Heaven's POV
Nakatulala lang ako sa kisame habang nakahiga sa kama. Ano bang dapat kong gawin? Ano bang nangyayari saakin? Bakit ganito?Madami akong tanong sa isipin ko at ni isa ay hindi ko masagot. Madami ring gumugulo sa isipan ko.
Mag isa lang ako sa bahay dahil nasa trabaho si Uncle. Umalis naman sila Tita at Delia. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng inggit kay Delia.
Kinilala ng Lolo't lola ko si Delia bilang apo. Samantalang ako... heto hindi nila kilala. Ni hindi nila alam na may anak ang anak nilang si Wilfredo Carlos.
Nakakapagtaka dahil kakaiba ang Middle name ko. Hindi ko alam kung sino ang tunay kong ina. Hindi ko alam kung anong hitsura niya, basta ang sabi nila kamukha ko siya. Hindi ko man lang siya naabutan at nakilala.
Ano ba ang tunay at buo kong pangalan?
'Heaven Awke Carlos' yan ang buo kong pangalan.
Maswerte na din ako kahit papaano dahil nagkita kami ni Papa sa huling pagkakataon.
Bumangon ako sa kama ko at lumabas ng kwarto. Dumeretso ako sa kusina para kumuha ng pagkain. Pero laking gulat ko nang wala nang laman ang loob ng ref. Sa pagkakaalam ko ay kakapalengke pa namin ni Delia nung nakaraan.
Napakamot ako sa ulo ko at pumunta sa kwarto ko. Nagpalit ako ng damit at kumuha ng pera sa wallet ko.
Magrogrocery muna ako ng konti
Sumakay ako ng Jeep at nagbayad. Hanggang sa makarating ako sa Puregold. Bumaba ako at pumasok sa loob.
Naglibot libot ako at kumuha ng Ice cream, Potato Chips, delata, ham, hotdog, dairy milk, energy drinka, mogu mogu, biscuits at iba pa.
"Heaven." Napatingin ako sa tumawag saakin. Laking gulat ko nang makita si John.
"John? Hala!" Gulat na sabi ko. "Anong balita kay Annie? Ano?" Tanong ko.
"Medyo maayos na si Annie. Nasa Hospital na siya ngayon pero hindi parin siya gumagaling..." napatigil ako sa narinig ko.
Umepektibo man ang kapangyarihan ko pero hindi mawawala nun ang sakit niya. Mukha talagang malapit na ang oras ni Annie at hindi ko yun kayang pigilan.
"Ganoon ba? M-mabuti naman... sabihin mo kila Mang Berto na alagaan at mahalin nila ng buo si Annie, sulitin na nila ang mga natitirang araw at oras ni Annie." Nakangiting sabi ko pero may lungkot sa mga mata ko.
"Ginagawa na nila ang lahat. Hinahanda na ni Annie ang sarili niya." Sabi ni John na hindi maiwasang malungkot.
"Matapang na bata si Annie." Nakangiting sabi ko.
"Pwede mo ba akong samahan sa labas? Mag uusap lang tayo ng saglit." Seryoso niyang sabi.
"Sige." Sagot ko at dumeretso sa Cashier. Hinintay naman ako ni John sa labas.
Nandito kami ni John sa isang Coffee Shop. Nakatingin lang siya sa kape niya habang ako ay nakatingin sa kanya. Hindi ko maipagkakailang gwapong lalaki si John. Matangkad at payat.
"Uhh... John." Tawag ko. Inangat niya ang tingin niya at ngumiti.
"Pasensya kana." Sabi niya at umayos ng upo. "Bakit?" Tanong niya.
"Kaano ano mo ba sila Mang Berto?" Tanong ko na ikinatigil niya. Hindi siya nakasagot. "Pamilya mo ba sila?" Tanong ko.
"Hindi. M-malapit silang pamilya saakin at sa pamilya ko." Sabi niya.
"Kung ganoon pala edi matagal na kayong magkakilala?"
"Oo, six years na." Sagot niya na ikinagulat ko. "Ikaw? Papaano mo sila nakilala?" Tanong niya.
"Nagkakilala kami ni Mang Berto sa Hospital. Kwinento niya saakin kung anong nangyari sa kanya. Yun din ang araw kung kelan nagkakilala kami ni Annie at yun din ang araw na pinagkamalan mo kong kilala mo ako." Sabi ko.
Nanliit ang mga mata niya at tiningnan ang kabuuan ng mukha ko. "May kamukha ka kasi eh..."
"S-sino?" Tanong niya.
"Si Faith--- Binibining Faith." Tila ba natigilan ako sa narinig ko. Lumakas ang tibok ng puso ko. Para akong mabuhayan.
"Binibini?"
"Oo, isa siyang napakagandang binibini... matagal ko na siyang hindi nakikita. Bata palang ako ay kilala ko na siya at magkamukha talaga kayo." Sabi niya. "Pero imposibleng iisa kayo kasi malaki ang pagitan ng edad niyo." Dugtong niya.
Natigilan ako lalo. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam pero mas lalo akong naging interesado malaman ang tungkol sa babaeng iyon.
"Heaven? Okay ka lang ba?"
"H-ha? O-oo, okay lang!" Sabi ko at nagthumbs up sa kanya. Kinuha ko ang kape ko at ininom iyon.
"Dahan dahan lang." Sabi niya. Dinahan dahan ko ang paglagok ko at tumingin sa kanya.
Binaba ko ang kape at nginitian siya. "John." Tawag ko.
Tumingin siya saakin. "Actually, John is not my real name."
"Aba! Umienglish ka ah?" Biro ko.
"Seryoso ako." Sabi niya at tumingin sa kabilang gilid niya.
"Seryoso? Kung totoo nga, ano ang tunay mong pangalan?"
"Heaven!" Inis na suway niya saakin dahil sa kakangiti ko sa kanya. Sumeryoso nalang ako.
"So what's your real name?"
"My name is Hope Gabriel."
'Hope?'
END OF CHAPTER 19
Thanks for reading!
Vote and Comment!
Godbless us!
BINABASA MO ANG
The Healer
Science FictionSiya si Heaven Carlos. Isang normal na teenager na lumaki kasama ang kaniyang Uncle Edgar. Ngunit nagbago ang lahat nang siya ay tumungtong sa 13 na taong gulang. Isang kakayahan ang ibiniyaya sa kaniya na ginamit niya sa pagtulong sa iba. Ang saril...