"Isa akong scientist." Napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko. Hindi ko makita ng malinaw ang mukha niya pero sigurado akong kilala ko siya.
Naramdaman kong may tumatapik saakin hanggang sa palakas na ito ng palakas. Masakit man pero pinilit kong aninagan ng malinaw ang mukha ng babae hanggang sa naramdaman ko nalang na umiikot na ang paligid ko. Unti unti akong nakaramdam ng hilo.
Pero bago muna magdilim ang paningin ko ay nakita ko na ng malinaw ang mukha niya. Labis akong nagtataka, kilala ko na ang babaeng nasa harapan ko.
Si Tita Jona.
NAPABANGON ako nang maramdaman kong may malamig na tubig ang bumuhos sa mukha ko. Pero nanatili parin akong nakatulala sa harapan ko."Tanghali na pero tulog ka pa rin?! Umayos ka nga, Heaven! Wala ka sainyo kaya bumangon kana diyan. Bilis!" Pumalakpak pa siya sa harap ng mukha ko na nagpabalik sa diwa ko. Pagtingin ko sa babae ay hindi ko maiwasang mapanganga dahil si Tita Jona itong nasa harapan ko. Agad ko namang pinunasan ang mukha ko gamit ang palad ko. Tubig nga.
Pero napatigil ako nang may maalala ako. Ang huling alam ko lang ay naka usap ko ang matanda at sinabi niyang may limang scientist, na isa palang scientist ang nanay ko, yung ginawa nilang experimento, na napasa saakin ang kakayahang magpagaling at ang lab na nasa ilalim ng lupa ng maliit niyang bahay kubo.
Sinampal ko ang sarili ko. Hindi kaya ay panaginip lang iyon? Pero bakit pakiramdam ko ay totoong nangyari yon?
"Tumigil kana sa pag-iisip ng kung ano-ano." Napatingin ako kay Tita Jona na seryoso nang nakatingin saakin habang may hawak na baso. Tulad ng dati, binubuhusan niya ko ng malamig na tubig na nakalagay sa isang babasaging baso.
"Tita Jona, napaginipan po kita..." Napahawak ako sa noo ko. Eh ano naman kung napaginipan ko si Tita Jona? Ano naman kung malaman niya? Wala din namang mangyayari. Lahat nun ay gawa lang ng imahinasyon ko.
"Ano?"
"Isa daw po kayong scientist." Mahina kong sabi dahilan para manliit ang mga mata ni Tita Jona at nilapit ang mukha saakin. Napaatras naman ako sa takot. Kainis! Ikaw kasi Heaven, sinabi mo pa! Baka lalong magalit si Tita Jona.
Nagulat ako nang iangat niya ang baso sa mismong mukha ko. "Kalokohan. Linisin mo na ang kusina, ngayon na! Bilis!" Sabi niya at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Napahawak ako sa puso ko. Akala ko ay aatakihin niya ako ng sampal o hampas.
Wala akong nagawa kundi bumango na lamang at ligpitin ang higaan ko at mag-ayos sa sarili. Lumabas na ako pagkatapos at dumeretso sa kusina.
Nasa kalagitnaan na ako ng paghuhugas ng pinggan nang maramdaman kong nanginig ang nga mata ko kung kaya't nabitawan ko ang hawak kong plato. Narinig ko ang malakas nitong pagbagsak dahilan para gumawa ito ng malakas na ingay. Nabasag ko ang pinggan ni Tita Jona.Yumuko ako upang pulutin ang mga bubog kahit patuloy paring nanginginig ang mga kamay ko. Akmang kukuhanin ko na ang malaking basag na parte ngunit bigla na lamang nanlabo ang paningin ko dahilan upang hindi ko na tuluyang makita ng malinaw ang mga bubog. Naramdaman ko nalang na kumirot ang mga daliri ko. Ang hapdi! Ang sakit.
"Heaven?!"
Bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay ay naabutan ko pa si Tita Jona na nagmamadaling lumapit saakin.
***
After 2 months...
Maraming nagbago simula nang magkasakit ako.
BINABASA MO ANG
The Healer
Science FictionSiya si Heaven Carlos. Isang normal na teenager na lumaki kasama ang kaniyang Uncle Edgar. Ngunit nagbago ang lahat nang siya ay tumungtong sa 13 na taong gulang. Isang kakayahan ang ibiniyaya sa kaniya na ginamit niya sa pagtulong sa iba. Ang saril...