Chapter 9

3.6K 133 5
                                    

Heaven's POV

"Ang sakit sakit ng ulo ko..." Sabi ni Tita habang hinihilot ang sentido niya.

"Ako na po." Sabi ko at pumunta sa likuran niya. Ako ang humilot sa sentido niya. Naramdaman ko tuloy na may lumalabas na init sa mga daliri ko.

"B-bakit parang nawala ang sakit ng ulo ko?" Tanong ni Tita. "Wait... parang nawala?"

"Hehehe, magaling po kasi akong maghilot." Nakangiti kong sabi at kumuha ng tubig at ibinigay ito kay Tita.

"Salamat." Sabi niya at tumutok muli sa binabasa niya.

Gusto ko mang magtanong kay Tita tungkol sa tunay kong Ina ay ipapagbukas ko nalang. Busy siya ngayon at halatang problemado.

"Bakit, Heaven?" Tanong ni Tita. Nakangiti akong umiling sa kanya at dumeretso sa kusina.

Kumuha ako sa ref ng Ice cream atsaka nilagay sa baso at kinain ito. Gumaan tuloy ang pakiramdam ko.

"Heaven..." Natatandaan ko na naman ang boses ni Papa.

"Ikaw na ba 'yan anak ko? Ang laki laki muna ah, kamukhang kamukha mo ang Mommy mo... anak, pasensya kana kung hindi mo nakasama si Papa mo sa paglaki mo. Sorry kung ngayon pa tayo nagkakilala... kung kelan aalis si Papa mo, magpakabait ka kay Uncle mo ah? Tawagan niyo nalang ako, anak. Binigay ko kay Uncle ang number ko. Magpaka bait ka ah? Mahal na mahal ka ni Papa, tandaan mo yan anak ko."

Naramdaman ko ang pagbagsak ng luha ko. Hindi ko maiwasang mapaiyak nang maalala ko ang sinabi ni Papa nung nagkita kami sa Airport. Matagal pa man ang panahon na iyon pero tandang tanda parin ng isip at puso ko.

Hindi ko nakita ang libing ni Papa. Kahit nasa libingan pa siya ay hindi ko siya makita at madalaw. Dahil ayaw na ayaw makita ng pamilya ni Papa si Uncle. Wala silang alam na may anak si Papa... at ako yun.

Nakatanaw lang kami nun ni Uncle sa malayo kung saan nakikita namin na naka kulay puti at itim ang mga tao at naglalakad sa kalsada.

Kitang kita ko ang picture ni Papa sa tarpaulin. Turo turo ko nun si Papa kay Uncle. Nagulat pa ako nun nang makita kong naluluha si Uncle at umiling iling saakin.

Wala akong kaalam alam na sumakabilang buhay na si Papa at yun ang araw ng libing niya.

Natandaan ko pa nun na kung kelan wala na ang mga tao ay lumapit kami ni Uncle sa madamo pero may parang bagay na itim ang nasa lupa at may nakaukit na pangalan at petsa.

Wilfredo A. Carlos

Nakita kong umiiyak nun si Uncle. Parang may kumirot nun sa puso ko at hindi ko alam kung bakit umiyak na rin ako habang nakahawak sa bagay na yun.

Nagwawala pa ako nun nang hindi ko malaman ang dahilan. Niyakap ako nun ni Uncle na umiiyak din.

Parang nasasaktan ako nung araw na yun. Bata pa ako nun at walang kaalam alam sa nangyayari.

"Uncle, si P-papa?" Yun din ang araw kung saan hinahanap ko si Papa. Umiiling na naluluha nun si Uncle.

"Nasa h-heaven na si P-papa mo..." Hindi ko maintindihan nun si Uncle.

"Langit po? Ano pong ginagawa dun ni P-papa?" Tanong ko nun.

May inabot saakin nun si Uncle. Isang pirasong bulaklak, meron din siya. Nilagay niya iyon doon sa bagay na kulay itim. Ganoon din ang ginawa ko.

Hindi ko alam pero masakit nun sa paningin kong makita si Uncle na humahagulgol ng iyak. Niyakap ko pa nun si Uncle.

At ngayong malaki na ako ay nauunawaan ko na. Nung 13 years ako ay doon na ako nalinawan sa mga nangyayari.

Masakit... napaka sakit!

"H-heaven..."

Napatingin ako sa tumawag saakin. Si Uncle pala.

"U-uncle..." sabi ko at niyakap siya. "M-miss na miss ko na po si Papa."

Niyakap din ako ni Uncle na ikinagaan ng pakiramdam ko.

Ganoon man ang nangyari sa buhay ko. Maswerte parin ako kahit papaano dahil may tao paring nagmamahal saakin.

 

END OF CHAPTER 9
Thanks for reading!
Vote and Comment!
Godbless us!

The Healer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon