Chapter 10

3.6K 125 0
                                    

Heaven's POV

  
"Heaven, are you okay?" Napatingin ako kay Tita at tumango. "Namamaga kasi ang mga mata mo, umiyak ka ano?"

"Opo."

"Bakit naman? May masakit ba sayo?"

"Wala naman po..." sabi ko at humiga sa kama ko. Lumapit saakin si Tita at umupo sa kama ko.

"Kung ano man yan, nandito lang kami ng Uncle mo."

"Opo, maraming salamat po!" Pilit kong magmukhang masaya kay Tita na alam ko namang nahahalata niya.

Tumayo siya at pinagpag ang damit niya. "Osige, aalis muna ako at mamalengke. Magpahinga ka." Sabi niya at lumabas na ng kwarto ko.

Umupo ako sa kama ko at kinuha ang unan na tinatahi ko. Habang nagtatahi ako ay sa hindi inaasahan ay natusok ako ng karayom.

Napapikit ako sa sakit. Tuloy tuloy ang agos ng dugo ko.... aaminin ko, nanghihina ako sa dugo. Ayaw ko ng dugo.

Bigla akong nakaramdam ng hilo. Sumakit bigla ang ulo ko, sa sobrang sakit ay napasigaw ako.

Napakapit ako sa kumot ko dahil sa sobrang sakit na naramdaman ko. Bigla ko ring naramdaman na sumakit ang tagiliran ko.

Hindi ako mapakali sa kama. Sobrang sakit ng nararamdaman ko! At hindi ko alam kung bakit.

"Ahhh!" Sigaw ko dahil mas lalong sumakit ang ulo ko. Napahawak ako sa ulo ko at sumigaw. Parang dinudurog ang ulo ko. Parang pinupukpok ng matigas na bagay.

Nang dumilat na ako ay naging malabo ang lahat...

___________

"Heaven... gumising kana."

Idinilat ko ang mga mata ko. Agad din naman akong napapikit nang masilaw ako sa ilaw na nasa itaas ko. Itinagilid ko ang ulo ko at dumilat. Nakita ko si Tita na may pag aalala sa mga mata niya.

"Ayos kana ba?"

"P-po? Opo."

"Naabutan kita sa kwarto mo, dumudugo ang kamay mo at wala kang malay sa kama mo."

Bigla kong naalala ang nangyari saakin. Hindi ko maiwasang magtaka, bakit ko ba nararamdaman ang mga bagay na iyon?

"H-hindi ko po alam kung bakit..." tanging sambit ko lang. "Nasaan po ako?"

"Nandito kasa Hospital na pinagtratrabahuan ng Uncle mo. Busy siya sa ibang pasyente sa labas."

Napatango ako at umupo. Kinusot ko ang mata ko at nang maidilat ko na ito ay nakita ko na ang kabuuan ng kwarto.

Puti, lahat ay kulay puti.

"Naicheck kana ng mga Doktor at pwede ka nang umuwi mamaya o kaya bukas."

"Gusto ko na pong umuwi ngayon sa bahay..."

"Mamaya, makakauwi kana." Sabi niya habang nagbabalat ng orange.

Matapos niyang balatan ang oranges ay inilagay niya ito sa puting platito. Pagkatapos ay kumuha ng kutsilyo at nagbalat ng manggang hilaw.

Pinapanood ko lang kung papaano magbalat si Tita ng mangga. Pero sa hindi inaasahan ay nabitawan niya ang mangga at kutsilyo...

Dumudugo ang kamay niya.

"Aw!" Sabi niya at napangiwi dahil sa dami ng dugo. Nahiwa siya ng kutsilyo sa hindi inaasahan.

Nagpanic ako bigla! Agad kong kinuha ang kamay ni Tita at hinawakan ito.

Patuloy parin siya sa pagdaing dahil sa sakit. Napapikit ako habang hawak hawak ang kamay ni Tita.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko! Hindi ko alam...

"H-heaven?!"

Napadilat agad ako nang sumigaw si Tita. Kitang kita ko sa mga mata niya ang gulat. Binitawan ko ang kamay niya pero ako din ay nagulat...

Naghilom ang sugat ni Tita. Tumigil ang pagdugo pero bakas parin sa kamay niya at sa kamay ko ang dugo.

"Heaven!" Biglang bumukas ang pinto. At nakita ko si Uncle na nagmamadaling pumasok.

Lumapit siya saakin pero laking gulat niya nang makitang duguan ang kamay namin ni Tita at nakakalat ang kutsilyo at mangga sa sahig.

"U-uncle..." Mahinang tawag ko. Napatingin siya na may nanlalaking mata.

"P-patawad po... dahil naibunyag ko po ang s-sikreto ko." Bulong ko.

Kitang kita ko kung papaano manlumo ang mukha ni Uncle pero may bakas ang pag aalala. Niyakap niys ako ng mahigpit na ikinagaan ng pakiramdam ko.

 
END OF CHAPTER 10
Thanks for reading!
Vote and Comment!
Godbless us!

The Healer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon