Chapter 44

2.3K 78 4
                                    

THIRD PERSON'S POV



HABANG NAKAUPO si Edgar sa may upuan at nakatingin sa may labas ng bintana ay napapaisip siya habang hawak hawaka ng litratong ibinigay sa kanya ni Faith. Labis ang pagtataka sa mg nangyayari ngunit kailangan niyang hanapin ang apat na iyon.

Pero sino sino nga ba sila?

Ngayon ay nakasakay si Edgar sa Bus pauwi sa lugar nila. Napag-alaman niyang taga doon din ang ilan sa apat.

Iyon ay si Alfaro.

Napatingin siya sa lumang litrato. Napabuntong hininga siya at napaisip pero bigla na lamang natigil ang pagmumuni muni niya nang huminto ang sinasakyang Bus.

"Nasiraan po tayo!" Sigaw ng konduktor. "Malapit na din po tayo sa Terminal ng bus dito. Matagal pa hong aayusin itong Bus." Dagdag nito. Napareklamo ang ibang pasahero at nag-unahan sa pagbaba. Isa narin si Edgar sa mga taong nakikipagsiksikan palabas ng Bus. Nang makalabas na siya ay napalinga linga siya sa paligid niya nagbabakasakaling makikita niya si Alfaro kaso nga lang sa dami ng mga pasahero ay hindi niya matingnan ng maayos ang mga mukha nito.

Nagsimula na siyang maglakad palayo hanggang sa lumakas ang ihip ng hangin at natangay ang hawak na lumang litrato. Sa pagkabigla ay mabilis niya itong hinabol upang kuhanin pero napunta iyon sa mga nagsisiramihang mga pasahero. Nang matanaw niya ang litrato ay dinampot niya iyon. Nang makatayo siya ay isang lalaki ang nakabunggo sa kanya.

"Kapag sinabi kong ngayon, ngayon na mismo--- ay! Sorry, sir!" Sambit ng lalaking nakabunggo sa kanya. Nang iangat niya ng tingin ang lalaki ay napatulala siya. Tiningnan niya ang litratong hawak at ang lalaking nasa harapan niya.

"What's wrong, sir?" Tanong ng lalaki sa kanya. Sinalitan niya ng tingin ang litrato at ang lalaking kaharap. Namilog ang mata niya sa nakita.

"Maaari ko ho bang malaman ang pangalan ninyo?" Tanong ni Edgar na ikinunot ng noo ng lalaki.

"For what, sir? Huh?"

"A-ah... wag nalang pala." Nakangiting sabi ni Edgar at akmang tatalikod na nang magsalita ang lalaki.

"My name is Donald." Biglang sambit ng lalaki. Napalingon sa kanya si Edgar na may pagkadismayang mukha. Akala niya pa naman ay mahahanap niya na ang lalaking isa sa nasa litrato.

"Oh..." napatango tango si Edgar.

"Donald..." Ngumiti ang lalaki pero bakas ang pagiging masungit sa mukha nito. "Donald Alfaro."


A-alfaro?



HEAVEN'S POV


RAMDAM NA RAMDAM ko ang pahinghihina ng katawan ko. Pakiramdam ko ay unti unti akong inuubusan ng lakas.

Nakatitig lang ako sa puting kisame, kaso naalala ko nga palang wala nga pala akong makita. Bulag na nga pala ako. Nakatingala lang ako habang abala sa pag-asikaso ang nurse saakin. May matindi akong sakit. At ayokong alamin iyon... alam ko rin naman kung saan ako hahantong kaya para saan pa ba kung malalaman ko ang sakit ko kung doon din naman ako hahantong sa dulo?

Life is unfair...

"Ma'am Carlos, huminga po tayo ng malalim..." sabi ni Rose na siyang nurse ko. Huminga naman ako ng malalim tulad nang sinabi niya. "May nararamdaman pa po ba kayong sakit? O kakaiba?" Tanong niya. Umiling lang ako at hindi na nag-abala pang ibuka ang bibig ko.

Pero may naalala ako. "N-nurse Rose, may sinabi po ba sayo si T-tita Jona?" Tanong ko sa kanya. Naramdaman kong napahinto sa ginagawa si Nurse Rose at napatingin saakin.

The Healer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon