyo ang weird niya ngayon e"inis na sabi niya sa akin

"Parang wala siya sa sarili niya"

"Ewan ko ba diyan.. Kahapon ok pa naman yan "- sabi niya at tinignan si zero na parang wala sa sarili na naglalakad sa unahan. Nahalata ko din na minamatyagan din ng mga kasama ko ang kinikilos ni zero.

Nakarating kami sa cafeteria at samot sari na naman na bulungan at tiliian ang naririnig namin. Wala nang bago.
"Bakit kaya hindi nila kasama si Jamaica? "

"Tignan mo si papazero parang wala sa sarili.. Huhuhuhu"

"Kyaaaahhhhh they're here!! "

Book 2: The Continuation Of The SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon