Heaven's POV
"6,205." Sabi ni Sir Alfaro sabay sulat sa blackboard. Pilit kong nililinaw ang paningin ko pero lumalabo ito. Ano ba kasing nangyayari saakin?
Ilang araw na ang lumipas at lumalabo parin ang paningin ko sa hindi malamang dahilan. Ayaw ko naman itong ipaalam kay Uncle para hindi na siya mag alala pa. Baka kasi ay dahil sa antok lamang ito.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Miko sa likod ko. Tumango tango ako. "Oo, inaantok lang ako." Sabi ko.
Hindi na sumagot pa si Miko at naramdaman kong napalayo ito saakin nang humarap saamin si Sir. Patuloy parin ang discussion habang ako ay panay ang panliliit ng mata dahil lumalabo ang paningin ko.
Nakauwi na ako sa bahay at agad na dumeretso sa kwarto. Nagpalit ako ng damit at humiga sa kama. Baka pagod lang 'to o inaantok lang ako.
"Ano prinsesa? Tutulog ka nalang ba diyan ha? Walang katulong dito kaya tumulong ka!" Sabi ni Delia na nakapamewang sa may pinto.
"Delia, ikaw muna ang tumulong kay Tita. Magpapahinga lang ako." Sabi ko. Tinaasan niya ako ng kilay.
"Aba... aba... bumangon ka diyan! Bangon!" Sigaw niya. "Wala kang karapatang utusan ako, che!" Sabi niya at umalis na.
Napailing iling nalang ako at bumangon. Bumaba ako ng hagdan at tumulong kay Tita. Makalipas ang ilang oras ay nakauwi na si Uncle. May dala itong pasalubong kaya naman nagmamadali itong tiningnan ni Delia.
"Kamusta Heaven?" Tanong saakin ni Uncle. "Ayos lang naman po ako." Sagot ko at nagmano sa kanya.
Matapos magurong ng pinggan ay deretso ako sa kama at agad na natulog nang makaramdam ako ng antok.
"Bungi ka naman eh!"
"Panget ka naman!"
"Bungi! Bungi! Bungi!"
"Maitim! Maitim!"
Puro away at batuhan ng masasakit na salita ang dalawang batang lalaki na nasa tapat ng gatw namin. Nag aasaran sila at hindi maiwasang magsakitan. Inawat ko sila pero tumakbo lamang ang mga ito.
Sinundan ko sila hanggang sa makitang umakyat ng puno ng mangga ang isang batang kinulang sa ngipin.
"Bumaba ka diyan baka mahulog ka!" Sabi ko at sinesenyasan siyang bumaba.
Tila ba walang narinig ang batang lalaki. "Habulin mo ko, Ryan! Hahahaha!" Tawa niya sabay tingin sa batang kasama.
"Mga bata... umayos kayo at umuwi na sa bahay niyo." Sabi ko. Umiling lang sila at nag asaran ulit.
"Eh duwag ka pala, Ryan!"
"Hindi ako duwag! Mukha ka kasing unggoy diyan!"
"Duwag ka naman hahahaha."
Pikon na pikon ang batang lalaki na dumampot ng bato at binato sa batang nasa puno. "Wag!" Suway ko pero huli na. Nahulog ang batang lalaki mula sa puno at agad na tumakbo ang kasama nito.
Umiiyak ang bata dahil sa lakas ng pagkabagsak niya sa lupa. Nakahawak ito sa likod at ulo habang sumisigaw sa sakit.
"A-anong masakit? S-sabi ko na nga ba eh..." sabi ko at pilit na tintingnan kung may sugat siya ngunit wala. Patuloy lang siya sa pag hagulgol.
Pinadapa ko siya at hinawakan ang likod niya. Pinatong ko ang palad ko sa likod niya at pumikit. Nararamdaman kong may mainit na lumalabas mula sa palad ko.
"A-ate?" Napatigil ako at ngumiti sa bata. Dahan dahan siyang umupo at sumandal sa puno. "N-nawala po ang sakit ng likod ko... paano niyo po nagawa yun?" Tanong niya.
"Secret lang natin to. Dapat kasi ay huwag kang aakyat ng basta basta sa puno para walang madisgrasya." Sabi ko at ngumiti sa kanya. Hinilot hilo ko ang balikat niya.
"May powers po kayo?" Tanong niya. Tumango na lamang ako at tumawa ng mahina.
"Umuwi kana sa inyo. Baka hinahanap kana ng magulang mo." Sabi ko at inalalayan siyang tumayo.
"Salamat po, Ate. Pangako secret lang to." Sabi niya at tumakbo na palayo.
Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan siyang tumakbo. Parang walang nangyari sa kanya, parang hindi siya nahulog sa puno kung makatakbo siya.
"Nagpapagaling ka?"
Gulat akong napatigil sa pagngiti ng maramdaman kong may babaeng nakatayo sa likuran ko.
Natigilan ako at hindi lumilingon sa kanya dahil nakikilala ko ang boses niya. Hindi ko akalain na sinundan niya ako at nakita ang pangyayaring iyon.
"T-tita Katrina?" Tanging nasambit ko.
END OF CHAPTER 24
Thanks for reading!
Vote and Comment!
Godbless us!
BINABASA MO ANG
The Healer
Science FictionSiya si Heaven Carlos. Isang normal na teenager na lumaki kasama ang kaniyang Uncle Edgar. Ngunit nagbago ang lahat nang siya ay tumungtong sa 13 na taong gulang. Isang kakayahan ang ibiniyaya sa kaniya na ginamit niya sa pagtulong sa iba. Ang saril...