Chapter 26

2.2K 89 3
                                    

Heaven's POV

Gulat siyang napatingin saakin. Agad siyang lumapit at hinablot ang cellphone niya mula sa pagkakahawak ko.

"A-akin na nga yan! Masyado ka namang pakialamera!" Inis na sabi niya at pinatay ang tawag.

"Sino si Lilly?" Tanong ko na ikinabigla niya. "Delia, magpaliwanag ka! Ano? Ano yung tungkol sa utang mo 'daw'?" Tanong ko sa kanya.

"Pakialamera ka talaga, tsk." Sabi niya at akmang tatalikod pero hinawakan ko ang braso niya at iniharap saakin. "Pwede bang tumigil ka muna sa pagbabato ng masasamang salita? Ipaliwanag mo ang lahat." Mahinahong sabi ko na may halong panggigigil sa boses.

"Can you please shut up?! Punong puno na ako sa'yo! Lagi mo nalang akong pinapakialaman!" Sigaw niya at tinulak ako dahilan para matumba ako sa kama.

Padabog siyang umalis ng kwarto. Hinabol ko siya hanggang sa makarating kami ng hagdan. Hinawakan ko siya sa braso dahilan para tumigil siya at samaan ako ng tingin.

"Delia, please... magpaliwanag ka." Pakiusap ko. Hindi parin mawala ang sama ng tingin niya saakin.

"Heaven! Anong ginagawa mo sa anak ko?!" Agad akong napabitaw nang marinig ang pagsigaw ni Tita Jona. Umakyat siya ng hagdan at hinila palapit sa kanya si Delia.

"Pinapakialaman niya ang buhay ko, Mommy!" Inis na sabi niya.

"Aba? Hindi pupwede yun!" Inis na sabi ni Tita Jona at simaan ako ng tingin. "Huwag na huwag mong papakialamanan si Delia, maliwanag ba? Ilang beses ko na bang sinabi sayo na tigilan mo ang anak ko? Katigasan lang ng ulo ang matututunan sayo ni Delia!" Sabi niya at hinila pababa si Delia. Dumeretso sila sa Sala.

Nanlulumo akong napaupo sa hagdanan. Bakit ba sa tuwing kausap ko si Tita Jona ay para bang kasalanan ko ang lahat? Hindi naman siya ganyan dati. Si Tita Jona ang kasundo ko sa lahat ng bagay pero noon na'yun.. iba na ang Tita Jona na kaharap ko kanina.

Pero bakit? Lagi nalang pumapasok sa isip ko na nagsimula ang lahat ng ito noong nalaman niya ang kakayahan ko.

"Ano namang ginagawa mo diyan?" Nagulat ako nang may nagsalita. Napalingon ako sa likod at nagulat akong makita siya. "T-tita Katrina?" Sambit ko.

"Nagkasagutan kayo ni Delia?"

Tumango ako. Nagulat ako nang hawakan niya ang braso ko at hinatak ako pababa ng hagdan. "S-saan po tayo pupunta? Teka lang ho..." sabi ko at pilit na inaalis ang pagkakahawak niya sa braso ko pero parang wala siyang narinig at tuloy tuloy lang sa paghatak saakin hanggang sa makalabas na kami ng bahay.

Nagulat ako nang makita ko ang isang batang lalaki na nakahawak sa may braso at umiiyak. Siya yung batang nahulog sa Puno ng mangga.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko at agad na lumapit sa batang lalaki na ngayon ay umiiyak.

"Ate..." sambit niya. "Kailangan ko po ng tulong niyo."

Nagtataka man pero tumango ako. "Nagkasakit po ang Lolo ko at kailangan niyang ipagamot pero wala kaming sapat na pera..." sabi niya.

"S-sige, tutulungan ko kayo... may pera naman ako sa---" napahinto ako nang magsalita siya. "Hindi po pera ang kailangan namin. Ang dahilan ko po dito ay para pagalingin niyo po ang Lolo ko." Sabi niya na ikinagulat ko.

"Sige na. Sasamahan ko kayo, saan ba?" Tanong ni Tita sa bata. Gusto kong umiling at tumanggi pero tinulak na ako ni Tita palabas ng gate. Hindi narin ako nakatanggi dahil naaawa ako sa bata.

The Healer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon