Heaven's POV
Ngayong araw na ang kaarawan ko. Nandito kami sa harap ng puntod ni Papa. Tumulo ang luha ko dahil namiss ko siya, sana nga kahit isang beses ay nandito siya sa tabi ko, sa kaarawan ko. Pero imposible ng mangyari yun. Dahil nasa itaas na siya.
"Hi Pa, birthday ko na naman ngayon... matanda na ang anak niyo." Sabi ko at tumawa. "Diba ganito naman lagi? Habang lumilipas ang oras at araw ay tumatanda ka. Malaki na ang dalaga mo." Huminto ako at sumighot. "Napagdesisyunan namin na dito nalang magcelebrate kasama niyo. Nandito po si Uncle at Tita Jona. Si Tita Jona po ang nagluto ng pagkain na dinala namin. Balita ko po ay mahilig kayo sa Carbonara? Wow naman! Parehas po pala tayo ng paborito."
Napalingon ako sa tabi ko at nakita kong inilapag ni Uncle ang bulaklak sa puntod ni Papa. "Kamusta na Pa? Eto oh, si Uncle. Miss ka na niya pati si Tita. Sana nga po ay nandito kayo at mayakap ka po namin ng mahigpit..." tumulo na ang luha ko.
"Hi, Kuya Mond. Matagal tagal na rin akong hindi nakakabisita sa inyo. Kaya nadito ako para bisitahin ka at nila Heaven. Para naman makabawi ako..." nakangiti pero naluluhang sabi ni Tita.
"Mond, ako 'to si Edgar. Matanda na ako at nakamit ko rin ang pangarap kong maging isang doktor. Heto naman si Heaven, mabait at magandang dalaga na ang anak mo. Kaarawan niya ngayon at nandito kami para magcelebrate kasama mo. Miss kana namin, Mond." Sabi ni Uncle.
"Tara! Kain na." Sabi ni Tita at binigyan kami ng plato. Naka upo kami sa damuhan pero naka tela kami. Parang picnic lang.
Nagsimula na kaming kumain at magkwentuhan. Hanggang sa sinindihan na ang kandila ng cake ko.
"Happy birthday, Heaven! Happy birthday, Heaven! Happy birthday, Happy birthday, Happy birthday, Heaven!" Kanta nila Uncle at Tita Jona.
Pumikit ako at humiling bago ihipan ang kandila. Nang maihipan ko na ito ay agad na nagsipalakpak sina Uncle.
"Yeyy! 17 years old na pala itong si Heaven. Hay, ang bilis ng araw." Sabi ni Tita Jona habang hinihiwa ang cake.
Nagjoke si Uncle na ikinatawa namin. Siya daw muna ang magiging clown at ako daw ang prinsesa. Birthday girl kasi.
Tuloy tuloy lang kami sa kwentuhan at tawanan.
Sana ganito na lang lagi. Masaya at walang problema.
End of Chapter 8
Thanks for reading!
Vote and Comment!
Godbless us!
BINABASA MO ANG
The Healer
Science FictionSiya si Heaven Carlos. Isang normal na teenager na lumaki kasama ang kaniyang Uncle Edgar. Ngunit nagbago ang lahat nang siya ay tumungtong sa 13 na taong gulang. Isang kakayahan ang ibiniyaya sa kaniya na ginamit niya sa pagtulong sa iba. Ang saril...