Chapter 14

2.7K 96 0
                                    

Heaven's POV

Tuluyan na akong nakatitig sa babaeng yun. Hindi ko alam pero para akong nanigas sa kinatatayuan ko.

"Heaven!" Napalingon ako sa tumawag saakin. Si Miko.

"Miko?"

"T-teka..." Tumigil siya sa harap ko. Hingal na hingal at tagatak ang pawis. "Kainis talaga yung tricycle na'yun, nasiraan pa. Napilitan tuloy akong takbuhin to." Sabi niya sabay abot saakin ng kulay brown na notebook na makapal.

"Akin na nga yan!" Sabi ko sabay agaw. Yung notebook na hawak niya ay Personal Diary ko...

"Chill! Hindi ko naman binasa yan eh, ano ba yan?"

"N-notebook?"

"Alam ko." Sabi niya. "Wala man lang bang thank you diyan? Sinundan pa kita tapos nasiraan pa ko diyan sa may kanto tapos tinakbo ko pa yan."

'Dami pang sinasabi'

"Thank you very much, Miko!" Ngiting ngiting sabi ko.

"Welcome!" Sabi niya. "Eto ba yung bahay mo? Wow ah, pakain ka naman diyan."

"Ha? Eh, umuwi kana. Diba may research ka pa?"

"Oo nga, pwede pa naman yun mamayang gabi eh."

"Hay nako! Umuwi kana, delikado dito saamin." Pangangatwiran ko.

"Painom nalang. Kanina pa ako inuuhaw eh." Sabi niya.

"O-osige, halika..." sabi niya.

"May bisita kayo?" Tanong niya.

"Oo..." sagot ko nang makapasok na kami sa loob ng bahay. Gulat na gulat sila Tita at Uncle na nakatingin saakin.

"Mano po..." sabi ko at nagmano kay Tito at Uncle. Naiwan naman si Miko sa pinto na naiilang na ngumiti saakin.

"Heaven." Seryosong tawag saakin ni Uncle.

"P-po?"

"Sumunod kayong dalawa saakin." Utos niya. Napatingin ako kay Miko na halatang napalunok dahil sa pag galaw ng adams apple niya.

"M-miko..." Tawag ko. Lumapit siya saakin pero nasa likuran ko lang siya.

"Sa labas muna kami papasyal ni Delia." Nakangiting sabi ni Tita kasama si Delia at lumabas ng bahay.

Pumunta kaming tatlo sa bahay. Nasa iisang sofa naka upo si Uncle at naka upo naman kami ni Miko na magkatabi sa harap niya.

"Heaven, boyfriend mo ba ang lalaking yan?"

"Po? Hin---"

"Yung totoo, Heaven. Seryoso ako. Ikaw!" Sabay tingin niya kay Miko. "Kailan naging kayo ng pamangkin ko?"

"P-po? T-tito..."

"Uncle, hindi naman po kami eh. Wala pong kami, hindi ko po siya boyfriend." Sabi ko at napakamot ng ulo.

"Eh sino ba yan?"

"Classmate ko po. Makiki inom lang naman po siya." Sabi ko.

"Ganoon ba? Pasensya na sa mga tanong ko. O siya! Painumin mo na ang classmate mong si?"

"Miko po, Tito." Ngiting ngiting sagot ni Miko.

"Diyan ka lang, kukuha lang ako ng tubig." Sabi ko at dumeretso sa kusina. Kumuha ako ng malamig na tubig at dumeretso sa sala. Naabutan ko pa sila ni Uncle na nagtatawanan.

"Oh, Miko." Sabi ko sabay abot ng tubig sa kanya.

"Salamat." Sabi niya at uminom. "Salamat, Heaven. Salamat po Tito!"

"Osige, walang anuman." Sabi ni Uncle. Sabay kaming lumabas ni Miko. At nang makalabas na kami at nasa gilid na ng kalsada at napabuntong hinga siya ng malakas.

"Grabe! Kinabahan ako dun!" Sabi niya.

"Sabi kasing umuwi kana eh."

"Hahahahaha, okay na yun! Sige, alis nako." Sabi niya at pumara ng Jeep. Sumakay siya at kinawayan ko naman siya.

Tumalikod ako pero laking gulat ko nang tumambad sa harapan ko ang isang napakagandang babae.

"Hi! My name is Delia, Mommy Jona's Daughter. And you are?"

"H-heaven... Heaven Carlos." Sagot ko.

END OF CHAPTER 14
Thanks for reading!
Vote and Comment!
Godbless us!

The Healer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon