Chapter 13

3.1K 103 0
                                    

Heaven's POV

"HEAVEN!" Isang sigaw ang nagpatigil saakin nang makapasok na ako sa loob ng bahay.

"U-uncle..."

"Gabi na! Saan ka naman nagpupunta? Alam mo bang nag aalala kami saiyo?"

'Kami'

"Nagpahangin lang po ako, Uncle... sorry po." Sabi ko at nagmano sa kanya.

"Tsk! Huwag mo nang uulitin pa yun, hindi mo pa naman dala ang Phone mo. Paano namin malalaman kung nasaan ka kung di mo yun dala?"

"Uncle, sorry po..."

"Osige, maghain kana doon." Mahinahon na utos ni Uncle. Dumeretso naman ako sa kusina nang hindi tumitingin kay Tita.

__________

"Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Uncle.

"Opo naman, Uncle."

"Kanina ka pa tulala at hindi mo man lang pinapansin ang Tita mo."

Natigilan ako at napatingin kay Tita na taas kilay na nakatingin saakin. Saglit ko lang siyang tiningnan at tumingin muli kay Uncle.

"Ganun po ba?" Sabi ko at tumingin kay Tita. "Sorry, Tita. Busy lang po ako sa pag iisip." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"So!" Pagpuputol ni Uncle nang tumahimik kami. "Sa Saturday ay dadating si Delia."

Taka akong tumingin kay Uncle. "Delia? Sino po yun?" Tanong ko.

"Anak ng Tita Jona mo." Gulat akong napatingin kay Uncle. May anak si Tita Jona? Pero papaano nangyari yun? Bakit hindi ko alam ang tungkol doon?

"She's 14 years old, Grade 8 student na." Nakangiting sabi ni Tita Jona.

"Papaano---" Napahinto ako nang sumabay si Tita Jona.

"She's my adopted child."

Gulat ako napatingin kay Uncle. Pero seryosong tingin lang ang ibinigay saakin ni Uncle.

31 years old nasi Tita Jona. Single siya at nagtratrabaho sa ibang bansa. Pero hindi ko alam na may anak siya, diko alam na may adopted child siya.

Tapos malalaman ko lang ngayong 14 years ago na?

"Dito muna siya for one month." Sabi ni Tita Jona.

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil nag uusap sila Uncle at Jona tungkol kay Delia.

Pure si Delia. Pure American pero tagalog kung magsalita dahil lumaki siya dito sa Pilipinas. Sa bahay ng Lolo't Lola ko. Sa bahay ng magulang ng Papa ko.

Pagkatapos kumain at maglinis ay dumeretso na ako sa kwarto ko at humiga sa kama.

Nagulat ako nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at naka receive ako ng text message.

From: Tita Jona

Excited to meet her?

Agad ko ring tinurn off ang Cellphone ko at inilapag ito sa Side table ng higaan ko.

__________

"Heaven." Tawag ni Miko. Agad ko siyang inangat ng tingin at nakita ko siyang may dalang makapal na libro at umupo sa tabi ko.

"Bakit Miko?" Tanong ko. Napabuntong hininga siya at binuklat ang libro.

"Nakakasar naman si Sir Alfaro. May paresearch pa, tsk." Inis na sabi niya.

"Research? Maggu google ka?" Sabi ko.

"Oo sana."

"Eh bakit ka nandito sa Liblary? Kung mag reresearch ka pala sa Google?"

"Mas maganda kung may kasama." Sabi niya at ngumisi. Inirapan ko nalang siya at nagpatuloy sa pagbabasa. "Heaven, pansin ko lang bakit parang minsan namumutla ka?"

"H-ha? Hindi naman ah?"

"Hindi... kasi napapansin ko nitong mga nakaraang araw na minsan namumutla ka." Sabi niya at kunot noo akong tiningnan.

"Wala to." Sabi ko. "Magbabasa pa ako, humanap ka na lang ng ibang kadaldalan mo."

Umiling lang siya at sumilip sa binabasa ko. Maya maya ay napapahikab siya hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog.

Napapailing nalang ako habang nagbabasa at habang may katabi akong natutulog.

__________

"Miko! Huy, gising!" Tapik ako ng tapik sa pisngi niya. Dahan dahan niyang iminulat ang mata niya at tumayo saka nag unat.

"Hey, Heaven! Umaga na ba?"

"Anong umaga ka diyan? Magsasarado na ang Liblary, wala ka pa bang balak umuwi?"

"Ay! Bakit ang bilis? Thirty minutes palang ako natutulog ah?"

"Anong Thirty minutes ka diyan? One hour and thirty minutes ka nang tulog diyan." Sabi ko at isinabit ang bag ko sa balikat ko. "Uuwi na ako. Sa bahay niyo nalang ipagpatuloy yang pagtulog mo. Bye Miko!" Sabi ko at nagmadaling lumabas ng Liblary.

Sumakay ako ng Jeep para makauwi ng bahay. At nang makababa na ako sa tapat ng bahay namin ay laking pagtataka ko nang may makita akong itim na sasakyan na nakaparada sa labas ng bahay namin.

Mula dito ay nakikita ko si Tita at Uncle na para bang may kausap at ngiting ngiti sila.

Natatanaw ko sila mula sa nakabukas na bintana ng bahay.

Laking gulat ko nang may makita akong babae. Napakaputi niya at kulay brown ang buhok niya. Naka dress siya na kulay asul at may jacket na kulay puti.

"D-delia?" Tanging nasambit ko nang makitang humarap ito sa direksyon ko.

 
END OF CHAPTER 13
Thanks for reading!
Vote and Comment!
Godbless us!

The Healer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon