Chapter 2

6.3K 213 0
                                    

Naka upo ako sa Swing, nandito ako sa Garden ng Hospital sa labas nito na kung saan ay tinulungan ko si Manong.

Tumingala ako sa building ng Hospital. 5 days na akong namamalagi dito. Sa loob ng five days ay dalawa na ang napagaling ko.

Hindi ko naman sila napapagaling ng basta basta kung gugustuhin ko. Gumagana ang pagiging healer ko kung Good in a Heart ang isang tao. Mabuti at may takot sa Diyos.

Nung nakaraan ay may sinubukan akong babae na hindi makalakad. Sinubukan kong pagalingin siya pero hindi gumana. Walang nangyari. Sandali lamang kumislap ang palad ko na ako lamang ang nakakakita.

When I was 13 years old ay doon ko na nadiscover ang pagkakaroon ko ng ganitong kakayahan. Nalaman ko ito noong nabulag ang Uncle ko.

Flashback:

"Heaven, pabutihin mo ang pag aaral mo ha?" Bilin ni Uncle saakin bago ako lumabas ng bahay.

"Opo, Uncle." Sabi ko at lumabas na ng bahay. Hindi pa ako nakakarating sa Gate ay may narinig akong kumalabog sa loob. Parang may mabigat na bagay ang bumagsak.

Sa gulat ko ay agad akong napatakbo papasok ng bahay. Nakita ko si Uncle na nakahandusay sa sahig at nakatakip ang dalawang kamay sa mga mata nito.

"Uncle! Uncle!" Hindi mapakaling sigaw ko at nilapitan siya. Narinig kong humagulgol ng iyak si Uncle at sumisigaw.

"Aray! A-aray!" Sigaw niya.

Napaiyak ako habang hinahawakan sa kamay si Uncle. Maya maya pa ay huminahon siya. Tinanggal ko ang kamay niya na nakatakip sa kanyang mga mata.

Nakadilat si Uncle pero deretso lang ang tingin niya sa kisame.

"Uncle..." Tawag ko. Nakita kong tumulo ang luha ni Uncle. Nagsalita siya na ikinatigil ko.

"W-wala akong m-makita... Buksan niyo a-ang ilaw! Bakit ang d-dilim?"

Pagkatapos nang mga nangyari ay tumakbo ako sa kapitbahay namin at humingi ng tulong.

Makalipas ang mga buwan ay wala paring makita si Uncle. Ilang buwan na siya sa Hospital pero hindi parin siya nakakakita at wala kaming sapat na pera. Nang maka uwi na kami sa bahay ay kasama ko ang isa kong Tita na kapatid ni Uncle.

---

Naiwan kami ni Uncle sa kwarto niya. Sinusubuan ko siya ng mainit na lugaw.

"Gusto ko nang makakita..." sabi ni Uncle na may namumuong luha sa mga mata. "Kung gaano kadilim ang nakikita ko ay ganoon din kadilim ang nangyari sa mundo ko."

Pumikit si Uncle. Napabuntong hininga ako pero nagulat ako nang may naramdaman akong mainit sa mga kamay ko.

Ang tanging nasa isip ko ay sana makakita na si Uncle, sana gumaling na siya kaagad... kung kaya ko lang, gagawin ko.

"Ahhh!" Tili ko nang makita kong umilaw ang palad ko. Napadilat si Uncle sa gulat.

"Anong nangyari, Heaven? Bakit?!"

Kusang gumalaw ang mga palad ko at tumapat ito sa mga mata ni Uncle. Napapikit ako sa takot na baka may kung anong mangyaring masama.

"M-maliwanag?" Napadilat ako at napatingin kay Uncle. Dilat na dilat ang mga mata niya at kumukurap hanggang sa napatingin siya saakin. "H-heaven?"

Naguguluhan man pero dinilat ko ang mga mata ko. Nararamdaman kong may mainit na lumabas sa mga palad ko. Unti unti kong binaba ang nakaangat kong kamay na nakatapat sa mga mata ni Uncle.

Kitang kita ko kung paano niya ipinikit mulat ang mga mata niya. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya.

Ang huli kong nakita ay kung papaano hinawakan ni Uncle ang mga kamay ko at kusang bumigat ang talukap ng nga mata ko at biglang dumilim ang paligid.

End of the flashback:

"Bahay kubo..." Napatingin ako sa batang babae na naka upo sa swing na katabi ko. May yakap yakap na teddy bear at naluluhang nakatitig sa damuhan.

"Bata?" Tawag ko. Napatingin siya saakin at ngumiti ng matamis. Magang maga ang mga mata niya.

"Hi po, Ate!" Sabi niya. "May kailangan po kayo?"

"Ah, wala..." sabi ko. "Kabisado mo ba ang kantang bahay kubo?" Tanong ko na nakangiti sa kanya.

"Ay, opo! Magaling po kami ni Itay diyan!" Sabi niya at itinaas taas pa ang kamay niya.

"Talaga? Galing naman." Tumango tango ako. "Nasaan ang Itay mo?"

Biglang lumungkot ang mukha niya. "Chinecheck po ng mga doktor. Naaksidente po kasi si Itay sa ginagawa nilang building." Sabi niya.

Gulat akong napatingin sa kanya. Kung hindi ako nagkakamali ay si Manong ang tinutukoy niya. Si manong na pinagaling ko dito sa lugar na ito.

"Kamusta na siya?" Tanong ko.

"Hmmm... okay naman po si Itay. Kanina nga po ay nagawa niyang makatayo na ikinapagtataka ng mga doktor."

"Ha?"

"Imposible naman daw po iyong mangyari." Sabi niya. "Natutuwa nga po ako nang malaman kong nagawa ni Itay na makatayo at humakbang muli."

"Natutuwa ako para sainyo." Nakangiti kong sabi.

"Annie!"

Isang sigaw ng lalaki ang narinig ko. Lumingon ako sa pinanggalingan nun at nakita ko ang isang binatang lalaki na nakatingin sa direksyon namin.

"Kuya John!" Sigaw ni Annie. Nakangiting lumapit ang binata kay Annie.

"Ikaw namang bata ka! Kung saan saan kita hinanap, nandito ka lang pala at may kasama---" Napatigil siya at napatingin saakin. Kunot ang noo at para bang sinusuri niya ang kabuuan ng mukha ko.

"Bakit?" Takang tanong ko.

Lumapit siya saakin at pinanliitan ako ng mata na ikinapagtaka ko naman.

"Nagkakilala na ba tayo, Miss?"

END OF CHAPTER 2

Don't forget to Vote and comment.
Thanks for reading!
Godbless us!

The Healer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon