Chapter 17

2.4K 93 1
                                    

Heaven's POV

 
"Heaven! Wake up!" Mahina ngunit pasigaw ang nagpagising saakin. Idinilat ko ang mata ko at nakita ko si Delia na ngiting ngiti.

"Bakit?" Tanong ko at umupo.

"May lalaki sa labas, hinahanap ka." Sabi niya at napapasulyap sa bintana.

"Sino?" Tanong niya.

"I dont know! Duh? Kung alam ko edi sana sinabi ko sa'yo! Brain please, use it!" Sabi niya.

Inis akong tumayo at sumilip. May nakita akong lalaking matangkad ngunit nakatalikod sa pwesto namin.

"He's handsome!" Kinikilig na sabi niya. "She's looking for you. Who is he?" Tanong niya.

"I dont know. Duh? kung kilala ko edi sana sinabi ko sayo?" Panggaya ko.

"Ginagaya mo ba ako?" Inis na tanong niya. Pero hindi ko na siya sinagot. Lumabas ako at lumapit sa may gate.

"Ano pong kailangan niyo?" Tanong ko. Humarap ito saakin at nagulat ako nang makita ko siya.

"John?!"

"Remember me?" Natatawang sabi niya.

"Anong ginagawa mo dito? Papaano mo nalaman na dito ako nakatira?" Tanong ko.

Biglang nagbago ang reaksyon niya. Napalitan ito ng lungkot. "Kailangan mong sumama saakin." Sabi niya.

"A-ano? Bakit naman?"

"N-natandaan mo pa ba sila Annie?" Nagtaka ako sa sinabi niya.

"A-annie?"

"Hindi mo siya matandaan? Iyong bata sa Hospital... yung batang kasama ko."

Natandaan ko bigla ang batang kumanta ng Bahay kubo sa Hospital. Yung tatay niya na pinagaling ko sa sakit na pagkalumpo.

"B-bakit? A-anong nangyari?" Tanong ko. Kinakabahan na ako!

"Kailangan ka nila..." sabi niya.

"S-sasama ako, nasaan sila?"

Naglalakad ako kasama si John at kasama din si Delia na ayaw magpa iwan sa bahay. Nandito kami sa mala squatter area na lugar. Dikit dikit ang bahay at magulo ang paligid. Halos lahat ay nakatingin saamin.

Huminto kami sa isang bahay na kung saan ay gawa sa kahoy ang dingding at tagpi tagping yero ang bubong. Sa lahat ng bahay ay eto ang pinakatahimik.

Pumasok si John at sumunod kami ni Delia. Pagkapasok ay nagulat ako nang makita si Manong na naka upo sa maliit na sofa at nakangiti saakin.

"Magandang tanghali." Bati niya habang namamaga ang mga mata.

"M-magandang tanghali po..." bati ko. Nagulat ako nang yakapin ako ni Manong.

"Malaki ang utang na loob ko saiyo. Maraming salamat, Hija. Maraming maraming salamat..."

"H-hija..." may isang babae na may edad na ang lumapit saakin. "Anong pangalan mo?"

"Heaven po." Sabi ko.

"G-gusto kang makita ni A-annie." Sabi niya na ikinapagtaka ko. Pumasok kami sa isang maliit na kwarto. Pagpasok namin ay agad na bumugad saamin ang isang maliit na higaan at nakahiga doon si Annie.

"A-ate?"

"H-hello..." sabi ko at lumapit sa kanya. "Anong nangyari saiyo? Bakit ang lata mo?" Nag aalalang tanong ko.

"Ate... bago ako sumakabilang buhay, gusto kong mag p-pasalamat saiyo ng m-marami. Sa pag papagaling mo kay T-tatay at sa laging nasa t-tabi ko nung araw na n-nag iisa ako..."

"Ano bang sinasabi mo? Anong nangyari sayo?" Tanong ko.

"May malubha akong sakit ate... kinukuha na po ako ni L-lord. M-matagal na pala itong s-sakit ko."

"Ano?!" Hindi ko mapigilang maluha.

"K-kumalma ka lang..." Narinig kong sabi ni John sa likuran ko.

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ko.

"1 week later... nalaman nila Ka Berto na may sakit si Annie." Sagot ni John. "A-anong sakit?" Tanong ko.

"Dengue." Sagot niya. "Hindi agad nalaman ng doktor ang sakit niya. Madalas siyang nauuhaw at nilalagnat. Nalaman lang nila ngayong malapit na..."

"Anong malapit na?!"

"A-ate..." tawag ni Annie na nagpatigil saakin. Lumapit ako sa kanya at lumuhod para magkapantay kami ni Annie.

"Gagaling ka... gagaling ka..." sabi ko at hinawakan ang kamay niya. "H-huwag kang sumuko... gagaling ka, Annie..."

Bigla akong nalungkot at hindi mapakali. Gustong gusto kong pagalingin si Annie. Gusto kong gumaling na siya.

"Ate... konti nalang ang araw at oras na natitira saakin..."

Mas lalo akong naluha sa narinig ko. Nung una ko palang kita sa kanya ay ang sigla sigla at ang saya saya niyang bata.

Tapos ngayong nagkita muli kami sa pangalawang pagkakataon ay kaunti nalang pala ang oras at araw na natitira sa kanya.

"Iwanan niyo po muna kami." Sabi ko. Tumango sila John at umalis sa likuran ko.

Lumapit ako kay Annie at hinawakan siya sa kamay. "Wag kang mawawalan ng pag asa ah?"

"A-ate..."

Ipinikit ko ang mata ko at doon ako nakaramdam ng paglabas ng init sa mga palad ko. Naluluha ako habang nararamdaman ko na para bang may dumadaloy na kung ano man sa mga kamay ko.

Lumakas ang tibok ng puso ko. Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si Annie na nakapikit na at mahimbing na natutulog.

Nakangiti akong niyakap siya at lumabas sa silid na iyon. Naabutan ko silang tahimik na naka upo sa lapag si John. Naka upo si Delia sa maliit na sofa at nakatayo naman ang mag asawa.

"Kamusta si Annie?" Tanong ni Manong.

"Nakatulog po siya." Sabi ko. Nagmadali naman silang pumunta sa kinaroroonan ng anak.

Umupo ako sa tabi ni John at yumuko. "Kamusta?" Tanong niya.

Nag thumbs up lang ako. Wala akong ganang magsalita sa ngayon.

"Heaven, did you know them?" Tanong ni Delia. Tumango lang ako. "Bakit ayaw mong magsalita?" Tanong niya na may halong pagka irita sa boses.

Hindi ko siya sinagot at yumuko lang. "Salamat sa pagdala sakin dito." Sabi ko.

"Walang anuman." Rinig kong sabi ni John.

"Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" Seryoso kong tanong.

"Dahil..." Tumigil siya. "Dahil minsan na din kitang sinundan sa inyo."

Inangat ko ang tingin ko na may pagtataka ang tingin kay John.

"Pero bakit?"

"Para masigurado kong ligtas ka." Sagot niya na ikinatigil ko.

Parang may kung ano akong naramdaman. Tila ba natigilan ako sa narinig ko mula sa kanya. Matigilan sa mga salitang binitawan niya.

Para masigurado niyang ligtas ako..

END OF CHAPTER 17
Thanks for reading!
Vote and Comment!
Godbless us!

The Healer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon