Heaven's POV
Napadilat ako bigla nang makarinig ako ng iba't ibang tunog na nasa tingin ko ay nagmumula sa mga makina.Tumayo ako at inilibot ko ang tingin ko sa mga paligid ko. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong may iba't ibang mga makina ang umaandar, mga iba't ibang ilaw. Mga iba't ibang button at mga switch na ngayon ay nakapalibot saakin.
Napakadilim ng paligid...
Pero dahil sa ilaw ng mga makinang ito ay nagkakaroon ng liwanag. Napatingin ako sa mga kagamitan na mga nakalapag sa mga mesang gawa sa metal.
May iba't ibang kagamitan na nasa kaalaman ko lang ay nakikita ito sa isang 'Laboratory'.
"HEAVEN!" Agad akong napaupo sa kama at naghabol ng hininga. Nararamdaman ko ang pagtulo ng malamig na tubig sa mukha ko."Bingi ka ba ha? Kanina pa kita ginigising diyan!"
Napatingin ako kay Tita na may dalang baso na ngayon ay wala ng tubig. Hingal na hingal parin ako.
"Ano? Bulag-bulagan na ngayon?" Naiiritang tanong ni Tita Jona.
Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang palad ko. "P-pasensya na po..." sabi ko at bumaba na ng kama.
"Osiya! Aalis ako, linisan mo yung buong bahay." Sabi niya. "Ilock mo ang mga pintuan. Hangga't maaari, huwag kang lalabas ng bahay at kung saan saan magpupunta ha." Dagdag niya.
"Saan po kayo pupunta?"
"May trabaho ako at uuwi ako mamayang eight. May mga pagkain diyan sa Ref. Huwag kang maarte kung puro delata lang ang makikita mo." Sabi niya at naglakad na paalis. Pagkalabas niya ay nakita ko siyang sumakay sa kotse niyang pula at pinaandar ito paalis.
Nakadungaw lang ako sa pinto habang pinagmamasdan ang kotse niyang umaandar paalis kung saan ito dadaan palabas ng malagubat na lugar na ito.
Nagpalinga linga pa ako at napangiti dahil ang ganda ng sikat ng araw at ang tahimik ng paligid. Ang lamig pa ng paligid dahil sa mga puno na nasa paligid.
Huminga ako ng malalim at pumasok sa loob ng bahay nila. Hindi ko maiwasang magtaka sa panaginip ko.
Pakiramdam ko talaga ay totoo 'yon.
Inilibot ko ang sarili ko sa buong bahay. Isang palapag lang ang bahay ni Tita na kulay puti ang pintura. Maliit man sa labas ay pagnakapasok ka sa loob ay kumpleto ang lahat at maaliwalas ang loob.
Dumeretso ako sa kusina nila at binuksan ang mga cabinet. Agad na bumungad saakin ang mga iba't ibang klase ng delata at mga cup noodles. Paglipat ko naman sa Ref ay puro gulay at gatas ang laman.
"Corned beef nalang." Sabi ko at kumuha. Pagbukas ko ng rice cooker ay may laman pa kaya ginawa ko nalang 'tong fried rice.
***
Nasa kwarto lang ako at nakadungaw sa bintana. Napansin ko ulit yung parang gusali sa hindi kalayuan pero natatakpan ng nagsisitaasang mga puno.
Nacurious naman ako masyado at gusto iyong puntahan kaso wag nalang. Kailangan kong bantayan ang bahay.
Nagbabasa lang ako ng isang pocket book na natagpuan ko sa ilalim ng kama. Medyo nahilo pa nga ako nang mapag-alamang puro ito tungkol sa Biology at Chemistry.
Naalala ko tuloy iyong eskwelahan ko dati at ang masungit naming guro sa Biology.
***
Lumipas ang mga oras hanggang sa mag-eight PM na. Narinig ko mula sa labas ang sasakyan ni Tita Jona. Lumabas ako at sinalubong siya pero isang tango lang ang ibinigay niya at pumasok sa loob.
Ang cold pa rin ni Tita Jona.
8:45 PM
Nandito ako sa harap ng pintuan ng kwarto ni Tita. Kakatok na sana ako pero narinig kong nagsalita si Tita Jona.
"Lenora, Yellow Street 1976, 81."
"Lenora, Yellow Street 1976, 81."
"Lenora, Yellow Street 1976, 81."
Paulit ulit itong sinasabi ni Tita Jona. Hindi ko siya naiintindihan, Lenora? Yello Street 1976? 81?
Bigla akong nacurious...
Lumayo na ako sa kwarto ni Tita Jona at pumasok sa kwarto ko. Naglabas ako ng notebook at inilista iyon. Hindi ko alam kung bakit! Ano bang nangyayari saakin?
-Lenora
-Yellow Street 1976
-81
Kung iisipin ko ay ang unang sinabi niya ay pangalan. Pero sino naman iyon? Baka naman ay costumer lang yun ni Tita Jona sa negosyo niya.
Isinarado ko nalang ang notebook ko at nilagay sa ilalim ng kama. Pagkatapos nun ay lumabas nalang ako ng kwarto ko at inilock ang mga pintuan, sinarado ang mga bintana at pinatay ang mga ilaw maliban sa may labas ng bahay at sa may kusina.
"Heaven."
"AY!" Napasigaw ako nang may magsalita sa likuran ko. Pagtingin ko ay si Tita Jona ito na nakakunot ang noo.
"Umayos ka ngang bata ka. Gabi na pero ang ingay ingay mo." Inis na sabi nito.
"Pasensya na po..."
"Pumunta ka ba sa kwarto ko?" Tanong ni Tita na ikinatigil ko.
"Po? Bakit po?" Takang tanong ko. Itinaas niya ang kilay niya at tiningnan ako.
"Forget it." Maikling sambit nito at umalis na. Dumeretso ito sa kwarto niya at mabilis na isinarado. Magkatabi lang naman ang kwarto namin ni Tita pero medyo malayo ang pagitan nito.
Pumasok na ako sa kwarto ko at isasarado ko na sana ang bintana pero narinig ko ulit ang boses ni Tita Jona.
"Hindi pwedeng malaman ni Heaven kung sino si Lenora."
Sino ba si Lenora?Bakit hindi ko siya pwedeng makilala?
END OF CHAPTER 37Don't forget to vote and comment :))
Question: Sino nga ba si Lenora?
Free to comment :)
BINABASA MO ANG
The Healer
Science FictionSiya si Heaven Carlos. Isang normal na teenager na lumaki kasama ang kaniyang Uncle Edgar. Ngunit nagbago ang lahat nang siya ay tumungtong sa 13 na taong gulang. Isang kakayahan ang ibiniyaya sa kaniya na ginamit niya sa pagtulong sa iba. Ang saril...