Heaven's POV
Naramdaman kong may galaw ng galaw sa gilid ko dahilan para magising ako at maimulat ko ang mga mata ko.
Pagkamulat ko ay nakita ko si Delia na tila ba hindi mapakali sa kinatatayuan niya. Nilibot ko ang tingin ko, nakahiga ako sa sarili kong kama at nandito ako sa kwarto ko.
Pero sa pagkakaalam ko ay nasa Mansion ako?
"H-heaven? Heaven!" Nagulat ako nang hawakan ni Delia ang kamay ko ng mahigpit. Napaupo ako pero bigla akong nakaramdam ng kirot sa ulo.
"Teka... d-diba nasa---" Napahinto ako nang bigla siyang mangiyak ngiyak sa harap ko.
"May kung ano akong naramdaman nung nasa kwarto tayo ni Moc! Parang may sumabog kasabay nun ay ang pagkawala mo ng malay! Pati narin si Moc! H-heaven... ano bang nangyari? Gulong gulo na ako!" Hindi siya mapakali sa kinatatayuan niya. Paikot ikot siya at tila ba gulong gulo.
"H-huminahon ka." Sabi ko at kumalas sa pagkakahawak niya. Hinawakan ko ang ulo ko. "P-paano ako nakarating dito? A-anong nangyari kay Señorito Moc?" Tanong ko sa kanya.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at tumigil sa pagikot nang marinig niya ang tanong ko.
"A-ano..."
"Delia! M-may nangyari bang mali? May problema ba?"
Napaiwas siya ng tingin. Iniiwasan niya ang mga tingin ko kaya hinawakan ko ang kamay niya dahilan para tumulo ang isang luha niya.
"H-heaven..." Napatingin siya saakin. "T-tumakas ako sa Mansion... H-hindi ko alam ang gagawin ko. Nagdahilan ako na nahilo ka kaya nakauwi tayo..." Paliwanag niya. Ngayon hindi na siya makatingin saakin. Gulat na gulat ako sa narinig ko. Ngayon, isa nalang ang alam ko...
'May problema na naman'
"Ano?!" Hindi ko mapigilang mapasigaw. Napahawak ako sa ulo ko at napayuko.
"H-hindi ko na alam ang gagawin ko ng mga oras na'yun! Hindi ko alam! Gulong gulo na ako!" Sigaw niya at napaupo sa sahig. "N-napagaling mo ba siya? Ano?" Tanong niya.
Hindi ako agad nakasagot. "H-hindi ko alam..." sagot ko habang nakatulala sa kawalan. Napabuntong hininga siya ng malakas.
"S-siguro... n-nagawa mo." Sabi niya. "O-oo! N-nagawa mo... tama!" Sigaw niya at napatayo.
Maging ako ay gulong gulo. Kinakabahan ako sa dahilang hindi ko alam... posibleng hindi ko napagaling si Moc.
"S-sila Tita Jona?" Tanong ko.
"W-wala... pagkadating natin dito, wala silang lahat." Sabi niya at napatingin sa bintana. "Isipin nalang natin na umokay na si Moc para hindi na tayo mamroblema." Sabi ni Delia.
"P-posibleng hindi ko siya napa---"
"Ano ba, Heaven! Huwag ka ngang Nega! Nakakainis! Huwag mo nang guluhin pa ang isip natin! Pwede ba?!" Sigaw niya at napatingin saakin.
"Hindi sa lahat ay pwede nating hayaan, Delia! Alam mo bang dahil sa ginawa mo ay malaking atraso na iyon kila Moc? Delia, hindi natin to dapat hayaan at isipin nalang na okay siya kahit wala namang kasiguraduhan! Walang ebidensya, at isa pa hindi natin alam kung ano nang nangyari matapos natin silang takasan!" Hindi ko maiwasang mapasigaw sa inis at pag aalala. Tila ba natigilan si Delia at napatulala sa kawalan. Nagsimula nang magsitulo ang mga luha niya.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Niyakap ko siya kahit naka steady lang siya at nakatulala sa kawalan at umiiyak. Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Nag-aalala lang ako. Hindi natin hawak ang oras at pwedeng balikan ang mga nangyari... at lalong hindi natin alam ang nangyayari ngayon. Sana kahit ngayon ay intindihin mo muna ito at huwag mo masyadong taasan ang pride mo dahil hindi tayo magkakasundo at magkakaunawaan kung pride ang laging inuuna mo." Bulong ko. "Sana unawain mo ang mga sinabi ko dahil damay damay tayo dito." Dagdag ko at umayos na ng tayo. Pinunasan niya ang luha niya habang nakatingala. Matapos nun ay tumaas ang isang kilay niya at nakatingin sa gilid.
BINABASA MO ANG
The Healer
Science FictionSiya si Heaven Carlos. Isang normal na teenager na lumaki kasama ang kaniyang Uncle Edgar. Ngunit nagbago ang lahat nang siya ay tumungtong sa 13 na taong gulang. Isang kakayahan ang ibiniyaya sa kaniya na ginamit niya sa pagtulong sa iba. Ang saril...