Chapter 4

4.8K 176 0
                                    

Heaven's POV

Nakatulala ako sa kisame ng kwarto ko. Nagising nalang ako nang nakahiga na ako sa kama ko. Ang huli ko kasing natandaan ay iyong nawalan ako ng malay sa sala matapos kong maramdaman ang matinding kirot sa tagiliran ko.

Tumagilid ako ng higa at napatingin sa nakabukas na bintana. Nililipad pa nito ang kulay puting kurtina dahil sa malakas na hangin.

Tumayo ako para isarado ang binatana pero bago ko pa man mahawakan yung bintana ay bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

"Heaven?" Si Uncle.

"Uncle." Sambit ko at lumapit sa kanya saka nagmano. "Ang aga niyo naman pong umuwi? Hapon pa po ah?"

"Heaven, gabi na..." sabi ni Uncle na ikinagulat ko. "Ano ba ang nangyari sayo? Pagka uwi ko sa bahay para magmerienda ay naabutan kita na nakahiga sa sala."

"Po?"

"Ano bang nangyari?" Puno ng pag aalala ang mukha ni Uncle. Yumuko ako at pinakiramdam anf sarili ko.

Wala namang masakit. Okay naman ang pakiramdam ko ngayon.

"N-nakatulog po siguro ako sa p-pagod..." Pagsisunungaling ko. Ayaw ko naman kasing mag alala si Uncle saakin. Alam kong marami ng problemang kinakaharap si Uncle. Stress na stress na siya at pagod sa trabaho. Minsan lang siya makapag pahinga dahil sa sunod sunod na ang mga pasyente sa Hospital na pinagtratrabahuan niya.

"Sigurado ka? Baka may masakit sayo?"

"Wala po. Okay lang po ako, Uncle. Magpahinga na po kayo, ako na po ang maghahain sa baba."

Pinanliitan niya ako ng mata. "Osige, iidlip muna ako." Sabi niya at lumabas na ng kwarto.

"Uncle!" Tawag ko na ikinahinto niya. "May balita po kayo kay Tita Jona?" Iyong tinutukoy ko ay yung babaeng nanatili saamin nung naaksidente si Uncle.

Nakita ko kung paano napahawak sa sentido si Uncle. "Nakalimutan ko. Bukas ay uuwi ang Tita Joan mo, mananatili siya dito ng mga ilang buwan."

"Talaga po?"

"Oo. Pasensya na kung ngayon ko lang nasabi, nawala sa isip ko."

"Wala po yun... pahinga na po kayo." Sabi ko at nagmadaling bumaba ng hagdan at dumeretso sa kusina.

____________

"Amen." Pagkatapos naming magdasal ni Uncle ay nagsimula na kaming kumain.

"Heaven." Tawag ni Uncle. Takang tumingin ako sa kanya. "Natatandaan mo pa ba noong nabulag ako?"

Nabitawan ko bigla ang hawak kong kutasara at tinidor, dahilan para makagawa ito ng ingay.

"P-po?"

Napabuntong hinga siya. "Ikaw ang nakapag pagaling saakin. Simula nung maramdaman ko ang mga kamay mo sa mga mata ko ay unti unti akong nakakita ng liwanag."

Tumahimik ako.

"Nasisilaw ako sa liwanag na iyon hanggang sa luminaw ang paligid at nakita kita." Sabi ni Uncle. "Akala ko imahinasyon ko lang iyon pero nakikita ko mismo kung papaano ka sumigaw."

"Uncle..." Hindi ko alam ang sasabihin ko. "13 years old pa ako nun, bata pa lang ako."

"Yun nga ang ipinagtataka ko. Papaano mo nagawa iyon?" Kinabahan ako bigla sa tanong ni Uncle. Nakahawak siya sa baba niya at animong nag iisp.

"H-hindi ko rin po alam." Sabi ko at yumuko.

"Hay... kalimutan mo na iyong mga sinabi ko. Sabihin mo saakin kung may problema."

"Opo." Sagot ko at kinuha ang basong may malamig na tubig atsaka ininom ito.

"Hindi ko alam kung ano ang kakayahan mo. It's a gift, you're gifted... Heaven."

 
 
END OF CHAPTER 4
Thanks for reading!
Vote and Comment!
Godbless us!

The Healer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon