Chapter 3

5.2K 172 0
                                    

                 [Short Update]

  
   
"Nagkakilala na ba tayo, Miss?"

"Ah? Excuse me?" Gulat na tanong ko. Ngayon ko lang siya nakita pero nagulat ako sa tanonf niya kung nagkakilala na daw ba kami.

Napatigil siya at tumawa. "Ah, wala. Kahawig mo kasi siya eh." Sabi niya at humarap sa batang si Annie. "Ano? Kain tayo?" Tanong niya.

"Opo, Kuya John! Kayo po, Ate?" Tanong ni Annie saakin.

"Hindi na. Salamat nalang, Annie." Sabi ko.

"Ano pong name niyo?"

"Heaven Carlos." Nakangiting sabi ko. Nagulat ako nang biglang lumapit sa harap ko iyong binatang si John.

"Heaven Carlos?!" Gulat na tanong niya. "Hindi ko alam kung bakit pero parang kilala talaga kita eh..."

"Sorry pero ngayon lang kita nakita." Sabi ko. Kunot noo siyang lumayo saakin.

"Sorry! Sorry! Hindi ko sinasadya." Sabi niya at humarap kay Annie. Hinawakan ni Annie ang kamay ng matangkad na lalaking si John. "Mauna na kami." Sabi niya at naglakad na sila palayo saakin.

"Heaven!" Gulat akong napatayo at mapalingon sa lalaking puti ang buhok at nakatingin saakin.

Si Uncle

___________

"Gusto mo ba talagang manatili dito sa Hospital?" Tanong ni Uncle. Humigop ako ng mainit na kape bago tumingin kay Uncle.

Hindi ako nakasagot. May parte saakin na 'OO' dahil nakakatulong ako sa iba pero may parte saakin na 'HINDI' na hindi ko alam kung bakit.

"Ehem, alam kong naguguluhan ka. Hindi ka makapagdesisyon." Sabi ni Uncle.

"Uncle kasi..." tumigil ako. "Gusto ko munang magpahinga sa bahay at mag aral." Sabi ko.

"Okay." Sabi ni Uncle. "Bukas ng umaga ay uuwi na tayo."

"Uncle?!" Takang tawag ko sa kanya. "Paano ang trabaho niyong maging isang doktor?"

Yes. Isang doktor na si Uncle, binata siya noong nabulag siya at ngayon may edad na siya pero patuloy parin siya at nakapagtapos.

"Bakit? Kailangan din naman ng pahinga ng mga doktor. Uuwi ako sa bahay pero magtratrabaho parin ako sa Hospital." Sabi ni Uncle.

__________

After 3 days...

"Let's go! Yeah! Let's lets go go!" Pakanta kanta ako sa sala habang nagwawalis. Ako lang ang mag isa sa bahay at ngayong araw na ito ay maglilinis ako ng buong bahay.

Wala si Uncle dahil nasa Hospital. Ginagawa kong microphone ang walis tambo habang kumakanta.

Tumalon talon ako at kunwari na nasa concert. Habang masaya akong kumakanta ay bigla akong nakaramdam ng sakit sa tagiliran ko. Napahiyaw ako sa sakit na naramdaman ko.

"Ahhh!"

Bumagsak ako at natumba sa sahig. Namimilipit ako sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ko to nararamdaman.

Napapikit ako sa sakit at tuwing nakakaramdam ng kakaibang napakasakit na kirot ay napapasigaw ako.

"T-tulong..." nanghihinang sambit ko. Pinilit kong bumangon at alalayan ang sarili ko pero napapatumba talaga ako sa sakit na nararamdaman ko.

Unti unting naglaho ang paligid at dumilim.

 

END OF CHAPTER 3

Dont forget to vote and comment!
Thanks for reading, Godbless us!

The Healer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon