Heaven's POV
Deretso lang ang tingin niya saakin at hindi na sumagot pa. Sa pagtataka ko ay kinaway kaway ko ang kamay ko sa harap ng mukha niya.
"Uh---oh! S-sorry! So, ikaw pala si Heaven? Pamangkin ni Mommy?" Tanong niya. Tumango ako bilang sagot.
"Ikaw si Delia?"
"Yup!" Sagot niya. "Nice to meet you my cousin!"
"Nice to meet you too." Sabi ko. "Uhm, Delia---"
"Hi Girls!" Isang sigaw ang nagpatigil saakin. "Bakit kayo nasa labas? Mag gagabi na. Pumasok na kayo."
Si Tita.
"Okay." Sabi ni Delia at nagmadaling tumakbo papasok sa bahay. Napatingin ako kay Tita na taas kilay na nakatingin saakin.
"She's Delia. My only beautiful daughter." Sabi niya. "Huwag na huwag mong tatangkain na pigilan ang anumang gustuhin ng anak ko."
"P-po?"
"Dahil wala kang karapatan." Sabi ni Tita at taas noong tumalikod saakin at naglakad papasok sa loob ng bahay.
Taka akong nakatingin sa pintuang pinasukan ni Tita. Nakakalungkot isipin na ganoon nalang ang turing saakin ni Tita... hindi tulad ng dati.
Parang segundo lang ang nangyari sa Hospital matapos nun, wala na. Nagbago na ang trato niya saakin.
Nakakalungkot din isipin na kadugo niya ako pero ganoon ang turing niya saakin. Pero si Delia--- hindi niya kadugo pero ganoon na lamang niya pahalagahan ang Adopted child niya.
Pero ano namang laban ko? Kadugo niya lang ako at pamangkin, pero si Delia ay anak niya. Ang nag iisang anak niya.
"Heaven!" Napalingon ako sa tumawag saakin. Si Uncle.
"Uncle?"
"Ano pang ginagawa mo diyan? Halika dito, nagluto ang Tita mo ng Carbonara. Nandito si Delia, halika na!"
"O-opo! Nandiyan napo!" Pasigaw na sagot ko at naglakad na palapit kay Uncle na nakaabang sa pintuan.
Nang makapasok ako ng bahay ay naabutan ko si Tita na seryosong kumakain habang si Delia ay busy sa pagpipindot ng Cellphone niya.
"Kumain kana." Sabi ni Uncle. Umupo ako sa sofa at kinuha ang isang platito na may lamang carbonara na hindi pa nababawasan.
Hawak hawak ko na iyon ng may biglang umagaw saakin nun.
"Ano ba! Akin 'to." Sigaw ni Delia. Gulat akong napatingin sa kanya. "Marami pa naman diyan eh!" Dagdag niya.
"Heaven naman... bakit mo naman inaagawan ng pagkain ang pinsan mo?" Inis akong napatingin kay Tita na nagsalita. May halong pag iinis at lambing ang boses niya.
"Ano bang nangyayari dito?" Sigaw ni Uncle nang makalapit saamin. May hawak na siyang pitsel ng juice.
"Si Heaven kasi... inaagawan ng pagkain si Delia." Sagot ni Tita.
"Heaven?!" Gulat na sigaw ni Tita.
"H-hindi ko po alam..." sagot ko.
"Huwag mo kasing agawan si Delia. Pagkain lang naman yan, meron pa diyan. Hindi ka naman mauubusan." Singit ni Tita.
Inis akong napatingin kay Tita.
"Heaven naman." Sabi ni Uncle at nilapag ang pitsel sa center table. "Hindi ka naman mauubusan..."
"Pero Uncle, hindi ko naman po talaga---"
"Huwag ka namang sumagot sa Uncle mo, Heaven!" Gulat akong napatingin kay Delia na sumabat bigla.
Napatingin siya saakin na may ngisi ang mukha. Napatingin ako kay Tita na nakangiti na may halong pang iinis.
At... napatingin ako kay Uncle na para bang dismayado ang mukha.
"Aakyat lang po ako, sorry po." Pigil ang luha kong umakyat ng hagdan at dumeretso sa kwarto.
Dun na ako napaiyak sa inis!
____________
"From now on, dito na matutulog si Delia."
Isang boses ang nagpagising sa diwa ko. Nararamdaman kong may tao dito aa kwarto ko.
"Really? Oh my gee! Ang cute naman dito! I love color Pink!"
"Papaano naman si Heaven?"
"Heaven should share with her cousin, Edgar."
Unti unti kong idinilat ang mga mata ko. Una kong nakita ang mukha ni Tita. Katabi niya si Delia na nakatutok parin sa Cellphone nito. Si Uncle naman sa harapan nila na para bang nag iisip.
"Gising na pala ang prinsesa." Sabi ni Tita nang makita akong bumangon sa kama.
"Ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ko.
"Heaven, dito muna matutulog si Delia. Maghahati muna kayo ng kwarto." Sabi ni Uncle.
"Sa kwarto po ni Tita? Tutal, mag ina naman po sila." May pagka sarkastiko ang pagkakasabi ko at tumingin kay Tita.
"Heaven---!" Naputol si Tita.
"Malaki po ang kama at kwarto ni Tita compare sa nag iisa ko pong kwarto, Uncle." Sabi ko.
Napatingin si Uncle kay Delia na kunot ang noo.
"Desisyon ito ng pinsan mo. Gusto niyang makipag communicate sayo." Sabi ni Uncle.
"Yeah, mabait naman ako." Sabi ni Delia. Nagulat ako sa susunod niyang ginawa.
Humiga siya sa kama ko at nag pipindot sa Cellphone niya. "Wala bang wifi dito?" Inis na tanong niya.
____________
"How old are you?" Tanong ni Delia saakin. Parehas kaming naka upo sa kama ko.
At... nagpipindot na naman siya sa touch screen niyang Cellphone habang nagtatanong saakin.
"17."
"Really?"
"Ikaw?"
"14."
"You must call me 'ate' than Heaven." Sabi ko na ikinatigil niya. Taas kilay siyang napatingin saakin.
"I know its kinda rude but i want to call you 'Heaven' than 'ate' you know... its uhm, eww?"
"Ano namang nakakadiri dun?" Tanong ko. "Kailangan mo parin akong tawaging ate, sign of respect nalang din dahil mas nakakatanda ako kesa sayo."
"Yeah, you're older than me. So dapat mo ring itindihin ang gusto ko." Sabi niya at inirapan ako.
"Hindi lahat ng gusto mo ay nasusunod." Sabi ko.
"Can you please... stop for a while? Nakakairita ka!" Sabi niya at tumalikod saakin.
"Kamusta sila Lolo't Lola?" Tanong ko.
"They're fine." Sabi niya.
"Nagtataka ako... bakit hindi ka nila kilala?"
Napatigil ako sa narinig ko. May halong kirot yun sa puso ko... dahil mismong magulang ng magulang ko ay hindi ako kilala.
Ako na Apo nila na para bang isang napakalaking sikreto na dapat itago.
END OF CHAPTER 15
Thanks for reading!
Vote and Comment!
Godbless us!
BINABASA MO ANG
The Healer
Science FictionSiya si Heaven Carlos. Isang normal na teenager na lumaki kasama ang kaniyang Uncle Edgar. Ngunit nagbago ang lahat nang siya ay tumungtong sa 13 na taong gulang. Isang kakayahan ang ibiniyaya sa kaniya na ginamit niya sa pagtulong sa iba. Ang saril...