Chapter 41

1.9K 65 0
                                    

NAPATULALA ako sa mga nakikita ko. Hindi ko inakalang makakakita ako ng ganito sa buong buhay ko. At mas lalong akong nagulat sa sinabi ng matanda. Isa daw siyang scientist, isa daw siya sa gumawa ng maling imbensyon. Parang ang hirap at ang tagal magsink in sa utak ko ang sinabi niyang iyon.

"Sasabihin ko sayo ang mga nalalaman ko." Sabi ng matanda na ikinalingon ko sa kanya. Tumango naman ako at sumunod sa kanya. Naglakad ang matada patunga sa isang pintuang metal. Bumukas agad ito kung kaya't madali kaming nakapasok. Nang makapasok na ako ay saka ko lang napagtantong isa pala itong office na kung saan ay mayroong lamesa, swevil chair, at mga bookshelves. Halatang matibay ang dingding at ang kisame nito na gawa din sa metal.

"Maupo ka." Utos ng matanda at agad na umupo sa isang swevil chair na halatang luma na. Nang makaupo ako sa isang itim na upuan ay napahawak ako sa dibdib ko. Nahihirapan akong makahinga...

"Normal lang iyan dahil nasa ilalim tayo ng lupa." Sabi ng matanda. Nagulat pa ako nang may marinig akong kakaibang tunog kasabay nun ay ang pagpasok ng kulay puting usok na bumalot sa buong silid. Maya maya pa ay guminhawa narin ang paghinga ko.

"A-ano po ba ang mga nalalaman ninyo? Kilala niyo po ba ang nanay ko?" Tanong ko nang makahinga na ako ng maluwag. Tumango naman ang matanda at seryoso akong tiningnan. Halata sa kanya na matanda na siya. Hindi ko nga alam kung anong edad niya ngayon.

"Noon pa man ay isang matalik ko ng kaibigan si Faith." Huminto ang matanda. Siya ba ang nanay ko? Si Faith? "Sumama kami sa isang grupo na kung saan ay patagong gumagawa ng eksperimento at pagdidiskubre ng mga bagay bagay." Dagdag niya. "Naging kaibigan namin ang tatlong iyon hanggang sa napagdesisyunan namin na gumawa ng isang bagay na matagal na naming plinano."

"A-ano po iyon?"

"Ang gumawa ng gamot na kayang pagalingin ang anumang sakit..." Napangiti siya pero bigla itong nawala. "Naging maayos naman ang lahat, nasa plano na pero akala lang namin iyon dahil may isang formula lang ang kulang at iyon ang hindi namin alam. Huli na ang lahat nang testingin namin ito sa aming sarili..." Napatigil ang matanda at tila ba napaisip.

"Dahil sa may kulang ay nagkaroon ng side effects ang gamot. At hindi nga namin natagumpayan ang experimento namin." Malungkot nitong sabi na ikinagulat. Sumubok kaya ang tunay kong ina sa gamot na iyon? "Imbis na maging 41 ang edad ko ay sumobra ito ng malaki. Ngayon ay 81 years old na ako. Naging mabilis ang pagtanda at paghina ko. Minsan pa nga ay marami na akong nakakalimutan tanda ng pagkatanda ko..." Hindi ko maiwasang hindi malungkot at magulat. Eighty one years old?!

"Ang nanay ko ho?!" Napahawak ako sa sarili kong kamay na ngayon ay nangiginig na. Not this time! Marami pa akong dapat malaman!

Malungkot siyang tumingin saakin. "Sumubok din si Faith noon kasabay ko. Nagkaroon siya ng side effects ngunit imbis na tumanda ay mas lalo itong bumata kung kaya't nawala na lang siya ng bigla at hindi na namin nahanap pa." Sabi niya. Hindi ko maiwasang mapanganga. Pakiramdam ko ay sumasakit lalo ang ulo ko. Nararamdaman ko na nga ang pagkirot nito ngunit pinili ko itong balewalain.

"Bago muna kami magkahiwalay hiwalay ay saka lang namin nalaman na may dinadalang bata si Faith at ikaw iyon." Turo niya saakin na ikinagulat ko. "Kung kaya't nagkaroon karin ng kakayahan na nadala mo dahil sa dugong dumadaloy sa nanay mo. Maaari ring magkaroon ka ng side effects. At iyon ang hindi ko alam..." sabi niya na mas lalo kong ikinagulat at pagkirot ng ulo ko. "Ako ang pinili ni Faith na bantayan at kupkupin ka ngunit ibinigay kita sa iyong ama para narin sa ikakabuti mo. Lumipas ang ilang araw, linggo at buwan ay hindi ko na matagpuan ang nga kasamahan ko kung kaya't pinili ko ring magpakalayo layo..."

Napaiwas ako ng tingin at sumandal sa upuan. Napatulala ako sa sahig dala ng kalituhan. Hindi ko alam kung maniniwala ako o dapat ko bang pagkatiwalaan ang matandang iyon pero sa bawat salitang sinasabi niya ay mayroong ibig sabihin.

Napansin kong tumayo ang matanda at lumapit sa isang malaking bookshelf. May kinuha siya doon at agad na bumalik saakin. May iniabot siyang lumang litrato na naka frame pa. Sobrang luma na nito. May nakita akong tatlong babae at dalawang lalaking magkakatabing nakatayo. Mga nakasuot na puti na kung tawagin ay lab coat nga seryoso ang tingin nila sa litrato. Mga dalaga't binata pa sila dito kung kaya't hindi ko sila makilala.

"Ako ito." Itinuro niya ang babaeng nakasalamin. "Ito si Faith." Sabay turo niya sa babaeng matangkad at maputi. Halatang may lahi ito at hawig ko. Hindi ko maiwasang matulala. Kahit luma at lukot lukot na ang litrato ay nakikilala ko pa naman ang mukha nito. Kamukha ko siya. "Si Faith ay may halong American. Kinupkop siya ng mag-asawang Pilipino dahil namatayan ito ng ama niyang Amerikano at ng nanay niyang Pilipina dahil sa sunog." Kwento ng matanda. Napahaplos ako sa salamin ng picture frame. Sa buong buhay ko ay sa wakas nakita ko na rin ang nanay ko kahit sa litrato man lang. Hindi ko mapigilang mapaluha sa mga nalaman ko tungkol sa tunay kong ina.

"S-sino ho itong tatlo?" Tanong ko sabay turo sa isang babae at dalawang lalaki. Mga pamilyar ang mga hitsura nila pero hindi ko alam kung sino sila.

Napatingin ang matanda sa litrato pero napailing siya. "Hindi ko na sila makilala." Tila ba nalilito ang matanda. "Ah si Alfaro ito." Sabay turo niya sa nakangiting lalaki. Teka, hindi ko naman napansin na may isa palang nakangiti sa kanila. Tumango tango naman ako.

Napahawak ako sa ulo ko nang mas lalo itong kumirot ng pagkasakit sakit. Parang pinupukpok ang ulo ko. Ang sakit!

"Ayos ka lang ba hija?" Napahawak sa likuran ko ang matanda. Pakiramdam ko umiikot ang paligid ko. Nahihilo ako... lumalabo na ang paningin ko. Kahit ang mukha ng matandang nasa harapan ko ay hindi ko na maaninagan ng maayos ang mukha nito.

 
Maya maya pa ay naramdaman ko na lamang na bumagsak na ako. At nagdilim na ang lahat.

 
 
END OF CHAPTER 41
 
 

The Healer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon