Chapter 38

1.9K 64 0
                                    

Heaven's POV

  
Nakasuot na ako ngayon ng isang uniporme. Sa isang Public School na lang ako mag-aaral sa ngayon dahil iyon lang ang pinakamalapit dito.

Sumakay ako sa front seat ni Tita Jona at mabilis niya itong pinaandar. Nakatingin lang ako sa harap at kinakabisado ang daan. Hindi ko akalain na puro lupa lang ang daan dito at puro damo. Mga ilang liko pa bago kami makarating sa may kalsada.

Mabilis na pinaandar ni Tita Jona ang kotse hanggang sa makarating kami sa isang malaking eskwelahan.

"Hindi kita masusundo tuwing araw ng pasukan. Heto ang 100 pesos." Sabi ni Tita sabay abot saakin ng pera. "Kasama na diyan ang baon at ang pamasahe mo. Isang Jeep lang naman ang sasakyan mo at hihinto ka lang sa may Volaue. Siguro naman ay alam mo na ang daan pauwi saatin? May mga palatandaan naman doon na dinaraanan ng kotse ko." Mabilis at mahabang sabi ni Tita.

"Opo." Sagot ko at bumaba na sa sasakyan. Kakawayan ko na sana si Tita Jona pero mabilis niyang pinaharutot ang kotse niya palayo.

Napansin ko tuloy ang mga estudyante sa loob at labas ng gate na nakatingin saakin. Nagbubulungan pa ang iba kaya hindi ko maiwasang mahiya.

Pumasok nalang ako sa gate at agad kong nakita ang Principal's Office. Agad akong pumasok doon at kinausap ang Principal.

***

"Quiet!" Sigaw ni Ma'am Santos nang makapasok siya. Tumigil naman ang iba pero karamihan ay nagsisiingayan parin.

"Class, may bago kayong kaklase." Paninimula ni Ma'am Santos. Tumigil na nga ang lahat at nakaabang ang tingin sa pintuan. "Okay, Carlos. Pumasok kana." Sabi ni Ma'am.

Pumasok ako at ngumiti.

"Hi, I'm Heaven Carlos." Nakangiti kong sabi.

"Ilang taon kana? Saan ka nakatira? Saang eskwelahan ka galing?" Sunod sunod na tanong ni Ma'am Santos.

"I'm 17 years old, nakatira ako sa Volaue, galing ako sa Saint Luna Academy sa Laguna." Nakangiti kong sabi. Halata namang nagulat ang lahat.

"W-woah? Galing ka sa Private school sa Laguna?"

"Yes Ma'am." Sagot ko. "Nice to meet you all." Dagdag ko.

"Okay, Class! Siya si Heaven, okay?" Sabi ni Ma'am Santos. "Maupo kana, Heaven."

Umupo ako sa malapit sa bintana at umayos ng upo. Kinalabit namn ako ng katabi kong babae na nakabraid pa ang buhok.

"Anna." Sabi niya sabay lahad ng kamay niya. Nakipag shake hands ako sa kanya at ngumiti.

"Kung hindi ako nagkakamali ay mayaman kayo?"

"Ah, hindi naman..." sagot ko.

"Nako, nahiya ka pa! Alam na namin yan ano." Sabi niya at tumawa.

Nakipagkwentuhan lang ako kay Anna at agad na tumigil dahil nagsisimula na ang klase.

***

"Heaven, sumama kana saamin!" Sabi ni Anna at hinila ako patayo.

"Ha? Saan?"

"Sa Canteen, ano ka ba! Recess na kaya." Sabi niya at tumawa. Nasa likuran naman niya ang dalawang babaeng nakabraid din.

Wala na akong nagawa at sumama sa kanila sa Canteen. Napaka mura ng tinda dito kumapara sa dati kong school. Mas masaya dito.

Humanap naman kami ng table  pero agad na umalis ang dalawa dahil may gagawin pa. Wala naman kaming nagawa ni Anna.

"Sila si Elah at Kira. Matagal ko nang kilala yung dalawang yun, sa totoo lang ay magkapatid yun--- sa Ina." Paliwanag ni Anna.

"Ah, half sisters?" Tanong ko. Tumango naman siya. "Saan sila nakatira?" Tanong ko pa.

"Ah sa Lilia Street." Sabi niya. "Balita ko sa Volaue ka nakatira? Ang creepy kaya dun."

"Ah, oo." Sagot ko at tumawa.

"Bali-balita na tago ang lugar na yun at namatay na ang mga taong nakatira noon sa lugar na yun. Pero ngayon, okay na siya at may ilan nang nakatira."

Nacurious tuloy ako kung anong meron dati.

"Saan ka nakatira, Anna?" Tanong ko para maiba naman.

"Sa Yellow Street." Nakangiti niyang sabi.

"Lenora, Yellow Street 1976, 81."

Bigla kong naalala ang Yellow Street na sinabi ni Tita Jona. Kailangan kong malaman kung saan nakatira si Lenora at kung sino ba talaga siya.

"Yellow Street?!" Hindi ko maiwasang magulat. Nagulat din siya at hinampas ako ng bahagya.

"Ginulat mo ko!" Sabi niya. "Oo nga, saka bakit gulat na gulat ka diyan?" Takang tanong niya.

"M-may kilala ka bang L-Lenora?" Tanong ko. Napatulala naman siya bigla saakin. Kinabahan tuloy ako bigla.

"L-lenora?"

Sana ay kilala ni Anna! Matutulungan niya ako.

"May kilala ka?" Tanong ko.

"H-heaven kasi..." Huminto siya. Kinakabahan ako! "H-heaven..."

...

"H-heaven, wala eh." Sabi niya tumawa bigla ng malakas. Napabuntong hininga ako at kumain nalang ng French Fries. Akala ko pa naman ay kilala na niya. Hays, sayang.

"Oy, sorry." Sabi niya at tumigil na sa pagtawa.

"Hindi, okay lang." Sabi ko at ngumiti ng pilit.

"May naisip ako!" Nakangiti niyang sabi. Kumunot ang noo ko.

"Ano?"

"Tutulungan kitang mahanap kung sinong Lenora na 'yan. Sasamahan kita sa Yellow Street. Don't worry! Kabisado ko ang buong lugar na 'yun."

Napangiti ako bigla.

"Game?" Tanong niya.

Napaisip naman ako bigla. Ngayon ko lang siya nakilala pero ang gaan na ng loob ko sa kanya. Gusto kong pumayag para makilala ko na si Lenora dahil feeling ko...

Konektado siya sa nangyayari saakin.

 
  
"Game."

  
  
 
END OF CHAPTER 38

Don't forget to vote and comment :))

The Healer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon