IDINILAT ko ang mga mata ko pero nagulat ako nang purong itim lang ang nakikita ko. Wala akong makita.
"Bakit ang dilim? Bakit?!" Napasigaw ako at bigla nalang nag-panic. Ayoko nang makakita ng dilim... ayoko na! Ayoko!
"H-heaven? Bakit?!" Narinig kong sumigaw din si Uncle sa labis na pagkalito at pagkabigla. Naramdaman ko bigla ang pagkirot ng katawan ko. Ang sakit ng katawan ko!
"Arghhhh!" Nagpagulong gulong ako sa maliit na kama at napapakapit sa puting kumot pero tila ba ayaw pa ring matanggal ang sakit na nararamdaman ko.
"Nurse! Nurse!" Narinig kong sumigaw si Uncle at may sinabi. Maya maya pa ay naramdaman kong may tumurok saakin na nagpatigil saakin. "Calm down, Heaven..." narinig kong bulong ni Uncle. Bigla nalang akong napiyak nang marinig ko muli ang boses niya.
Nandito na si UncleNandito na siya sa tabi ko...
Hindi na ako mag-iisa pa.
Napahinga ako ng malalim hanggang sa nakaramdam na ako ng antok at tuluyan nang pumikit ang mga mata ko.
***
"U-uncle..." bumulong ako. Naramdaman kong may tumapik saakin. Idinilat ko man ang mga mata ko pero wala akong makita."U-uncle, w-wala po akong makita..." Hindi ko maiwasang umiyak. Hindi ko akalain na mapupunta ako sa puntong 'to.
Kung dati ako ang nagpapagaling sa kanila, sa mga may sakit. Ngayon... ako naman ang nangangailangan sa kanila.
Ang hirap pala.
"Shhh... shhh... tahan na." Pagpapatahan saakin ni Uncle. Inangat ko ang kamay ko upang abutin si Uncle pero naramdamna ko nalang ang kamay na humawak sa kamay ko. Hinawakan niya ito ng mahigpit na tila ba pinapalakas ang loob ko.
"Magiging maayos din ang lahat..."
"U-uncle, sa sitwasyon ko pong ito magiging maayos pa po ba?" Napangiti ako ng mapait. "Ano po ba ang nangyari saakin? W-wala po akong makita..."
"Heaven..." Mas hinigpitan ni Uncle ang hawak niya sa kamay ko. "Hindi matukoy ng mga doktor o kahit ako man kung anong naging sanhi ng pagka..." huminto si Uncle.
"Ng pagka-bulag mo..."
Tila ba yumanig ang mundo ko. Nanghina ang mga tuhod ko. Naramdaman kong hinang hina na ako.
Akalain mo yun? Ako na isang Healer ay magkakaganito? Ako na isang Healer na hindi kayang pagalingin ang sarili ko?
Bakit ba kasi ako nagkaroon ng ganitong kakayahan?
Kung wala ba akong kakayahang magpagaling ay hindi mangyayari saakin ang lahat ng 'to? Ang lahat ng paghihirap ko?
Ang sarap iumpog ng ulo ko para matauhan na ako. Na ganito na talaga ako. Isa lang naman akong walang kwentang tao. Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko hanggang sa umiyak na ako at nakagawa ng mahihinang hikbi.
THIRD PERSON'S VIEW
Hindi maiwasang malungkot at magtaka si Edgar sa nangyayari sa pamangkin niyang si Heaven. Kahit isa siyang doktor, hindi rin niya matukoy ang sakit ni Heaven. Para bang napakabilis ng pangyayari. Nitong nakaraan lamang ay nabalitaan niyang na-Hospital si Heaven for almost 2 months at ngayong nandito na siya sa tabi ni Heaven ay sa di inaasahang mabubulag pa ito.Sa ngayon ay maraming test ang gagawin kay Heaven. Isa si Heaven sa bukod tanging nagkaroon ng ganitong sakit na mahirap tukuyin.
Napabuntong hininga si Edgar at lumabas sa silid ni Heaven. Agad niyang tinawag ang nurse upang bantayan ang pamangkin.
Pumasok si Edgar sa isang silid. Agad na bumungad sa kanya ang isang batang nakaupo sa puting kama habang nakatitig ito sa sahig.
"Faith..." tawag niya.
"Fey." Pagtatama ng batang babae na hindi inaalis ang tingin sa puting sahig. Lumapit sa kanya si Edgar at umupo sa tabi nito.
"Faith, kailangan ka ng anak mo." Sabi ni Edgar gamit ang mababa nitong boses. Hinawakan ni Edgar ang buhok nito at hinaplos. "Kamukhang kamukha mo si Heaven." Nakangiti nitong sabi.
Pero walang sagot na natanggap si Edgar. Tahimik lamang ang batang babae na nakatitig lang sa sahig. Napabuntong hininga si Edgar at lumayo ng kaunti kay Faith.
"Wala akong ideya sa kung anong nakaraan ninyo. Pero handa akong tumulong."
Imbis na magsalita ang batang babae ay bumaba lamang ito ng kama at agad na may kinuha sa ilalim ng puti nitong kama na labis na ikinapagtaka ni Edgar. Maya maya pa ay may nilabas si Faith ng isang lukot na litrato. Tumayo siya at iniabot ito kay Edgar.
"H-hanapin mo sila..." mahinang sambit ni Faith. Kinuha iyon ni Edgar at nakita niyang isa itong lumang litrato na halatang matagal na.
Litrato iyon na kung saan ay may limang tao na nakasuot ng Lab coat.
END OF CHAPTER 43
BINABASA MO ANG
The Healer
Science FictionSiya si Heaven Carlos. Isang normal na teenager na lumaki kasama ang kaniyang Uncle Edgar. Ngunit nagbago ang lahat nang siya ay tumungtong sa 13 na taong gulang. Isang kakayahan ang ibiniyaya sa kaniya na ginamit niya sa pagtulong sa iba. Ang saril...