Chapter 5

4.6K 155 0
                                    


Heaven's POV

 

"How are you, Heaven?"

"Okay lang po ako." Nakangiting sagot ko. "Pumayat po kayo? Mas lalo po kayong sumexy sa suot niyo."

Tumawa siya ng mahinhin at tinapik ako sa balikat. "Thank you! Ikaw, tumangkad ka lalo at mas lalong gumanda! Manang mana ka sa Mommy mo..."

Napayuko ako sa narinig ko. Mommy... hindi ko pa siya nakikita sa personal o kahit isang picture man lang.

Sumakabilang buhay na daw nun si Mommy simula nung ipinanganak niya.

"Don't worry, Heaven... malulungkot din ang Mommy mo kapag nakita ka niyang malungkot na ganyan."

"Salamat po." Sabi ko. "Welcome back, Tita Jona!" Sigaw ko at niyakap siya ng mahigpit. Siya kasi ang itinuring kong Mommy noong bata palang ako until now... pero ang totoo ko paring Ina ang hinahanap hanap ko.

"Oh dear..." Niyakap niya ako pabalik. Kumalas ako sa pagkakayakap at ngumiti kay Tita.

"Mag shopping kaya tayo, Heaven?"

"Po?"

"Mag shopping tayo ngayon! Alam kong minsan ka nalang makalabas dito sa bahay... o hindi kaya ay pumapalagi ka sa Hospital."

"Sige po!" Sabik na sabi ko at nagmadaling dumeretso sa kwarto ko.

_______________

"Try mo 'to, Heaven." Ngiting ngiti na sabi ni Tita Jona at iniabot saakin ang isang asul na dress na hanggang tuhod ko lang siguro. Sleeveless siya pero mukhang fit sa katawan ko.

Nagpaalam ako kay Tita at dumeretso sa fitting room. Habang nag papalit ako ay napatigil ako nang makita ko ang malaking pasa na nasa tagiliran ko. Hinawakan ko ito at pero wala akong maramdaman na sakit.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagsusukat. Lumabas ako sa fitting room dahil nakaabang sa labas si Tita. Nang makita niya ako ay ngiting ngiti siyang pinaikot ako.

"Beautiful!" Sabi ni Tita at nakangiti akong pinagmasdan. "We'll buy that. Maghanap tayo ng partner sa dress na'yan."

Nakangiti akong tumango at bumalik sa fitting room. Nang makalabas na ako ay naglibot kami ni Tita.

Patuloy kami sa paglalakad nang maramdaman ko na namang kumirot ang tagiliran ko.

"Heaven! Are you okay?" Tanong ni Tita nang mapansing nakatigil ako at nakangiwi sa sakit.

"O-opo..."

"Are you sure?" Tanong niya. Tumango na lamang ako at ngumiti ng pilit. "Uupo po muna ako dito." Sabi ko sabay upo sa maliit na upuan na malapit saakin.

"Okay... babalik ako agad." Sabi niya atsaka naglakad na paalis.

Napahawak ako sa tagiliran ko nang maramdaman ko agad na kumirot ito.

"This is not good." Bulong ko.

END OF CHAPTER 5
Thanks for reading!
Vote and Comment!
Godbless us!

The Healer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon