Chapted 22

2.2K 78 0
                                    

Heaven's POV

 
"Class dismiss." Sabi ni Sir at nagmadaling umalis.

"Bakit nagmamadali si Sir?" Bulong ko sa sarili ko.

"Malay mo, malay ko, malay nila, malay nating lahat!" Napaikot ang mata ko nang may marinig akong sumagot.

Walang iba kundi si--- "Miko!" Saway ko nang ipatong niya ang paa niya sa upuan ko.

"Five minutes lang! Kulang pa ako ng tulog eh." Sabi niya. "Kasalanan ko ba kung kulang ka sa tulog? Kung inaantok ka?" Tanong ko. Nagkibit balikat lang siya kaya agad akong tumalikod at umalis.

Dumeretso akos a Cafeteria at bumili ng Orange Juice at dalawang Tuna sandwich. Nang makahanap na ako ng pwesto ay agad akong lumapit dun. Hindi pa ako nakakaupo nang may nakauna saakin.

Si Miko na naman! Nakaupo siya sa lamesa at nakangisi saakin. Pinanliitan ko siya ng mata. "Miko, parang awa mo na! Nagugutom na ako. Akala ko ba matutulog ka dun ha? Bakit ka nandito?" Tanong ko.

"Inaalala ko lang kasi na baka hindi mo maubos yan." Sabi niya at inagaw ang Tuna sandwich ko at kinagat agad yun.

Umalis nalang ako at umupo sa ibang table. Kainis! Buti nalang ay dalawang Tuna sandwich ang binili ko. Uminom agad ako ng Juice dahil nakaramdam agad ako ng uhaw.

Kain lang ako ng kain pero naramdaman kong parang may nakatingin saakin. Nilingon ko ang pwesto ko kanina kung saan nakaupo si Miko--- pero wala.

Pagharap ko ay laking gulat ko nang mukha agad ni Miko ang nakita ko. Nakaupo siya kaharap ko at ngiting ngiti saakin.

"Pwede ba? pakainin mo naman ako." Sabi ko.

"Kumakain ka naman ah? Kanina ka pa nga nguya ng nguya diyan eh."

'Sabi na nga ba eh'

Napatigil ako nang maramdamang nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa. Agad ko itong kinuha at binasa ang text.

1 Message Received:

From: 0926*******

It's me, Delia Gorg. Dumeretso ka kaagad pauwi sa bahay dahil may bisita tayo. Magpabango ka, yung mabango at amoy mayaman! Hindi yung amoy araw, eww lang!

Napatawa nalang ako nang mabasa ko yun. Yung tawang sarkastiko!

"Oh? Bakit ka naman tumatawa?" Tanong ni Miko.

"Wala." Sagot ko at ibinulsa ang cellphone. Puro lang daldal si Miko habang ako naman ay busy sa pagkain.

Natapos na kaming kumain kaya balik kami sa Klase. Ilang oras ang nakalipas at uwian na. Nung una ay sumasabay pa saakin si Miko pero agad din naman kaming naghiwalay dahil magkaiba ang daan sa bahay namin.

Nasa labas palang ako ng bahay namin pero nakakaamoy agad ako ng masarap na pagkain. May nakaparadang kulay pulang sasakyan sa Garage namin.

Nagkibit balikat ako at naglakad pero napahinto ako nang maalalang may bisita nga pala kami. Kinapa ko ang bulsa ng bag ko at kumuha ng pabango. Inispray ko ito sa katawan ko at inamoy amoy ang hangin.

'Hmmm... hindi naman amoy araw, okay na ito.'

Pagkapasok ko ay malalakas na boses ang naririnig ko. Parang nagkakatuwaan ito at nagkwekwentuhan.

Sumilip ako sa sala at may nakita akong matangkad at maputing babae, naka make up ito at maputi. Sexy siya sa suot na black fitted dress.

"I missed you cousin!" Sabi niya kay Uncle at niyakap ito.

"Namiss rin kita, Katrina." Sabi ni Uncle at niyakap pabalik ang babaeng nangangalang Katrina.

'Katrina? Hindi ba ay siya yung babaeng tinutukoy na pinsan nila Tita Jona?'

"Ang sarap ng carbonara mo, Jona! Mas masarap pa sa mga resto diyan." Sabi ng babae kay Tita Jona.

"Ofcourse! Ako nagluto eh." Sabi ni Tita at sabay silang dalawa na tumawa ng malakas.

"Hey, cutie girl?" Gulat akong napatingin sa babaeng iyon nang tinawag niya ako.

"P-po?" Takang tanong ko. Lumapit ako at nagmano kay Uncle at Tita--- pati narin ang babaeng iyon.

"Who is she?" Tanong niya.

"Heaven Carlos, pamangkin ko." Sabi ni Uncle. "Heaven, siya si Katrina ang pinsan namin."

"Nice to meet you!" Sabi ng babae at nakipagkamay saakin. "You're beautiful!" Puri niya saakin.

"Salamat po." Ngiting ngiti na sabi ko at umupo katabi si Uncle. Tuloy lang sila sa usapan habang ako naman ay kumakain dahil gutom na gutom ako.

Sa huli ay ako ang naghugas ng pinggan habang busy sila Tita at Uncle para magluto sa Hapunan.

Habang naghuhugas ako ng pinggan ay biglang lumabo ang paningin ko. Biglang nagiging dalawa ang isang bagay at malabo ito.

Pilit kong ipinapatong ang pinggan na hawak ko pero nang maramdaman kong sumakit ang mata ko ay nabitawan ko ito at nabasag.

"Ano bang nangyayari dito?" Isang boses ng babae ang narinig ko--- babaeng nangangalang Katrina.
 

END OF CHAPTER 22
Thanks for reading!
Vote and Comment!
Godbless us!

The Healer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon