Heaven's POV
"Tita Katrina..." tawag ko kay Tita. Nagulat pa siya nang marinig ako. Mabilis niyang binaba ang makakapal na pera na kanina ay binibilang niya."Heaven?" Gulat na tanong niya.
Pumasok ako sa kwarto niya at mabilis naman niyang itinago ang pera niya sa wallet niya.
"May trabaho na po kayo?" Hindi ko maiwasang maging sarcastic na tono.
Magsasalita pa sana siya nang biglang may kumatok sa gate namin.
"Tao po!" Isang sigaw ito ng babae. Agad na sumilip si Tita sa bintana at napatingin saakin.
"Kailangan ka na naman nila, Heaven." Sabi niya. Hindi ko mapigilang ikuyom ang kamao ko at iniiwasan na wag sumilip sa bintana. Dahil baka magbago ang isip ko.
Naglakad palapit saakin si Tita kaya mabilis akong umatras at lumabas ng kwarto niya. Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at nakita ko si Delia na hawak ang cellphone niya. Hindi ko siya pinansin at mabilis na isinarado ang pinto at inilock ito.
"What are you doing?" Gulat na tanong ni Delia. Saka ko lang napansin na nakabihis pala siya.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko.
"None of your business." Sabi nito at inirapan ako.
"Saka bakit may dala kang bagahe?" Gulat na tanong ko. "Aalis ka na ba? Babalik ka na ba?" Dagdag ko.
"Oh yes." Sagot niya. "Iiwanan kita dito hahaha."
Hindi maaari. Ano na ang mangyayari saakin kapag naiwan ako kay Tita Katrina?
"D-delia, pwede bang sumama?" Tanong ko. Nakita ko naman siyang nagulat at napataas ang kilay.
"Hindi pwede. Kasama ko si Lola at mag-a out of town kami." Sabi niya at kasabay nun ay ang pag kuha niya ng bagahe at mabilis na lumabas sa kwarto. Nakarinig pa ako ng busina ng sasakyan na nagmumula sa labas. Hahabulin ko sana siya nang makitang papalapit saakin si Tita Katrina.
"Heaven!" Tawag nito saakin. Hinila niya ako papasok sa kwarto at mabilis na isinarado at nilock ang pintuan.
"Tita Katrina, bakit hindi niyo po sinabi?" Tanong ko na ikinatigil niya. "H-hindi niyo po sinabing ginagamit niyo lang ako para lang sa pera?" Dagdag ko.
Lumapit siya saakin at mabilis na hinawakan ang panga ko ng madiin. Napadaing pa ako sa sakit.
"A-aray!"
"Tutal wala na si Delia dito sa bahay ay pwede ko nang gawin ang lahat ng gusto ko at ang pakay ko sa'yo." Nakangising sabi nito.
"A-ayoko po!" Sigaw ko at pilit na tinatanggal ang pagkakahawak ni Tita sa baba ko.
"Kundi ay matatamaan ka saakin!" Pagbabanta niya. "Gumawa ako ng plano bago mangyari 'to. Una ay bibisitahin ko si Edgar at aalamin ang pagkatao mo. Kaso sinuswerte ka naman ay nalaman ko agad 'to. Gumawa ako ng paraan at inalam ang bawat oras at araw kung kelan tayong dalawa nalang ang matitira." Mahabang sabi nito. "Kaso minalas ka pa naman at natuloy ang plano ko." Sabi niya.
"T-tita, unawain niyo naman po ako... hindi niyo po alam kung gaano ako nasasaktan! Na tumutulong ako sa iba para magkapera?! Alam niyo po ba ang sakit na ginagamit ka?" Hindi ko maiwasang mapasigaw.
"Akala mo ba ikaw lang ang nakaranas na ginagamit?!" Sigaw niya. "Ako man! Ako! Ginagawa ko 'to para maghiganti sa taong gumamit saakin!"
"T-tita, masama---"
"TUMIGIL KA!"
Kasabay ng pagsigaw ni Tita ay ang pagbukas ng pintuan. Gulat na gulat kami nang makita si Delia na nasa pintuan at may pinaikot ikot na susi sa daliri nito.
"So, tama pala ang hula ko?" Sabi ni Delia. Nagulat si Tita at napaatras. Nagulat kami ng biglang may pumasok sa kwarto na dalawang lalaking nakaitim.
Hinila nila si Tita palabas ng kwarto at pumasok naman si Delia.
"Mag-ayos kana ng bagahe mo. Kailangan mo ng umalis." Sabi niya at umirap pa saka lumabas ng kwarto. Napangiti ako bigla at mabilis na kumuha ng mga damit.
***
Nakatanaw lang ako sa bahay ni Uncle na papalayo na saakin. Nakasakay ako sa isang itim na sasakyan at katabi si Delia pero magkalayo ang pagitan namin.
Napakatahimik ng paligid at nararamdaman kong biglang lumabo na naman ang paningin ko at nanginig ang mga kamay ko. Pinigilan ko ang panginginig ng kamay ko pero nahirapan lang ako.
Pinikit ko nalang ang mga mata ko at pinilit na makatulog ako hanggang sa maging maayos na ako pag-gising ko.
Maya maya pa ay nararamdaman kong may yumuyugyog saakin. Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko ang guard ni Delia na hawak ang bagahe ko.
"Ma'am, kanina pa po naghihintay si Ma'am Delia." Sabi niya. Mabilis akong napatingin sa salamin at halos manlaki ang mga mata ko sa nakita.
Nasa Airport kami!
At nakikita ko si Delia na nakatayo at halatang inip na inip na.
Mabilis akong bumaba ng sasakyan at ibinigay naman saakin ng Guard ang bagahe ko. Pagkatapos nun ay lumapit ako kay Delia.
"Mauuna ang flight mo." Sabi niya.
"Teka... saan ba ako pupunta?" Takang tanong ko.
"Kung saan nakatira si Mommy. Doon ka muna titira kay Mommy Jona." Sagot niya. "Nakahintay na siya doon kaya huwag ka ng mag-alala kung anong sasakyan mo." Dagdag niya. Tumingin siya sa relo niya at dumating ang guard.
"Then... go."
***
Lumapag na ang sinasakyan naming eroplano. Pagkalabas ko ay pumasok kami sa loob at kinuha ang bagahe ko.
Pagkalabas ko ay napakarami ng mga tao at mga nakaabang na mga taxi. Inaya pa ako ng isang taxi pero tumaggi ako at hinanap si Tita Jona.
"It's nice to see you again."
Napatalon ako sa gulat ay nakita ko si Tita Jona na nasa likuran ko na pala. Yayakapin ko sana siya pero inagaw niya saakin ang bagahe ko.
Pumasok kami sa isang kulay pulang sasakyan at si Tita Jona na ang nagmaneho.
***
Tumigil na ang sasakyan habang manghang mangha parin ako sa nakikita ko. Nakakapagtakang nag-iisa lang ang bahay ni Tita na napagigiliran ng mga puno at malayo sa mga bahay bahay.
"Tita, dito po kayo nakatira?" Tanong ko.
"Hindi ba obvious? Pasalamat ka nga at pumayag akong patirahin ka sa pamamahay ko." Sabi niya. Hindi parin siya nagbabago.
Hindi nalang ako nagsalita. Nauna na siyang pumasok sa loob habang ako ay nakatayo parin habang pinagmamasdan ang paligid. Nakalimutan ko nga kung anong lugar na itong pinuntahan namin at talagang malayo.
Napansin kong maraming bundok sa paligid at mga puno pero ang nakakaagaw pansun saakin ay ang makitang parang may isang gusali sa mga nagtataasang mga puno.
Ano naman kaya iyon?
"Wala kang balak pumasok?" Nagulat ako nang marinig si Tita. Mabilis kong binitbit ang bagahe ko at pumasok sa loob ng bahay niya.
END OF CHAPTER 36
BINABASA MO ANG
The Healer
Science FictionSiya si Heaven Carlos. Isang normal na teenager na lumaki kasama ang kaniyang Uncle Edgar. Ngunit nagbago ang lahat nang siya ay tumungtong sa 13 na taong gulang. Isang kakayahan ang ibiniyaya sa kaniya na ginamit niya sa pagtulong sa iba. Ang saril...