Chapter 18

2.4K 95 0
                                    

Heaven's POV

 
"Psstt! Heaven, huy." May tumatawag saakin sa likuran ko. Kanina pa ito nangangalabit. Inis naman akong napalingon sa likod ko.

"Ano ba, Miko?" Inis kong tanong.

"Naiintindihan mo ba ang discussion ni Sir?" Nagulat ako sa tinanong niya.

"Oo naman. Bakit mo ba tinatanong yan?" Tanong ko.

"Eh kasi naman kanina niya pako minemention."

"Eh kasi naman hindi ka nakikinig. Makinig ka nalang nang may matutunan ka." Sabi ko at humarap muli sa harapan. Napatingin ako kay Sir Alfaro. Oo mukha siyang masungit pero masungit naman talaga siya. Mabait lang siya sa mabait.

Patuloy lang ako sa pakikinig kay Sir pero laking pagtataka ko nang lumalabo bigla ang paningin ko. Pumikit ako sandali at dumilat pero ganun parin, lumalabo parin ang paligid.

Kinusot ko ang mata ko at napadilat. Pero wala paring pinagbago. Malabo parin ang paningin ko.

"Ms. Carlos!" Tawag ni Sir Alfaro saakin pero pagtingin ko sa kanya ay hindi ko maaninang ang mukha niya. Malabo.

"S-sir..." tanging sambit ko at kinusot ang mata ko. Tumayo ako pero bigla akong nahilo dahilan para matumba ako at mapaupo sa upuan.

"Heaven! Heaven! Bakit?" Naramdaman kong may lumapit saakin.

Si Miko...

"Heaven! Ayos ka lang? Anong nararamdaman mo?" Sunod sunod anh tanong ni Miko.

Naramdaman kong lumapit saakin si Sir. "Ms. Carlos, are you okay?" Tanong niya.

"Prof, mukha po bang okay si Heaven?" Sarkastikong tanong ni Miko dahilan para sermonan siya ni Sir.

Parang mas bumigat ang pakiramdam ko. Malabo ang paningin ko at nahihilo ako.

At doon na ako unti unting nawalan ng malay.

Napadilat ako at malabo parin ang paningin ko ngunit unti unti itong luminaw hanggang sa mukha ni Miko ang nakita ko.

"Heaven! Okay kana ba?"

"T-teka... nasaan ako?"

"Nasa clinic ka. Ano bang nangyari sayo kanina?"

"Hindi ko alam..." sagot ko. Nilibot ko ang paningin ko at nasa Clinic nga ako. Ito ang unang beses kong makarating dito.

"Tinawagan namin ang Tita mo at parating na siya." Sabi ni Miko. Tumango nalang ako. "Okay ka naman daw sabi ng Nurse. Siguro dahil sa pagod o pagkagutom ay ganoon nalang ang naramdaman mo kanina."

"Kumain naman ako..."

"Pagod? Stress?"

Doon na ako napatango. Hanggang ngayon, inaalala ko parin ang nangyari noong isang araw. Nang dalawin ko si Annie. Wala na akong balita sa kanya at lagi ko ring hinihintay ang pagsulpot ni John saamin para magbalita.

Siguro stress nga 'to

"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya na ikinalingon ko.

"Teka nga, bakit ikaw ang nandito?" Tanong ko.

"Bakit? May ineexpect ka bang iba? Sinong gusto mo? Si Sir Alfaro na magbantay sayo o ako?"

"Si Sir Alfaro." Pabiro kong sagot na ikinasimangot niya. "Salamat, Miko."

"Your welcome! Isang daan ko ah?" Binatukan ko siya na ikinatawa niya. "Aray! Masakit yun--- joke lang hehehe."

Nagpatuloy kami sa pagkwekwentuhan. Hindi siya pumasok sa iba naming klase dahil babantayan niya pa daw ako, hindi ako pumayag pero sadyang makulit.

"Where's Heaven?"

Napalingon kami nang bumukas ang pinto. Si Tita.

Napatingin siya saamin at nagmamadaling lumapit saakin. "Anong nangyari sayo?' Tanong niya. Hindi ko alam pero para siyang nag aalala na naiinis?

"Ah, Tita--- nahimatay po siya sa klase namin kanina." Sagot ni Miko.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko." Masungit na sabi ni Tita na ikinagulat ni Miko. "Salamat parin sa sagot mo." Dugtong ni Tita at napatingin saakin.

"Iwan mo muna kami. Pumasok kana sa klase mo." Sabi ni Tita kay Miko habang nakatingin saakin.

Walang nagawa si Miko at sumenyas saakin na ayaw niya pero lumabas parin siya. Napatingin ako kay Tita na bakas ang pagtataka sa mukha.

"Ano na naman bang nangyari sayong bata ka?!"

Hindi ako nakasagot.

"Ilang beses ka nang nagkakaganyan. Iisipin ko talagang umaacting ka." Inis na sabi niya at umupo sa upuan na inupuan ni Miko kanina.

"Hindi ko naman po alam kung bakit..."

"Tumigil ka. Uuwi na tayo ngayon." Sabi niya.

Wala na akong nagawa pa kundi ang tumahimik at umuwi kasama si Tita. Tahimik kami sa loob ng kotse habang bumabyahe. Tanging radyo lang ang nagpapaingay sa loob.

Nakauwi na kami ni Tita at naabutan namin si Delia na busy sa cellphone niya sa sala.

"Delia, wala kabang pasok?" Tanong ko.

Tumigil siya at tumingin saakin. "Wala ka nang pakialam dun. Umabsent ako dahil gusto ko." Sabi niya at inirapan ako.

Napatingin ako kay Tita na nakatingin sa relo niya. "Aalis kami ni Delia at pupunta kila Mama. Dumito ka muna." Sabi niya saakin.

Nagulat ako. Pupunta sila sa bahay ng magulang ni Papa. Nang lolo't lola ko. Hindi ko maiwasang malungkot.

"Huwag ka nang magdrama diyan." Sabi ni Tita.

Tumayo si Delia at lumapit saamin. "Bakit? Gusto mo bang sumama saamin Heaven?" Tanong niya.

"H-hindi." Sagot ko at naglakad na palayo sa kanya. Dumeretso ako sa kusina at uminom ng tubig.

Minsan ko naring pinangarap na makapunta sa mga magulang ng Papa ko at kilalanin nila akong apo.

Kaso hindi muna sa ngayon... dahil wala pa silang kinikilalang apo sa anak nilang ama ko.

Siguro nga hanggang dito nalang ako. Parang isang sikreto nga na dapat itago.

Oo nga pala, isa nga pala akong malaking sikreto na hindi dapat nila malaman.

END OF CHAPTER 18
Thanks for reading!
Vote and Comment!
Godbless us!

A/N: Hi, thanks for reading.
Gusto ko lang imention ang active at sa pag support ng story ko kay JerrydeGuzman8 Jellalalala. Salamat ng marami!

The Healer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon