Chapter 35

1.9K 73 6
                                    

Delia's POV

 
"Bye, Guys! Thanks for the drinks!" Sabi ko kila Bella. Napatango naman siya saakin at sabay na kumaway.

"Come back again, Lia!" Sigaw niya. Napangiti naman ako nang marinig ang nickname kong Lia. Well, ang sabi nila ay boring ang name ko at makaluma na. So, tinawag na nila akong Lia dahil mas bagay daw yun saakin... well, mas nagustuhan ko naman yun kaya pumayag ako.

Mag isa akong naglalakad sa gilid ng kalsada. Galing lang naman ako sa birthday party ni Bella. Well, nakakalungkot isipin na wala man lang nakakaalala sa birthday ko.

I'm 15 years old now. 15 years nang nabubuhay na maganda sa mundo. Nag sleep over pa ako sa bahay nila Bella dahil nakakainip naman sa bahay na kasama si Heaven at Tita Katrina.

Seriously? Nakatira ako kasama ang dalawang weird na dalawang babaeng iyon. Si Tita Katrina ay weirdo narin katulad ni Heaven. Tsk, nakakahawa ba ang pagiging weirdo?

Buong araw akong nagcelebrate ng birthday sa party ni Bella. Mabuti nalang at hindi nila alam na magka birthday din kami ni Bella dahil kung nalaman lang nila--- talsik ako sa grupo.

Nagtatampo ako kay Mommy dahil hindi man lang ako nakatanggap ng regalo o bati mula sa kanya. Kapag mismong araw ng birthday ko ay lagi akong nakakatanggap ng perang umaabot ng 10,000. Idagdag mo pa sila Lolo at Lola na icecelebrate ang birthday ko sa ibang bansa.

Nagtrip to Hongkong, Tokyo Japan, Italy, USA at South Korea ako nitong mga nagdaang birthday ko. Pero ano na ngayon? Nalipat lang ako sa bahay ni Tito Edgar at nalayo na ako sa swerte at yaman?

Hmp! Lilipat na talaga ako sa susunod na linggo kila Lola. Doon, mas masaya at mas masarap ang buhay ko doon.

Pumara ako ng Taxi at agad na sumakay doon. Sinabi ko na ang address at nagsimula nang umandar ang sasakyan. Napabuntong hininga ako habang inaalala ang masayang party ni Bella. 16th Birthday ngayon ni Bella. Ako ang pinaka bata sa grupo pero may kaedad ako na mas matanda pa saakin ng buwan and the rest 16,17,18 years old na.

Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ng hilo. Naka ilang tikim ako ng Drinks nila Bella. Hindi naman iyon Alak or wine. Juice lang siya na kulay red at masasabi ko talagang masarap iyon.

"Nandito na po tayo." Sabi ng Driver. Binigay ko na ang natitira kong pera at bumaba ng Taxi kahit na ang afford ko lang sa ngayon ay Jeep at Tricycle pero ang cheap naman kung ganoon at isabay mo pa ang damit at heels na suot ko.

Pagpasok ko palang ng bahay ay nagulat ako dahil hindi ko inaasahang may bisita pala kami. Nakaupo si Tita Katrina at Heaven sa kabilang sofa habang ang bisita namang babaeng kasing edad ni Tita Katrina ay formal na nakadekwatro ang upo sa kabilang sofa. Sa gilid nito ay may batang lalaking naka wheel chair.

Nagulat ako nang harangin ako ng dalawang guard. "Sino po kayo?" Tanong nung isa.

"Uh, excuse me? Nakatira ako dito kaya pwede ba padaanin niyo ko." Masungit na sabi ko.

Nakita kong napatingin ang isang nagsalita sa katabi niyang kapwa guard din.

"Papasukin siya, si Delia yan." Sabi ni Tita Katrina. Napagilid naman ang dalawa kaya inirapan ko sila at naglakad palapit kila Tita Katrina.

"Hindi ko akalaing may bisita pala tayo, Tita." Sabi ko kay Tita Katrina. Tinaasan niya lang ako ng kilay at napatingin sa babaeng nagsalita. Siya yung babaeng formal kung umupo.

"Delia Carlos?" Tanong nung babae. Kunot noo akong napatango tango.

"Yes." Sagot ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at inulit pa.

The Healer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon