Heaven's POV
Lumipas ang ilang ilang araw at madalas nang may pumupunta dito saamin para humingi ng tulong kay Tita na ako naman ang gumagawa. Hindi ko alam kung bakit parang lagi nalang may kakaiba sa tuwing kinakausap ni Tita ang mga pumupunta dito saamin.
Siguro nga na dapat ko nang tanggapin na alam na ng lahat ang kakayahan ko. Sa bawat tingin palang nila saakin ay parang sinusuri nila ang bawat kilos o galaw ko. Sa bawat hawak o dampi ng kamay ko sa balat nila ay parang lagi silang may inaabangan at minsan pa ay nagugulat sila.
"Sandwich?" Dumating si Tita Katrina at inalok ako ng tinapay na dala niya. Tumango ako at kinuha iyon saka kinain. Pansin ko rin na para bang lagi akong iniingatan ni Tita Katrina. Lagi niyang inaalam kung saan ako pupunta o kung nasaan ako. Lagi niya akong pinapakain na kahit kakakain ko lang ay magbibigay ulit siya ng pagkain. "Juice or Shake?" Tanong niya pero umiling nalang ako at nagpasalamat.
Maya maya pa ay kinuha ni Tita Katrina ang cellphone niya at nagpipindot. Umupo siya sa tabi ko habang umiinom ng Juice.
Ilang minuto pa ang lumipas at parang may naririnig akong makina ng sasakyan na paparating. Nagulat ako nang may bumusina sa harap ng bahay namin. Napatayo ako at napasilip. Inaasahan ko nang may darating na naman at hihingi ng tulong.
Napatayo si Tita Katrina at saka ko lang napansin na may suot siyang kwintas na malaki at kulay ginto. Parang totoong gawa sa ginto... siguro galing iyon sa ibang bansa na pinanggalingan niya. Nakasuot siya ng mahabang bestida na kulay itim.
Nauna siyang lumabas at sinalubong ang lumabas na babaeng kasing edad lang siguro ni Tita Katrina. Masungit at strikto ang mukha ngunit maganda. Taas noong itong naglakad papunta sa gate namin.
Akala ko naman ay kaibigan siya ni Tita Katrina at binisita lang siya pero nagkamali ako. May dalawang guard na bumaba mula sa Van na nakasunod sa likod ng itim na sasakyan. Binuksan nila ang pintuan ng itim na sasakyan at inalalayan bumaba ang isang batang lalaki na sa tingin ko ay nasa sampung taong gulang na.
Nakatulala lang siya sa kawalan habang may benda sa kanang binti niya at parang hindi kayang maigalaw ang kanang paa nito. Lumapit ang isang babae na nakasuot ng uniform na sa tingin ko ay Yaya nung batang lalaki. May dala itong Wheelchair at binuhat naman ng isang guard ang batang lalaki at sinakay sa wheel chair.
Hindi ko namalayan na nakalapit na pala si Tita Katrina saakin at hinila ako palabas ng bahay.
"Who is she?" Tanong nung babae.
"She's Heaven." Sagot ni Tita Katrina at napatingin saakin. Hindi ko inasahan ang susunod na sinabi niya.
"The Healer."
"Oh really?" Hindi makapaniwalang tanong nung babae. Hindi na ako nakinig pa sa dalawa dahil nakalapit na pala saamin ang dalawang guard at isang Yaya na tulak tulak ang batang lalaking nakatulala lang.
"Joshua? Is that you?" Gulat na tanong ni Tita Katrina. So... magkakilala sila?
Hindi sumagot ang bata at nakatingin lang sa bahay namin. Ngumiti nalang ng pilit si Tita Katrina at inaya yung babae na pumasok sa loob.
Naiwan naman kaming lima dito sa labas. Hindi naman mainit ang araw dahil umaga naman ngayon.
"Ah... kayo po si Ms.Trina?" Tanong nung babaeng naka uniform. Napailing ako. "Hindi po, siya po yung babae kanina na nakaitim." Sagot ko.
"Ah... pwede pa po bang magtanong?" Tanong niya. Tumango naman ako at hinayaan siya. "Kayo po ba ang Healer o si Ms.Trina?" Tanong niya na ikinagulat ko.
BINABASA MO ANG
The Healer
Science FictionSiya si Heaven Carlos. Isang normal na teenager na lumaki kasama ang kaniyang Uncle Edgar. Ngunit nagbago ang lahat nang siya ay tumungtong sa 13 na taong gulang. Isang kakayahan ang ibiniyaya sa kaniya na ginamit niya sa pagtulong sa iba. Ang saril...