Heaven's POV
May babaeng umiiyak habang nakasandal sa poste. Kitang kita ko kung papaano siya humikbi.
Madami siyang sugat sa braso. May pasa ang mukha. May kalmot sa mga binti. Gulo gulo ang buhok at sira sira ang suot na damit.
Tumambay ako sa isang tindahan kung saan natatanaw ko ang dalaga. Hindi ko maiwasang maawa sa kanya.
Pinagtitinginan siya ng mga taong dumaraan at ni isa ay walang pumansin at lumapit sa dalaga.
Dahil sa gusto ko siyang lapitan ay nilapitan ko siya. "Miss?" Tawag ko. Hindi siya tumigil at umiling iling.
"L-lumayo k-ka s-saakin..." nauutal na sabi niya habang nakatakip ang mga kamay sa mukha nito.
"Ano bang nangyari saiyo?" Tanong ko na bakas ang pag aalala sa tono ng pagsasalita ko.
Tinanggal niya ang kamay niya mula sa pagkakatakip at humarap saakin. "Sabing layuan mo ako! Hindi ko kayo kailangan! Please lang... kailangan kong mapag isa!" Sigaw niya.
Nakikita ko ng malinaw ang mukha niya. May kalmot sa mukha at pasa. Magang maga at mapupula ang mga mata nito.
"T-tutulungan kita." Sabi ko.
Tinulak niya ako pero imbis na ako ang matumba ay siya ang natumba. Napaluhod siya sa damuhan at napasigaw na may halong poot at lungkot sa boses.
"P-pagod na pagod na a-ako! S-sa pagiging m-malupit ng a-asawa ko... lagi niya nalang akong s-sinasaktan..." Humina ang boses niya at sunod sunod na pumatak ang luha niya.
"P-pero mahal na mahal ko siya... a-ayaw ko siyang b-bitiwan kahit ang s-sakit sakit na..." Pumiyok siya.
"Miss..." Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. Gusto ko munang marinig ang lahat at malinawan ako. Gusto ko munang pag salitain siya at ilabas ang sama ng loob niya.
"L-lagi kong tinatanong s-sa sarili ko... b-bakit sa lahat ng t-taong mamahalin ko ng l-lubos, b-bakit siya pa?"
Umupo ako sa damuhan at niyakap siya. "Ilabas mo ang sama ng loob mo...."
"B-bakit parang ako nalang lagi ang mali?" Tanong niya. "Mali bang mahalin ko siya?"
"Hindi mali ang pagmamahal. Walang masama sa pag mamahal." Sabi ko.
"K-kailangan ko munang mag pahinga..." mahinang sabi niya. "S-salamat..."
Naramdaman kong bumagsak ang katawan niya saakin. Nilayo ko muna ang sarili ko at isinandal siya sa poste. Hinawakan ko ang kamay niya at pumikit.
May mainit na lumalabas sa mga palad ko. Nararamdaman kong umiilaw ang mga ito. Pero ramdam ko rin na mainit siya.
Sa sobrang init niya, malalaman mong mataas ang lagnat niya.
Lumakas ang ihip ng hangin atsaka ko muling idinilat ang mga mata ko.
Napangiti ako nang makitang unti unting naghilom ang mga sugat niya. Yung mga kalmot ay nawala maliban sa mga pasa na halatang bago pa.
Lalo kong nakita ang makinis at maputi niyang balat nang mawala ang sugat at mga kalmot niya.
Maganda siya at maamo ang mukha. Hindi ko alam kung bakit siya sinasaktan ng asawa niya sa bait at ganda niya.
Maswerte ang lalaking iyon dahil may babae paring nagmamahal sa kanya kahit ganoon man ang sitwasyon nila at hindi siya binibitiwan kahit sinasaktan niya. Maswerte siya dahil may babaeng nagtitiis sa pagmamalupit niya.
"Cheska!" Isang malakas na sigaw ang narinig ko. Napatayo ako at natanaw ko ang isang malaki at maputing lalaki. Tagatak ang pawis nito at lingon ng lingon sa paligid.
Napahinto ang tingin niya sa babaeng nakasandal sa poste.
Agad siyang lumapit at niyakap ito. "C-cheska... p-patawad sa lahat. P-patawad..." sabi niya at mabilis na binuhat ang babaeng iyon atsaka mabilis na pumara ng tricycle.
"Sa Hospital!" Rinig kong sigaw nito sa driver.
Ngayon, alam ko na. Alam ko na kung bakit.
Dahil may dahilan ang lalaking iyon kung bakit niya iyon ginawa.
END OF CHAPTER 6
Thanks for reading!
Vote and Comment!
Godbless us!
BINABASA MO ANG
The Healer
Science FictionSiya si Heaven Carlos. Isang normal na teenager na lumaki kasama ang kaniyang Uncle Edgar. Ngunit nagbago ang lahat nang siya ay tumungtong sa 13 na taong gulang. Isang kakayahan ang ibiniyaya sa kaniya na ginamit niya sa pagtulong sa iba. Ang saril...