"May sakit siya sa puso."
Kitang kita ko sa mga mata ng babaeng kaharap ko ang lungkot. Yumuko siya at umiyak. Hinawakan ko ang kamay niya at nginitian siya kahit hindi niya naman ako nakikitang ngumiti sa kanya.
"Nasaan po ang asawa ninyo?" Tanong ko. Hinawakan niya ako sa may pulso at hinila ako hanggang sa makarating kami sa isang puting kwarto. Lahat ng kulay ay puti, maging ang kama at sahig
"Kahapon, inatake siya. Hindi namin alam kung bakit..." Lumuha muli siya. "Tinakbo namin siya sa Hospital at doon na siya nawalan ng malay... Hindi niya sinabi saaming may sakit siya."
Binitawan niya ako kaya dahan dahan akong lumapit sa asawa niyang nakahiga sa puting kama na mahimbing na natutulog.
"Ooperahan siya--- kinakailangan niya ng pampalit na Puso. Hindi namin alam kung saan kami makakahanap nun, hindi namin alam kung anong gagawin namin." Hindi mapakaling sabi niya. "Nawawalan na siya ng pag-asa--- M-masakit man p-pero unti unti ay g-ganoon na lamang ang n-nararamdaman ko." Hinawakan ko siya sa kamay niya na nanginginig.
"Huwag ho kayong mawalan ng Pag-asa. Magtiwala lang ho kayo sa Diyos." Nakangiting sabi ko. Tumango siya kahit patuloy parin ang pagpatak ng luha niya.
Napatingin ako sa asawa niya na nakapikit at nakahiga sa puting kama. Itinapat ko ang palad ko sa tapat ng puso niya at pumikit saka nagdasal.
Biglang gumaan ang pakiramdam ko. Yung bigat na bumabalot sa kwartong ito ay biglang gumaan. Iminulat ko ang mga mata ko at ngumiti.
Humarap ako sa asawa niyang nakangiting nakatingin saakin habang namamaga ang kanyang nga mata.
"A-anong ginawa mo, hija?"
"Pinagdasal ko ho ang asawa ninyo." Ngumiti ako. "Huwag ho kayong mawalan ng pag-asa. Magtiwala ho tayo sa Diyos." Ulit ko.
Ngumiti siya at lumapit saakin. Niyakap niya ako ng mahigpit. "M-maraming salamat, H-hija." Sabi niya.
"Mauna na ho ako."
"Salamat nga pala ulit dahil sa pagtulong mo saakin sa mga dala ko."
"Walang anuman po iyon." Sabi ko at lumabas na ng kwartong iyon. Naglalakad akong mag isa sa maliwanag na Hallway. At doon unti unting nagmamadaling tumakbo ang Doctor at Nurse papunta sa Room na pinuntahan ko.
Ang kwarto kung saan ako nanggaling. Nadaanan ako ng mga Doctor at Nurse kaya napangiti ako.
Sina Mr. And Mrs. Santos ay ang pang 49th na napagaling ko.
By the way, My name is Heaven and I'm The Healer.
And this is my story.
BINABASA MO ANG
The Healer
Science FictionSiya si Heaven Carlos. Isang normal na teenager na lumaki kasama ang kaniyang Uncle Edgar. Ngunit nagbago ang lahat nang siya ay tumungtong sa 13 na taong gulang. Isang kakayahan ang ibiniyaya sa kaniya na ginamit niya sa pagtulong sa iba. Ang saril...