Chapter 1

7.3K 298 2
                                    


Tulala at nakaupo ang isang matandang lalaki sa Wheelchair niya. Payat at may katandaan na ang lalaki. Nakatingin lang siya sa kawalan at hindi gumagalaw sa kinauupuan niya.

"Manong." Tawag ko pero nanatili siyang nakatingin sa kawalan. "Pasensya na po kung naabala ko ho ang pagmumuni niyo dito.'' Sabi ko.

"Kung ano man hong sakit yan, huwag po kayong mawalan ng pag-asa. Kailangan po nating lumaban at harapin ang bawat problemang dumadating sa buhay natin." Sabi ko. Umupo ako sa swing na nasa likuran ko at kaharap nun si Manong.

Walang kibo si Manong at nakatingin lang sa kawalan. Hindi niya ako tinapunan ng tingin kahit isa.

"Problema... p-problema..." paulit ulit na sambit ni Manong. Hinawakan ko siya sa likod ng kamay niya.

"Malulutasan din ho 'yan. Huminahon ho muna kayo." Sabi ko. Tumingin siya saakin, sa wakas! Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"G-gusto mo bang makarinig ng kwento?" Tanong niya. Nagulat man pero agad akong tumango.

"May isang lalaking laging kumakayod para sa pamilya niya. Lahat ay sinubukan niya para magkatrabaho..." Huminto siya. "Hanggang sa naging isa siyang Construction worker. Isang araw, noong kaarawan niya ay doon na nagkaroon ng aksidente." Bigla siyang huminto at mapait na ngumiti saakin. "Sa hindi inaasahan, habang nagtratrabaho siya ay naputol ang lubid na nakakabit sa kinakatayuan niya. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay natagpuan siyang duguan at namimilipit sa sakit. Naipit naman ang paa niya sa matigas na kahoy na ginamit niya na nakakabit sa lubid na napigtas."

"Manong..." puno ng pag aalala ang boses ko. Kitang kita ko kung papaano mamuo at tumulo ang luha niya na kanina pa nagbabadyang bumagsak.

"Naging lumpo siya at naging walang kwenta." Malungkot na sabi niya. Naramdaman kong may mainit na likido ang tumulo mula sa mata ko.

"At ako... a-ako ang bidang lalaki sa kwento ko." Nabasag ang boses ni Manong. Tumayo ako at niyakap siya.

"Huwag po tayong mawalan ng pag asa." Sabi ko. Kumalas ako at hinawakan ang tuhod niya. Pumikit at nagdasal.

Naramdaman ko bigla na may lumabas na mainit pero maliwanag sa mga palad ko.

Dumilat ako at ngumiti kay Manong na nakakunot ang noo. "Ano pong gagawin niyo kapag gumaling na ho kayo?" Tanong ko.

"Lalapit agad ako sa Diyos at magpapasalamat. Babalikan ko ang pamilya ko... ang naiwan kong pamilya."

"Subukan niyo pong tumayo." Sabi ko. "Ipakita niyo po saakin na mayroon kayong pag asa na makakatayo kayo." Sabi ko.

Pumikit siya sandali at hinawakan ng mahigpit ang magkabilang bakal ng wheelchair niya. Unti unti niyang inangat ang sarili hanggang sa nakatayo siya.

Gulat na gulat siya at sinubukang humakbang pero nawalan siya bigla ng balanse kaya mabilis ko siyang inalalayan.

Kitang kita ko ang tuwa sa mga mata ni Manong. Nakangiti siyang nakatingin saakin. Bigla siyang nabuhayan.

"Salamat." He mouthed.

END OF CHAPTER 1

Dont Forget to Vote and Comment!
Thanks for reading, Godbless us!

The Healer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon