Chapter 32

2K 78 1
                                    

Heaven's POV

Lumipas ang ilang oras at lutang ako sa klase. Nakikinig ako pero hindi pumapasok sa isip ko. Matapos ko kasing malaman na ipapadala pala si Miko sa Canada ay natigilan ako at naging lutang.

Minsan narin akong tinatapik ng katabi ko kapag tinatawag ako ng ibang guro nang hindi ko alam.

"Ayos ka lang ba talaga?"

"Oo nga." Sagot ko kay Maria na kasabay kong maglakad. "Hindi lang ako makapaniwala." Sabi ko. Inakbayan ako ni Maria habang papunta kami sa mga paradahan ng mga Jeep.

"Alam mo... may mga bagay kasing hindi natin inaasahan. Malay mo, gumaling agad si Miko at makabalik dito." Sabi ni Maria.

"Hmmm... hindi nga imposible yun." Sabi ko at ngumiti. Sumakay kami sa loob ng Jeep kung saan nakikipagsiksikan kami ng ibang pasahero dito sa loob.

Umandar at nakaalis na ang Jeep. Si Maria ang nagsabi kung saan kami bababa. Inabot ko naman ang bayad namin sa Driver. Hindi ko alam na nasa kanto lang pala ng street namin nakatira si Maria.

"Para po!" Sabi ni Maria at huminto na ang Jeep. Sabay kaming bumaba at agad kong nakita ang isang bahay na may dalawang palapag. White and Blue ang kulay nig bahay nila at maraming bulaklak ang nakapaligid dito.

"Kung napapansin mo ay puro bulaklak ang nakapaligid." Sabi niya at ngumiti. "Mahilig kasi magtanim ang aking Lola kung kaya't nung pumanaw siya ay si Mommy na ang nag alaga sa mga pananim niyang ilang taon na ang nakalipas." Nakangiting sabi niya. Ngumiti rin ako at namangha nang may makita akong mga Pink rose. "Ang cute nung Rose no? Si Tita naman ang nag alaga niyan. Talagang nahirapan siyang ipalaki ang bulaklak na yan kahit na nasa malalamig na lugar lang sila tumutubo at lumalaki." Sabi niya nang mapansing nakatingin ako sa rosas na iyon.

Humarap siya saakin. "Ikaw? Nasaan naman ang Mommy mo? Sigurado akong kasing ganda at bait mo siya." Sabi niya at ngumiti. Napaiwas naman ako ng tingin.

"Bakit? Masama ba ang pakiramdam---" Napahinto siya nang magsalita ako.

"H-hindi ko alam." Sabi ko at napabuntong hininga. "Ah! Ang ibig sabihin ko ay sumakabilang buhay narin siya tulad ng Lola mo." Sabi ko at pilit na magmukhang masaya kahit na gusto kong umiyak. Umaasa parin kasi akong nasa paligid ko lang ang Nanay ko at hindi ito pumanaw, umaasa parin kasi ako na makikilala ko siya.

"Ah ganoon ba... pasensya na, Heaven! Hindi ko alam. Pasensya na..." paghingi niya ng tawad. Ngumiti ako ng pilit sa kanya. "Hindi, ayos lang yun." Sabi ko at humakbang paatras sa kaniya.

"Teka! Ipapahatid kita sa inyo. Mang Nestor!"

"Ah hindi na. Nagmamadali kasi ako eh, sasakay nalang ako ng Tricycle. Bye!" Sabi ko at tumakbo na palayo sa kaniya. Napatulo naman ang luha ko pero agad ko iyong pinunasan gamit ang palad ko saka pumara ng tricycle.

Huminto ang tricycle na sinakyan ko sa tapat ng bahay namin. Binayaran ko na si Kuyang Driver at naglakad palapit sa Gate.

Nagulat pa ako nang makitang nakabukas ng bahagya yung Gate namin. Pumasok nalang ako at nilock ang gate.

Pagkapasok ko palang sa Main Door ng bahay ay ang tahimik sa loob. Walang nagtatawanan sa kusina at patay ang TV sa Sala.

Napatingin pa ako sa hagdanan nang makita kong pababa si Tita Katrina habang nakatingin saakin. Mas lalo akong nagulat nang magkamali siya ng apak at dere-deretsong nahulog sa hagdan.

"Tita!" Sigaw ko nang bumagsak siya sa sahig at hawak ang binti.

"Aww!" Sigaw niya habang namimilipit sa sakit. Mabilis ko siyang nilapitan at lumuhod sa harap niya. Hinawakan ko ang binti niya pero napalayo siya dahil masakit nga talaga ang pagkakabagsak niya.

Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya kahit ano mang mangyari ay hindi ako nagdalawang isip na hawakan ang binti niya. Naramdaman kong may lumabas na mainit sa palad ko. Naramdaman kong uminit ang palad ko kaya napangiwi ako kasabay nun ay ang pagputol ng paglabas na mainit sa mga palad ko.

Napatingin ako kay Tita Katrina na hindi makapaniwalang tumingin saakin. Mabuti nalang at nasa gitna na siya ng hagdan nang mahulog siya. Hindi naman gaanong mahaba at mataas ang hagdan ni Uncle na gawa sa matibay na kahoy.

"A-ang mga kamay mo..." sabi ni Tita kung kaya't napatingin ako sa mga kamay ko. Binuka ko ang mga palad ko at nagulat ako nang makita ko sa gitna ng mga palad ko na kita ang kakaunting ugat sa gitna na kulay dilaw na para bang umiilaw ito sa kintab.

Gulat man pero agad kong tinago ang mga kamay ko sa likuran ko. Napaiwas ako ng tingin dahil nakita kong napangiti si Tita Katrina na tila ba... may magandang naisip.

Sinubukan niyang tumayo kaya inalalayan ko siya. Hindi na ako nagtaka nang makatayo siya ay napa-aray siya nang may maramdamang sakit.

Inalalayan ko siyang umupo sa Sofa. "Si... Tita Jona po?" Tanong ko sa kanya.

"Ah oo nga pala." Sabi niya at tumingin saakin. "Umalis si Jona at pumunta sa Laguna. May bahay siya doon sa Laguna at may negosyo. Inayos niya ang nalugi niyang negosyo dun. Hindi ba siya nag paalam sa'yo?" Tanong niya. Umiling ako bilang sagot.

"Si Delia po?" Tanong ko.

"Naiwan siya dito at hindi siya pwedeng sumama ngayon sa Mommy niya." Sabi niya na ikinahinga ko ng maluwag. Akala ko ay pati siya ay iiwan ako.

Nagpaalam ako na aakyat ako sa kwarto ko dahil nakakailang yung mga tingin saakin ni Tita Katrina.

Pagka-akyat ko ay napadaan ako sa kwarto ni Uncle. Nagulat ako nang makita siyang naglalagay ng mga damit sa maleta niya.

"Uncle!" Tawag ko. Napalingon siya saakin at sinenyasan akong lumapit. Pagkalapit ko ay niyakap ko siya.

"Uncle... saan po kayo pupunta? Hindi pa po kayo nakakapagpahinga. Kaunti nalang ang oras na nakasama ko kayo." Malungkot na sabi ko.

"Shhh..." tinapik tapik niya ang likod ko at lumayo saakin para tignan ako at ngumiti. Bakas sa mukha niya ang pagkatanda dahil narin sa stress sa trabaho, puyat at pagod. "Bukas ng umaga ay aalis ako. Pupunta ako sa Cavite dahil kinakailangan ng doktor doon dahil madami ang mga pasyente. Madami kasing mga estudyanteng nalason kung kaya't kinakailangan kong pumunta upang tumulong." Sabi niya.

"Pati din po kayo aalis?" Malungkot na sabi ko. Tumango tango siya. "Nabalitaan mo nang umuwi si Tita Jona mo sa Laguna. Nalugi kasi at napabayaan ang negosyo niya doon." Sabi niya. "Huwag kang mag alala... mga ilang linggo lang ako doon at uuwi ako kaagad." Sabi ni Uncle at tinapik ako sa braso.

"Sige po... mag-ingat po kayo dun, Uncle." Sabi ko. Nag-usap kami ng ilang minuto ni Uncle at umalis na din agad ako dahil naiinitan ako sa uniform na suot ko.

Pagpasok ko nang kwarto ay nakita ko si Delia na nakahiga sa sariling kama at may kausap sa Cellphone. Nung sumilip ako ay ka-Video Call niya si Tita Jona.

"Okay, okay! Naiintindihan ko yun, Mommy." Sabi niya.

"Mabuti naman at nakikinig ka." -Tita Jona.

"Nakikinig naman ako always ah? Hayy." Sabi niya at napasimangot. Napatingin siya saakin at tinaasan ako ng kilay at pinagpatuloy ang pag uusap kay Tita.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba ako para kumuha ng Miryenda sa kusina. Pero nagulat ako nang madaanan ko ang sala ay naabutan kong may kausap si Tita Katrina sa cellphone na hawak niya habang nakaupo sa sofa at sa kabilang kamay naman ay may hawak na ballpen at may sinusulat sa papel.

"Name?"

"Contact number?"

"Address?"

"Age?"

"Payment mo?"

Sunod sunod ang tanong niya sa kausap niya sa kabilang linya. Mukhang may bagong negosyo si Tita Katrina ah?

Pero...

Pero bakit parang kinakabahan ako?


END OF CHAPTER 32
Thanks for reading!
Vote and Comment!
Godbless us!

The Healer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon