Chapter 27

2.3K 87 4
                                    

Delia's POV

Kasalanan ko...

Alam kong kasalanan ko

Alam ko ring walang kasalanan si Heaven dito para magalit sa kanya si Mommy...

Sa una palang alam kong ako na ang mali. Alam kong mataas ang pride ko, na mas maldita pa ako kaysa kay Mommy, na ang arte arte ko like oh my gee! Kailangan ko pa bang sabihin ang attitudes ko? Na isa akong spoiled na maganda?

Actually, alam kong unang nakilala ko si Heaven ay napaka misteryoso niya. Mabait at maganda siya at yun ang kinaiinisan ko sa kanya! Bakit ang ganda ganda niya compare sa beauty ko?

Nung mga gabing tumakas ako para magpakita kay Don ay alam kong sinusundan ako ni Heaven, na alam kong nagigising siya at sinadya ko talaga yun.

Bakit? Dahil alam kong sa dulo ay siya rin ang pag iinitan ng ulo ni Mommy... kilala ko si Mommy, hindi kailan man na nagalit saakin yun sa kasalanang ginawa ko man o hindi.

Lahat ng gusto ko nakukuha ko...

Pero ang mga pangyayaring sa party na yun ay hindi ko sinandya! Hindi ko alam na aatakihin pala sa puso ang Lolo niya... at ako ang sinisisi ng lahat.

At yun ang hindi ko inaasahang mangyayari kaya ninakawan ko ng pera si Heaven sa natagpuan kong maliit na box na nakatago sa Cabinet niya. May pera ako pero hindi sapat yun, kapag naman nanghingi ako ng malaking pera kay Mommy ay magtataka yun.

Nung araw na namomroblem ako tungkol sa pera ay naabutan kong medyo bukas ng bahagya ang cabinet ni Heaven, nung tiningnan ko yun ay may asul na kahon. Pagbukas ko ay may sampung libo na nakalagay sa sobre. College ang nakalagay.

Wala akong pakialam sa oras na yun kung kaya't mabilis kong kinuha ang pera ni Heaven.

Well, hindi nakaw ang tawag dun. Kinuha ko lang naman pero hindi ko ninakaw.

At ngayon... umalis si Heaven. Wala kaming alam kung saan na siya nagpunta. Samatalang parang wala sa sarili si Mommy at nagkulong sa kwarto. Si Tita Katrina ay hindi ko alam kung nasaan. Basta nandito ako sa terrace at nakatitig sa kalsada.

Hanggang sa may itim na kotse ang dumating at huminto hindi kalayuan sa bahay. Bumaba ang windshield at nakita ko ang mukha ni--- "Don?!" Hindi makapaniwalang sabi ko.

Seryoso at gwapo si Don, that's why i like him... I guess? Hindi din ako sure kung bakit gusto ko siya.

Lumabas ako ng gate at lumapit sa kanya. Pumasok ako at umupo sa front seat katabi niya.

"How's your day, Lilly?" Tanong niya. Yumuko ako at tumango tango. "Oh good to hear that after---" sarcastic na sabi niya pero natigil siya nang magsalita ako.

"D-don... nabayaran ko naman kayo ng Lolo mo." Sabi ko. "I want to stop this, Don." Seryosong sabi ko sa kanya.

"Stop what?"

"Let's pretend na hindi natin kilala ang isa't isa. Gusto ko nang matapos ito, ayaw ko na..."

"Tandaan mo, Lilly. Ikaw ang nagsimula nang gulong 'to! It's your fault! Kaya dapat mong pagbayaran ang ginawa mo kay Lolo!" Sigaw niya dahilan para mapaangat ako ng tingin. Sa oras na'to ay alam kong galit na siya. Sa mga tingin niya palang ay alam ko na.

"Don! Ayaw ko na, please!" Naiiyak na sabi ko. "Ano bang dapat kong gawin matapos lang to? Ano?!" Tanong ko sa kanya.

Napangisi siya. "Hmm... isa lang ang paraan." Sabi niya. "Kailangan mong pagalingin ang Lolo ko kung gusto mong matapos ang lahat ng 'to." Tuloy niya.

Nanlulumo akong napatingin sa bintana.

Anong gagawin ko?

Heaven's POV

Minulat ko ang mga mata ko at napatingin sa kisameng kulay asul--- wait, asul?! Tama ba itong nakikita ko? Sa pagkakaalam ko ay kulay dilaw ang kisame ng kwarto ko.

Mabilis akong napaupo sa kamang kinahihigaan ko at nilibot ang tingin ko. White and Baby blue ang kulay ng kwarto maging ang sahig ay kulay puti at ang mga kagamitan sa loob na kulay puti at asul.

Bumukas ang pinto at mabilis akong napakapit sa kumot.

"John?!" Gulat na sabi ko nang makita siyang pumasok at may dalang baso na naglalaman ng gatas.

"Kanina 'Hope', ngayon naman 'John'?" Natatawang sabi niya at lumapit saakin. Iniabot niya anh gatas pero tumanggi ako.

"Papaano ako napunta dito? S-sa pagkakaalam ko ay--- teka!" Napatigil ako nang matandaang nasa kalsada ako kasama si John.

"Iniuwi muna kita dito dahil alam kong nagkaproblema sainyo." Sabi niya.

"P-papaano mo nalaman?" Gulat kong tanong.

"Umiiyak ka at alam kong galing ka sainyo." Sagot niya at umupo sa kama. "Nandito ka sa bahay ko, sa Guest room kita dinala." Sabi niya kaya gulat akong nilibot ang tingin ko sa kwarto.

"Mayaman ka pala?" Namamanghang sabi ko.

Hindi siya sumagot at iniabot saakin ang gatas. Wala na akong nagawa pa at tinanggap iyon saka ininom.

"Iuuwi na kita sainyo." Sabi niya. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa pader. Tanghali na pala at sa pagkakatanda ko ay umaga ako umalis ng lbahay.

"P-pwede bang mamaya muna? Kahit saglit lang..."

"Sige." Sabi niya. "Pero bago ka muna umuwi ay may pupuntahan tayo."

"Saan?"

Ngumiti lang siya saakin at inaya na akong lumabas ng kwarto. Alam kong may mali sa ngiti niya.

Huminto ang motor ni John sa sementeryo. Nakakapagtaka at nakakakaba dahil sa sementeryo kami pumunta.

"John, anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya at bumaba sa motor. Bumaba din siya at ngumiti saakin ng pilit.

"Kung anong makita mo, tatagan mo ang loob mo." Sabi niya at nagulat pa ako nang hawakan niya ang kamay ko. Bale... magkaholding hands kami.

Hawak hawak niya ako habang naglalakad kaya sumunod lang ako sa kanya kahit nakakailang dahil hawak niya ang kamay ko.

Tumigil kami sa isang puntod dito sa sementeryo. Nagulat ako nang ilagay niya ang kamay ko sa lapida, yung kamay ko na hawak din niya.

"Tumingin ka, Heaven." Sabi niya. Napapikit ako at nang maidilat ko ang mata ko ay nagulat ako nang makita ang lapida.

Annie J. Cruz
Born: October 8, 2008
Died: October 9, 2016

Naramdaman ko ang luha na namumuo sa mga mata ko. Nanghina ang tuhod ko at napangiti hanggang sa tuluyan na akong napaupo sa damuhan.

"A-annie..." sambit ko at hindi ko namalayan na umiiyak na ako.

Yumuko si John at niyakap ako. "Alam mo bang may dahilan si God kung bakit kinukuha niya na ang isang tao?" Tanong niya. Napailing iling ako.

"May dahilan si God kung bakit... para sa ikakabuti. May plano saating lahat si God." Sabi niya at ngumiti. "Siguro dahil maagang kinuha ni God si Annie ay dahil para matapos na ang paghihirap nito hangga't maaga pa." Sabi niya.

Ngumiti ako pero patuloy paring tumutulo ang luha ko. "Maayos at payapa na ang buhay ni Annie sa itaas. Alam kong ayaw niya na makikita kang malungkot." Sabi niya at hinaplos ang buhok ko.

Sa oras na ito, hindi ko akalain na sumakabilang buhay nasi Annie. At sa oras na ito, nandito si John para saakin. Nandito siya sa tabi ko, sa oras na kailangan ko at sa nag iisa ako.

END OF CHAPTER 27
Thanks for reading!
Vote and Comment!
Godbless us!

The Healer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon