Epilogue

3.5K 83 13
                                    

5 months later...

 
Nakatayo ako at nakatitig sa mga maliit na bahay at tao na nasa ibaba. Nasa rooftop kasi ako ngayon ng bahay ni Mama. Hindi ko akalaing may yaman din pala si Mama, kasama niya pala ang Tita niya na si Tita Nea na inalagaan siya nung mga panahong bata pa siya.

"Anak."

Napangiti ako nang marinig ko ang boses ni Mama. Lumingon ako sa likod at nakita ko siyang may hawak na dalawang tasa ng kape. Inilapag niya iyon sa pabilog na mesa at lumapit saakin. Hinalikan niya ako sa noo kung kaya't napapikit ako at ngumiti.

"Good Morning, Ma." Bati ko.

"Good Morning din, anak." Bati niya pabalik saakin. Inakbayan ako ni Mama at sabay naming pinanuod ang pagsikat ng haring araw. Sa loob ng limang buwan ay wala kaming sinayang na oras ni Mama. Sa bawat oras, minuto lagi kaming magkasama ni Mama, wala kaming oras na sinayang.

"Ma, thank you for everything." Tiningnan ko ng deretso sa mata si Mama. Maya maya pa ay niyakap ko siya. "I love you, Ma." Dagdag ko.

"I love you din anak." Sagot pabalik saakin ni mama at niyakap ako. Maya maya pa ay humiwalay na si Mama saakin. Tumunog kasi bigla ang cellphone niya na nasa bulsa ng jacket na suot niya.

Sinagot niya iyon at makalipas ang ilang minuto ay humarap siya saakin. "Anak may pupuntahan ta'yo." Nakangiting sabi ni Mama at hinawakan ang kamay ko.

 
 
 
NAGLALAKAD kami ni Mama papunta sa lapida ni Papa. May bitbit akong mga puting bulaklak habang nakangiti at naglalakad sa berdeng damuhan.

Nang marating na namin ang lapida ni Papa ay inilapag ko ang bulaklak doon. Nagsindi din ng kandila si Mama.

"Hi, Pa!" Bati ko. "Pa, kamusta kana diyan sa Heaven? Ayy, Heaven nga rin pala ang pangalan ko hahaha." Tumawa ako at napatingin kay Mama. Ngumiti siya saakin at napatingin sa lapida ni Papa.

"Pa, nagkakilala na po ba tayo noon?" Tanong ko. "Siguro pa no? Siguro ikaw ang nagturo saakin maglakad at magsalita." Napatingala ako sa kalangitan at ngumiti habang iniisip ko ang mga sinabi ko.

"Ikaw din siguro pa ang nagpapatulog saakin tuwing gabi?" Ngumiti ako at tumingin kay Mama. Pero nang tingnan ko si Mama ay malungkot ang mukha niya.

"Bakit Ma?" Tanong ko sa kanya. Nawala ang ngiti ko nang makita kong napaluha si Mama. Ano kayang problema?

"W-wala, anak..." pinilit niyang ngumiti. Alam ko yon, halata naman sa kanyang pinipilit niyang maging masaya kahit para bang may mali.

"Ma, umuwi na po tayo. Mukhang masama po ang pakiramdam niyo." Nag-aalala kong sabi at napatingin sa lapida ni papa. Hinaplos ko iyon at ngumiti.

"Papa, aalis na kami ni Mama kasi mukhang masama ang pakiramdam niya. Huwag kang mag-alala papa, bibisitahin ka namin sa linggo." Tumayo ako at pinagpag ang damit ko. Tinulungan ko naman si Mama na makatayo. Niyakap ko si Mama at humarap kami sa lapida ni Papa.

"Bye, pa. I love you!" Sabi ko. "Ma, alis na tayo?" Tanong ko kay Mama. Tumango naman si Mama habang lumuluha. Nagsimula na kaming maglakad ni Mama palayo kung kaya't inakbayan ko na lamang si Mama habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ko.

Inalalayan kong maglakad si Mama. Mula dito sa nilalakaran namin ay natatanaw namin ang mataas na sikat ng araw.

"Teka, Ma." Sabi ko at humiwalay kay Mama. Kinuha ko ang payong na puti na nasa loob ng itim kong bag. Agad ko itong binuksan at pinayungan si Mama. Pero bago pa man ako nagsimulang humakbang ay may tumawag saakin kung kaya't napatigil ako.

"Heaven?!" Agad akong napalingon sa likuran. Nagulat ako nang makita ko siya, hindi ko alam kung bakit. Nakasuot siya ng puting polo at may hawak na puting bulaklak.

"Anak, sino siya?" Tanong ni Mama saakin. Nagkibit balikat nalang ako dahil hindi ko naman talaga kilala kung sino iyong tumawag saakin.

"Ako 'to, si Hope!"

Kumunot ang noo ko. Atsaka umiling, hindi ko talaga siya kilala. Sino ba siya? Bakit kilala niya ako?

"Sorry, hindi kita kilala..." sabi ko at yumuko. Hindi ko alam pero naramdaman ko nalang na nagtubig ang mata ko.

Bakit? Sino ba siya at bakit ako umiiyak sa taong hindi ko naman kilala?

"B-bakit?" Nagulat ako nang may nagsalita sa harapan ko. Yung lalaki... hindi ko napansing nakalapit na pala siya saakin.

"B-bakit... bakit mo ko kinalimutan?" Sino ba siya? 


Tumitig ako sa mga mata niya. Wala akong maalalang nagkakilala na kami noon pero isa lang ang nakakasiguro ako. Iyon ay madami pa akong hindi nalalaman sa paligid ko at isa na roon ang... sarili ko. 

     
  
  
 
                   
 
        
 
END OF THE BOOK ONE


  Congratulations, you've finished   the Book One.

          Thank you for reading  :)

The Healer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon