Chapter 31

2.2K 75 3
                                    

Heaven's POV

Maaga akong nagising para pumasok. Hindi ko alam pero umaasa ako na madadatnan ko si Miko na nag iingay sa loob ng Classroom namin. Pero nang makapasok na ako ay sobrang tahimik at kakaunti lang ang nasa loob, idagdag mo pa na maaga pa kung kaya't sobrang tahimik kahit saan ka mapadaan.

Napabuntong hininga ako at napatingin sa relo na suot ko. May 30 minutes pa bago magsimula ang klase. Kaya kinuha ko ang bag ko at lumabas ng school. Dumeretso ako sa Coffee Shop kung saan kami nagkita ni Maria kahapon.

Nag order ako ng Coffee at pumwesto sa dulo, yung pwesto na kung saan kami pumwesto ni Maria kahapon. Doon parin ako sa katabi na wall glass at kitang kita ko mula sa labas ang mga estudyanteng naglalakad at tumatambay pa. May mga iba naman na pumapasok sa Coffee Shop, karamihan ay yung may mga trabaho ang nandito sa loob at nagkakape. Base sa mga suot nila ay nagtratrabaho sila sa Company dahil napaka formal ng mga suot nila.

'Kailan ko kaya makikita muli si Miko?'

Nasabi saakin ni Maria na nasa Cavite sila Miko at doon din siya na Hospital at na Car Accident. Hindi ko alam na doon pala sila nakatira pero dito namamalagi si Miko at kasama niya tumira dito ang Kuya niya pati ang asawa nito.

Kinakabahan din ako sa mangyayari makalipas ang ilang araw. Kasi maaaring idamay nila Moc si John at hindi ako pumapayag na mangyari yun.

Napatingin ako sa dalawa kong kamay na nakabukas ang aking mga palad. Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ako ng kakayahang magpagaling.

Alam kong sa mga Fantasy, Fairytale lang nagkakaroon ng mga ganoon. Kahit mismo sa Science ay nagsasabing hindi yun makatotohanan. Wala pang nakakapagpatunay na totoo ang kakayahan magpagaling ng ganoon nalang kabilis. Yung kahit hawakan ko lang ang nadamage na parte ay mabilis itong gagaling at hindi na dadaan sa surgery o gamutan.

Weird. Oo, napaka Weirdo at nakaka misteryoso ng kakayahan ko. Kahit mismo sarili ko ay nawiweirduhan ako.

Pero dumating na ang Five years ay dala dala ko na ang kakayahang ito. Kung kaya't nasanay na ako sa mga kakaibang nangyayari saakin. At ang mas naging Misteryoso saakin ay kahit mismo sugat ko ay kusang humihilom ng hindi ko namamalayan.

Iwas na din ako sa mga sakit.

Palaki ako ng palaki ay dumadami na ang napapagaling ko. Na madami na akong natutulungan pero sa kabila ng lahat ng yun ay mayroon paring saksi.

Gumulo ang lahat simula nung dumating sila Tita Jona. Pakiramdam ko ay pinapahirapan at iniipit ako sa mga sitwasyon na nakakapag pagulo saakin pati narin sa buhay ko.

Thankful ako dahil naging instrumento ako para makatulong sa iba. Pero kahit ganoon ay minsan ko naring hiniling na sana ay naging normal nalang akong kabataan ngayon.

"Here's your Coffee, Ma'am." Sabi nung waitress sabay lapag ng Coffee ko sa lamesa na may pangalan ko pang... Heaven.

"Thank you." Sabi ko at umalis na siya bitbit ang tray na may laman pang ibang Order.

Sumimsim ako ng kape habang inaalala ang mga nangyari kasabay nun ay ang paglabo bigla ng paningin ko. Nilapag ko ang kape at pumikit pero pagdilat ko ay luminaw ang paningin ko pero sa kaliwa kong mata ay malabo pa rin.

Unti unti itong lumabo kaya pinikit dilat ko ang kaliwa kong mata. Para tuloy akong kumikindat sa kung sino pero ang totoo niyan ay pilit kong nililinaw ang panigin ko.

"Ma'am, are you okay?" Tanong ng Waitress na naghatid ng Coffee ko.

"O-oo." Sabi ko at napayuko.

The Healer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon