Chapter 7

4K 146 0
                                    

Heaven's POV

"Nandito na po ako." Sabi ko nang makapasok na ako sa loob ng bahay. Lumapit ako kay Tita Jona at nagmano. Ganoon din ang ginawa ko kay Uncle.

"Saan ka nanggalig?" Tanong ni Uncle.

"Namasyal lang po ako saglit. Nagpahangin po." Sabi ko at umupo sa sofa.

"Naglakad ka lang?" Tanong ni Tita. Tumango naman ako bilang sagot. "Opo, para exercise na din po." Sabi ko.

"Here." Napatingin ako sa inabot ni Tita. "Carbonara 'yan, ako ang gumawa."

Naramdaman ko bigla na kumulo ang tiyan ko kaya mabilis ko itong kinuha. "Salamat po." Sabi ko.

"Sa susunod na araw na ang birthday mo, Heaven?" Napatingin ako kay Tita Jona na nakaupo din sa sofa.

"Ay? Oo nga po pala." Sabi ko.

"Anong balak mo?" Tanong ni Tita.

"Kapag po kasi kaarawan ko, dumadalaw po kami ni Uncle sa puntod ni Papa tapos ay magsisimba at kakain sa bahay." Sabi ko na ikinagulat niya.

"Really?" Hindi makapaniwalang sabi ni Tita na ikinapagtaka ko.

"Bakit po?"

"Akala ko kasi ay mamasyal kayo sa Mall at bibili ng kung ano man ang gusto mo o di kaya ay kakain sa resto." Napangiwi ako sa sinabi ni Tita.

"Ah, hindi po... hindi naman po namin hilig ni Uncle na mamasyal sa Mall at kumain sa resto." Sabi ko.

Mayaman ang pamilya nila Uncle at Tita Jona. Kapatid sila ng Papa ko na naabutan ko noong anim na taong gulang palang ako.

Umalis si Uncle sa kanila para patunayan sa magulang nila na kaya niyang mabuhay mag isa. Magkapatid si Uncle, Tita Jona at si Papa sa Ama kaya naman mainit ang mga mata ng Ina nila Tita Jona kay Uncle. Lumayas si Uncle at ipinagpatuloy ang kolehiyo, naging isa siyang working student. Aral sa umaga, trabaho sa gabi.

Hanggang sa isang araw ay natagpuan ni Papa kung saan nakatira si Uncle. Doon na nagsimula kung papaano ako nabuhay kasama ang Uncle ko. Ibinigay at ipinabilin ako ni Papa sa Uncle ko.

Hanggang sa anim na taong gulang na ako at akala ko ay si Uncle ang tunay kong ama. Hinanap ni Uncle si Papa at doon namin nahanap si Papa sa Airport dahil pupunta itong France at doon ko rin nakilala si Papa na tunay kong ama.

At iyon ang huli naming pagkikita ni Papa...

Dahil iyon ang araw na kung saan ay naaksidente ang sinasakyan niyang eroplano.

"Heaven?" Napatayo ako sa gulat. "Hey, are you okay?"

Napahawak ako sa puso ko at inilapag ang plato sa center table ng sala. Inabutan ako ni Tita ng tubig na kaagad ko namang ininom.

Malungkot akong umupo sa sofa nang maalala ang pagyayaring iyon. Kusang tumulo ang luha ko habang inaalala ang nangyari.

"Heaven..." Isang boses ang nagpaiyak saakin.

Ang boses ni Papa...

END OF CHAPTER 7
Thanks for reading!
Vote and Comment!
Godbless us!

The Healer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon